8:30 pm , Saturday
8pm palang, gusto nang matulog ng lahat kaya ito ako ngayon nakatitig sa tuktok nang tent. Nakatulog na si Nicolette sa tabi ko pero ako ? Napaka gising pa nitong diwa ko. Naiisip ko nanaman ang nangyari kanina.
(Flasback)
Habang kami ay maligo sa ilog, napag pasyahan nila na doon na rin kumain sa tabi na parang may beach fieldtrip kami. Masaya naman kahit gusto ko na sanang magpahinga sa tent, masyado akong exhausted sa mga nakikita ko.
Ang daming nag lalaro sa isipan ko, na para bang kinakawawa ko sarili ko. Mahirap kaya mag tago ng sakit sa mga taong nakapaligid sa iyo. Kahit sabihin ko, mahihirapan lang akong ipa intindi. Masyado akong pagod, ayokong mag salita.
Nag laro kami ng pinoy henyo, syempre partners kami ni Andrei.
"Ano ba to ? Hayop?" tanong ko
"Hindi" sagot nya
" Hmm, pagkain?"
"Oo! Oo! " sigaw nya. Naramdaman ko na sobra syang excited na mahulaan ko ang tamang sagot kaya na pa ngiti ako "paborito mo?" napa isip sya kaunti at lumingon "Oo"
"CARBONARA!" sigaw ko na dahil panigurado yun ang tamang sagot
"TAMA!" sabay tayo nyaaa na parang nanalo sya ng lotto! Akma ko na sana syang aapiran para batiin pero biglang sumulpot si Larah sa gitna namin para yakapin sya "you win, love!" proud na sabi nito
"SANA OL MAY LOVE" parinig ni Clyn sa dalawa at nag tawanan nalang.
Kahit anong tagumpay pa ang makuha ko sa mga activities nato. Ending, nasa kay Lara parin ang halakhak. Nasa kanya parin ang ngiti ni Andrei tuwing nananalo kami.
"Grabe ang memory mo Babi! Naalala mo pa fave ni Andrei!" manghang sabi ni Nicolette sa akin habang inakbayan ako.
Bakit naman hindi ? Lahat ng gusto at ayaw nya, aalamin ko. Ganyan ako ka interesado sa kanya. "Oo naman nu, nasa Autograph ko kaya yun! Tocino nga paborito mo eh hahaha" ngitingiti kong sabi ni Nicolette.
Mabuti nalang talaga alam ko pa kay Nicolette dahil palagi naman syang bumibisita sa amin noon. "Hoy nakaka flattered! Alam mo ba na ooverwhelm ako kapag alam ng mga kaibigan ko ano paborito ko. Feeling ko ang importante kong tao! Love talaga kita Faustine, forever!" Tili ni Nicolette sa akin at ni yakap ako ng mahigpit.
"Hoy! Kayo-kayo lang? Grouphug!" sigaw ni Christoff na papunta sa amin, sumama naman ang iba at naki yakap narin!
"Oo na! Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko kayo, Mahal ko kayo!" Madamdaming sabi ni Clyn na para bang na carried away sa yakapan, kahit ako. Naramdaman ko ang init ng mga puso nila. Parang anytime ma iiyak kami kasi mahigit 6years na pero tignan mo kami ngayon!
Nandito parin kami, nag kakasama.
(End)
Makatulog na nga, sigh.
----
7:00am Sunday
"Guys after natin kumain, kailangan natin kumuha sa gubat nga mga prutas o gulay. Syempre paramihan, ito na yung kakainin natin bago tayo umalis" anunsyo ni veron sa amin
"Hala, baliw ka?! Hindi natin kabisado ang lugar baka maligaw pa, okey pa sana tayo tatlo. Paano sila?" di pag sang ayon ni Clyn at tinuro si christoff, lara , Andrei at ako.
"Well, dzuh . Considerate naman akong tao" ngisi-ngising sabi ni Veronica "edi mag sama sila"
Eeksena pa sana si Clyn pero malakas na nag ring ang phone ni Lara, kaninang kanina lang namin talaga na pansin ang pag ring nito pero di nya sina sagot . Mula nung nasa kabilang tent sya naririnig ko ang phone nya ng tatlong beses
BINABASA MO ANG
Way To You
Novela JuvenilWay to you--- Hindi ako sigurado pero nag ba baka sakali.There is no moon like you, gagawin ko lahat.