WTY 25: Wallace

27 2 0
                                    

1st week of march 20**

Malapit na final exam namin since graduating kami mas maaga pa kami sa mga hindi  namin ka batch. Hay ang bilis nang panahon parang kahapon lang yung time na tinitignan ko pa yung  stories  sa fb nang mga grumaduate last year habang nakasuot nang Maroon na toga.

Ingit na ingit ako at gusto ko na grumaduate agad.

" Besh , isangg bugahan nalang talaga! Mag prapraktis na tayo rumampa sa stage!"  Excited na sabi ni fielyn sa akin sa likoran ko habang katabi nya si liezyl

"hello college life na tayo next school year!!"  sagot naman ni liezyl

Ang bilis nga talaga , ano kaya yung mangyayari?

Iba iba pa naman yung gusto naming kunin.

Gusto ko maging isang Psychologist . Balak ko talaga kumuha nang BS pero tentative pa yun since mahal yung napili kong eskwelahan para dito.

"Ikaw faus? Ano balak mo? Dating plano ka pa rin? " tanong ni liezyl sa akin

" balak ko talaga mag aral dun sa CMU " malungkot akong  ngumiti sa kanya

"Ako rin eh pero wala naman naman kaming pera para dun mag aral sa Caroline Med nayun" 

Simula nung naging mag kaibigan kami ni Liezyl gusto na talaga nyang mag nursing, pareha kami nang dream school subalit yung pambayad dun sa isang sem ay kikitain pa namin nang isang taon.

Ang saklap talaga :<

"Gusto ko nga sana mag apply doon sa Bellas Cafe malapit sa Caroline para matustusan yung allowance ko tsaka kukuha ako nang dalawang scholarship para maliit nalang yung bayarin" 

"Ako gusto ko kumuha nang business course pero si mama" singit ni fielyn

Napatingin kami kay fielyn at binigyan namin sya nang maliit na ngiti , yung mama talaga nya yung may ayaw. Simula nung completion palagi nyang sinasabi na ayaw nyang mag turo in the future pero yun ang gusto ng mama nya.

"Baka mapa bago mo pa yung gusto nang mama mo and for sure kapag nag high honor ka, baka hayaan kanang maka proceed nang business"

Ngumiti nalang si fielyn nung binigyan ko sya nang paniguradong ngiti , alam kong kaya yun ni fielyn . Masipag syang tao, magiging proud yung mama nya.

"Crush? Absent si ma'am?"

Leche talaga tong hinayupak na to, simula nung nag reply sya sa myday ko palagi na nya kong tinatawag na crush.

Proud na proud pa syang sabihin sa classroom na crush nya ko nung Grade 3! Binibida nya ko palagi, na ako raw yung crush nyang naka lugay kahit sobrang init, himdi daw nya alam kung bakit nagagandahan sya sa akin noon eh ang dugyot ko raw at kapag tumitingin sya sa akin parang gusto nya ko paligoan nang ice sa sobrang init raw tignan nang mukha ko, kapatid ko raw yung araw.

Nasunog pa balat ko sa sikat nang araw one week pa naman kaming pinag practice

Tinignan ko sya nang masama

"Nakita mo ko sa faculty ngayon ?" Tanong ko

"Hmm, wala"

"Wala naman pala eh , bakit mo sakin tinanong?"  Naiirita na talaga ako sa pag mumukha nya. Ewan ko ba

"Meron ka ? Ang init nang ulo ha. Ay oo nga ikaw ang araw ko yie"

Pinag sasabi nito?!

"Anggg corny mooo , tignan mo mukha mo sa salamin angg bilog nang mukha mo para ka ding buwan"  turo-turo ko pa sa kanya

Way To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon