Chapter Eight

9 3 0
                                        

Chapter Eight:

  Ikinagulat ng lahat ng biglang mag-ring ng malakas ang cellphone ko. Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko na pansamantalang natigil sa pakikinig sa aming guro. Nag-sorry nalang ako sa kanila at nagexcuse para sagutin ang tawag.

“Hello?”

“Miss Choi Yoora? Are you perhaps related to Mrs. Choi Yun Ji??” nagtaka ako ng banggitin niya ang pangalan ng tita ko.

“Yes, bakit po?” kinakabahan man ay pinilit kong magsalita.

“Pwede po ba kayong pumunta sa Chuwon Hospital?” matagal bago nagsink-in sa akin ang lahat. Agad kong tinakbo ang school grounds at pinilit ang mga guard na palabasin ako. Nagpara agad ako ng taxi.

I bite my nails trying to calm myself. This is a habit of mine simula ng bata ako.

Flashback:

“Wag mon gang kainin yang kuko mo! Tsk” agad niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

“Pano pag di ako nakapasa? Waaaah pano na ang mga pangarap ko Min Yoongi?!” kinakabahang saad ko. Narinig ko siyang napatawa ng mahina at mas hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

“Wag ka ngang kabahan! Nagmumukha kang naempachong unggoy” pinanliitan ko siya ng mata at kinurot sa tagiliran. Nagawa niya pa talagang mang-asar?

“Heh! Atleast ikaw mukha nang unggoy without even trying hard”

“Mild stroke ang nagging sanhi kaya natumba ang tita mo kanina. Buti nalang ay agad siyang nadala dito." Pagpapaliwanag ng doctor na siyang ikinahinga ko ng maluwag.

Habang naghihintay na magising si tita napansin ko ang matandang katabi lang ng kama ng tita ko na mukhang nahihirapang abutin ang mansanas. Agad akong tumayo para tulungan si lola. Halata na sa kaniyang mukha at pangangatawan ang labis na katandaan.

“Salamat iha.” Pagpapasalamat niya sa akin.

“Naku wala ho iyon” ngumiti ako ng marahan at akmang babalik na sa monoblock na kinauupuan ko kanina nang  bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Napakabait at napakaganda mong bata iha. Nasisiguro kong bagay kayo ng apo ko” at nagawa niya pa akong ireto sa apo niya.

Napatawa nalang ako ng mahina kasi makulit din tong si lola pinipilit na bagay daw talaga kami ng apo niya. Ilang minuto narin ang lumipas simula ng pangungulit niya sa akin pero heto ako nakaupo padin at masayang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni lola. Isa pa masaya siyang kausap, para nga lang kaming magkaedad.

Narinig kong bahagyang bumukas ang pinto senyales na may pumasok.

“Oh nandito na pala yung apo ko.” Napatingin ako sa pinto at bakas ang gulat sa mukha naming dalawa ng makita ang isa’t isa.

Letting GoWhere stories live. Discover now