*knock* *knock*
Napabalikwas ako nang marinig kong may tao sa labas. Napasabunot ako sa magulo kong buhok dahil sa inis. Sino ba namang matinong tao ang pupunta dito ng disoras ng gabi? Tsk.
"Sino ba kasi ya- Yoongi?!" Agad ko siyang pinatuloy sa bahay. Napalingon ako sa paligid kasi baka magising yung menopause kong tiyahin. Isa pa ang lakas ng ulan sakitin pa man din 'to.
"Yo-yoora" nanginginig niyang sabi.
"Tsk." Pumunta ako sa kuwarto at naghanap ng tuwalya. Nagpainit na din ako ng tubig.
"Ano ba kasing naisipan mo at nagpaka basang sisiw ka. Ang sakitin mo pa man din! Tapos bukas hahanapin ka sa akin ng mama mo! Tapos anong sasabihin ko?! Na pumunta dito yung anak niya kagabi at napagtripan maligo sa ulan?!" Panenermon ko sakanya sabay abot ng ginawa kong hot chocolate.
"Oh! Magbihis ka!" Binigyan ko siya ng damit at ipinagtulakan sa banyo. Mahilig kasing maglayas ang mokong. Layas ng layas dito din lang naman ang punta.
Lumabas na siya. "So ano nanamang ganap?" Pagtaas ng kilay ko.
"Kailan ka ba magiging sweet sa akin?" Pagtatampo niya. Abat-
"At kailan ka pa natutong magpacute? Nako tigilan mo ko Yoongi" Pagsusungit ko pa din.
"Ayaw nila eomma" malungkot niyang saad.
"Ano ka ba! Mamimiss ka lang non!" Pagpapagaan ko ng loob niya.
"Yoora gusto ko lang namang tupadin yung pangarap ko. Masama ba yon? Gusto ko lang namang makuha ang atensyon nila. Palaging si hyung nalang ang magaling" bumuntong hininga siya.
"Ano ka ba! Patas sila sa pagmamahal sa inyong magkakapatid okay? Tsaka wag kang magalala kapag naglayas ka nandito pa naman ako diba? Handang manermon sayo" sabay ngiti ko sa kanya.
"Hay~! Kailan ba balak maging sweet ang girlfriend ko?"
"Pag hindi ka na marunong magdrama! Kaya wag ka ng sumimangot diyan! Ilatag mo na yung comforter at matulog ka na kasi baka hindi ka na abutan ng sikat ng araw pag nakita ka ni tita" tinulak ko siya paalis ng kama ko. At humiga na.
Sanay naman na ako na dito siya natutulog pag naglalayas. At trust me kahit boyfriend ko siya wala pang nangyayari samin! Ang babata pa namin!
Another fact : We never kissed
Wala eh! Conservative type ako! Dejowk. Makatulog na nga.
"HOY YOORA! BAT ANDITO NANAMAN YANG LALAKING YAN?! MAMAYA HINAHANAP NANAMAN YAN SAKANILA! PALAYASIN MO NA NGA AT TULUNGAN MO AKONG MAGHANDA NG UMAGAHAN" Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw ng tiyahin ko. Kahit naman mala-megaphone bibig niyan mabait padin. Kaso hindi masyadong halata.
"Ne! Babangon na po!" Sigaw ko pabalik. Nasa kusina kasi yun panigurado. Hindi ko lang talaga alam kung paano nakarating dito yung boses niya.
"Hoy Yoongi gising ka na daw! Uuwi ka pa!" Niyugyog ko siya. Ang mokong sarap na sarap pa din sa pagtulog.
Mas lalo kong nilakasan ang paggising sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila kaya nahulog ako sa lapag.
"Ayaw! Dito ka muna" sabay yakap niya sa akin ng mahigpit. Ngayon magkatabi na kami sa lapag habang yakap niya ako.
"Ano ka ba! Baka makita tayo ng tiyahin ko!" Sinubukan kong makawala pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
Bumaon ako sa dibdib niya para itago ang namumula kong mukha. Sanay na ako na malambing si Yoongi pero kasi- Tsk!
YOU ARE READING
Letting Go
FanfictionNot all stories ends with together you and me.. And the right thing to do... Is to let you go....