"Manang Lucia, may bisita kayo!"
Inilapag ni Caille ang knapsack at hinintay mula sa bukana ng kusina ang babaeng tinawag ni Deo. Nasa mansyon sila ng mga Alcantara at doon na siya mananatili sa natitirang durasyon nang kanyang bakasyon.
"Deo, hijo, bakit ka ba nakasigaw?" ani nang matandang mayordoma ng mansyon. "May nangyayari ba?"
"May bisita kayo, Manang." Itinuro siya ni Deo.
"Manang Lucia, kamusta?" ani Caille na abot-tainga ang pagkakangiti.
Naningkit ang mga mata ni Manang Lucia, wari'y inaaninag siya. Wala kasi itong suot na salamin at dahil sa katandaan ay malabo na ang paningin.
"Maria? Ikaw ba iyan?" tanong nito. Unang pangalan niya ang pinapantawag nito dahil mahirap raw bigkasin ang Caille.
"Manang, ako nga po."
"Aba'y lintik kang bata ka. Saan ka ba galing?"
Nang gumalaw ito ay natatawang lumapit na siya at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti ito kaya mas lalo siyang nalugod sa pagbisita sa mga ito.
"Manang, na-miss kita. Kayo," sinsero niyang sabi.
"Huwag kang maniwala, Manang," kontra ni Deo. "Kung hindi ko pa sinundo sa hotel at pinagsabihan iyan ay hindi pa iyan aapak ulit dito."
"Totoo ba iyon?"
Nahabag si Caille nang maluha ang matanda. Pinahid niya ang mga pisngi nito. "Manang, dapat happy lang tayo parati. Huwag ka nang umiyak. At huwag kang makinig diyan kay Deosdado. Hindi totoo iyon." Pinandilatan niya ang huli na ginantihan lang siya nang ngisi.
"E, bakit ngayon ka lang?" mahinang pinalo siya nito sa braso. "Alam mo bang halos ikamatay ko ang pag-aalala sa'yo?"
"Sorry na, Manang. Masyado lang talaga akong naging abala."
Parang nanay na kung ituring ni Caille si Manang Lucia dahil sa trato nito sa kanya noon pa. Ni minsan, hindi niya narananasan na magkaroon ng kalinga nang isang ina. Sa ampunan siya lumaki at dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay nakaalis siya roon at nakapag-aral.
Kolehiyo nang maging kaklase niya si Deo. Hindi niya sukat-akalain na magiging malapit sila dahil tutok na tutok ito sa pag-aaral nito gaya niya. Napaka-seryoso pa nito na kumibo-dili kaya hindi niya talaga ito napansin noon. Not until they became partner on a debate.
Mula noon, hindi na sila napaghiwalay. Third year sila nang magtapat si Deo sa kanya na agad niyang sinagot. She fell hard. Hindi kasi ito mahirap magustuhan kapag nakilala nang talaga. Umamin naman ito na matagal na itong nakamata sa kanya at tinatanaw lang siya sa malayo, na siyang ikinahalakhak niya
Ito, na mataas ang tingin nang iba sa angking kompiyansa at katalinuhan, ay takot sa kamalditahan niya. Nasaksihan daw kasi nito ang talas ng dila niya kaya nangime itong lapitan siya. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay hindi na nito pinalampas.
Nang maka-graduate sila sa kursong Political Science ay ipinakilala siya ni Deo sa buong angkan nito. Hindi niya pa nga lubos-maisip na mayamang pamilya pala ang pinagmulan nito. Hindi pa isasamang isa ito sa tatlong tagapagmana nang Hacienda Adela na nasa probinsya ng Capogian Grande.
Pero kahit na nalaman ng pamilya nito ang pinagmulan ni Caille, tinanggap siya nang lahat. Ipinakita sa kanya na walang humahadlang sa pag-ibig kahit ang estado sa buhay. May maipagmamalaki na rin kasi siya at bachelor degree holder pa kaya hindi rin mababa ang tingin niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Governor's Caille (COMPLETED)
RomanceFor Caille, she couldn't have both and needed to choose one.