Chapter 10

2.6K 52 2
                                    


Chapter 10

Nanghihinang umupo si Caille sa upuan. Iniunan niya ang mga braso saka inihiga ang ulo at pumikit. Umiikot ang mundo niya at pakiramdam niya ay may ipo-ipo sa bituka niya na nasa signal number seven. Kung patuloy siyang gagalaw, baka sa kubeta na siya pulutin.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong ni Ching. Nasa pamamahay siya nito at doon na nanatili mula nang layasan niya ang Capogian Grande.

"Hindi maganda," sagot niya.

"Drink this."

Mabilis na tinungga ni Caille ang inuming inihanda nito. Muntik na niyang maibuga iyon nang malasahan ang kung anong nakakalason sa lalamunan niya. But it's herbal, for sure. Kaya tiniis niya ang lasang kasing-bilis ng kidlat niya sinumpa.

"Gagaan na ang pakiramdam mo niyan. Sa dami nang ininom mo kagabi, dapat nga dagdagan mo pa."

Umiling-iling siya. "Huwag na, Ate. Okay na ako."

Si Ching ang isa sa nasa pinakamataas na posisyon nang Black Organization. Mukha nito ang una niyang nakita nang mailigtas siya mula sa sindikato. Ito rin ang naging trainor niya habang hinahanda niya ang sarili noon. At the same time, she's like a family.

"Still in pain?" diretsang tanong nito. Alam na niya kung ano o mas tamang sabihing, kung sino ang tinutukoy nito. Ito ba naman ang nilabasan niya ng lahat ng daing niya sa mundo, kaya hindi na ito nangingimeng buksan ang tungkol kay Deo.

"I'll be fine. Siya rin."

Napatunayan kasi ni Caille na hindi niya talaga pwedeng pagsabayin si Deo at ang Black Organization. Hindi kasi pwede na habang nakikipag-barilan siya sa mga kriminal ay maiistorbo siya sa katotohanang may naghihintay sa kanyang pag-uwi. Dapat nakatutok siya sa ginagawa nang walang iniintindi. Kaya mas mainam na ang mag-isa para wala siyang maiwan sa huli.

"Tingin mo?"

"Time heals all wounds, right?"

"No." Marahan itong umiling. "Akala mo lang iyon."

"Okay."

Niyakap niya nang mahigpit ang posteng nasa tabi niya.

"Ano ang ginagawa mo?" puna ni Ching.

"Pinapakiramdaman ko kung may spark."

"At ano? Papakasalan mo kung meron?"

"Pwede."

Caille rubbed her cheek on the smooth wood. Humugot siya ng malalim na hininga nang maramdaman ang pamimigat ng dibdib. She missed Deo a lot. Parang gusto na niyang bumigay sa naging desisyon.

"Para kang tanga."

"Matagal na, Ate. Ngayon mo lang na-realize?"

"Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin." Umupo ito sa upuang nasa harapan niya. "Alam mo bang napaka-cliché na nang kwentong meron ka sa mundo natin?"

"Ipamukha mo pa," naaasar niyang tugon na ikinatawa nito.

"Mali pala. Pangalawa ang kwento mo sa medyo hawig doon sa alam ko."

"Sino ang una?"

"Isang bata. Kaya lang ang pagkakaiba, siya nanindigan siya nang mag-desisyon siya." Malungkot na ngumiti ito na para bang inaala ang istoryang tinutukoy nito. "When she decided to leave, she left with no trace. No contact numbers or any details. Tuluyan niyang binura ang pagkatao niya alang-alang sa lalaking iyon. Up to now. Kaya walang conflict. She's very brave to do that at a young age."

The Governor's Caille  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon