Chapter 8

1.2K 18 0
                                    


Mula sa terasa ng kwarto ni Deo ay natatanaw niya si Caille na dinidiligan ang mga halaman. Natutuwa siya sa nakikita nitong amor sa ginagawa subalit naaawa naman sa mga kawawang biktima na balak nitong lunurin. Walang pakundangang pinapaliguan kasi nito ang bawat paso at lupang nadadaanan nang hindi umaapaw ang tubig.

"Magsiinom kayo!" malakas na pakausap nito sa mga orchids. "Huwag magrereklamo. Bawal iyon dahil maraming nauuhaw sa mundo. Kaya isipin niyong ang swerte niyo lalo na at ako ang nagpapa-inom ng tubig sa inyo kahit hindi bayad ang serbisyo."

He chuckled in her wittiness. Kahit sa edad nito at pagiging propesyonal, lumalabas talaga ang pagiging baliw nito na hindi alam nang lahat. Even him didn't expect that side before. Not until he had the most precious chance of having her in his life.

Bago tuluyang lumabas ay pinakatitigan muna ni Deo ang litrato nila ni Caille. Napangiti siya. Imagine how much pain he suffered every time he stared on their picture. Pero kung gaano man kasakit ang nararamdaman niya noon, higit naman ang sayang dulot sa kanya ngayon.

Bumaba na siya at pinuntahan ito. Wala na siyang panahon para magdrama. Mas importante ang mag-ipon ng bagong masasayang alaala. Napakislot si Caille nang mula sa likuran ay yakapin niya ito.

"Let's go," pag-aaya niya.

"Saan ang punta natin?"

Niluwangan niya ang pagkakayakap dito nang gumalaw ito para harapin siya. Awtomatikong ipinulupot naman nito ang mga braso sa leeg niya.

"Sa ampunan."

"Doon lang?"

"May gusto ka pang pasyalan?"

Tumaas ang kilay nito, wari'y nag-iisip. "Wala naman na." Umiling-iling ito. "Nag-isip pa ako. Sayang ang energy ng utak ko."

Natawa siya. "Kumain na lang tayo ng masarap na pagkain mamaya para may energy ka ulit."

"No need. Deosdado..."

"Ha?"

Abot-tainga ang ngiti ni Deo nang hilahin nito ang kwelyo nang suot niyang polo saka siya siniil ng halik.

"Kabayaran sa pagdidilig ko," nakangising turan ni Caille na animo'y nakaisa sa kanya.

"Nagdilig ka lang ba talaga? I thought you're drowning them."

"Gusto mo sampahan kita nang kaso? Pinagbibintangan mo ako."

Sinulyapan niya ang mga halamang lupaypay na. "I have evidence."

"Ano ka ba! Busog sila kaya natutulog na muna. Nagpapahinga."

Pareho silang natawa sa kabaliwan nila. Hinapit niya ito palapit. Finally! His Caille is back.

Sabay na napalingon si Deo at Caille nang makarinig nang bungisngis. Nahuli nila si Manang Lucia at Paolo na pinapanood ang eksena nila sa hardin na may ngiti sa labi.

"Go somewhere you two." Itinaas ni Paolo ang basket na hawak nito.

"Ano iyan?"

"Pagkain, Ate. Pinahanda ni Kuya."

Nagtatakang binalingan siya ni Caille. "Akala ko ba sa ampunan tayo?"

"Dadaan lang tayo doon."

"Then?"

Ngiti lang ang itinugon niya bago hinila ito.



The Governor's Caille  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon