"Hindi ka ba napagod sa biyahe?"
Sinulyapan ni Caille si Deo na nakapokus sa daan at pagmamaneho.
"Hindi," sagot niya. "Bakit?"
"Wala naman," nakakibitbalikat nitong tugon. "Baka lang gusto mong magpahinga. You know, I drag you right away, just after you stepped into my province."
Napangiti si Caille. That's what she liked about him the most. It's his province. The ownership is there. At kung ano ang pagmamayari nito ay inaalagaan nito.
"It's one of your platforms that I'm going to witness, Deosdado. Platapormang matagal mo nang pangarap at ngayon ay matutupad na rin."
Bago pa man maluklok si Deo sa pagiging gobernador ay matagal nang alam ni Caille ang mga plano nito. Even before, she knew it will come true. Hindi dahil isa itong Alcantara na nagmamayari nang pinakamalaking lupain sa Capogian Grande. Kung hindi, nasa personalidad nito na gagawin ang lahat ng mga nais para matupad. At ang lahat ng ginusto nito ay para sa mamamayan ng probinsya.
While looking at the building they are passing through, it's as if a vision and a blueprint came to life. Hindi pa man gaanong naglalakihan ang mga napatayong gusali kumpara sa Manila at ibang lugar, makikita naman na napagplanuhang mabuti ang lahat. Hindi gaya sa nabanggit na siyudad na parang box na pinagpatungpatong ang naisipang ipatayo. Isinisingit pa ang iilan kahit nakakarumi na sa paligid tingnan.
Pero ang Capogian Grande, nararamdaman ni Caille na hindi magiging katulad niyon. At hindi magtatagal, makakamit din nito ang sibilisasyong hihigit pa sa inaasahan ng lahat, na mas makakapagpadali sa pamumuhay ng mga nakatira roon.
Pinasugpong ni Deo ang mga kamay nila at marahang pinisil. That simple gesture made her heart fluttered abundantly, missing those moments it happened almost every day.
"Thank you," usal ni Deo. Masasalamin sa mukha nito ang kagalakan dahil sa presensya niya.
"Mayaman na ako sa kakapasalamat mo," biro ni Caille. "You should stop. Tamad na nga ako, ayaw ko nang maging mas."
He chuckled. "Alam mong may dapat akong ipagpasalamat at hindi ako magsasawang sabihin iyon. Especially that you are not really oblige at all."
Ibinalik ni Caille sa labas ng bintana ang paningin. Unang araw pa lamang niya roon kaya ayaw niyang bahiran ng bagay na hindi naman dapat pagusapan. Deo didn't able to control himself earlier. Kung nadala rin siya kanina, baka hindi sila matuloy sa ampunan. Nais niyang maging ordinaryong araw lamang iyon kasama ang napaka-importanteng tao sa kanya.
"Alam mo ring nandito lang ako parati para sa'yo. At walang ibang pwedeng umobliga sa akin at magmando sa mga dapat kong gawin maliban sa sarili ko. Kaya, Deosdado, awat na."
Ang bilis talaga ng panahon. Lagpas dalawang taon na rin ang lumipas. Parang walang nangyaring halos hindi nila napagkasunduan. Parang walang nagbago. At agad niyang nakuha ang kumpirmasyong nais niyang malaman. There's no other. Ramdam niya ang kasiyahan. But now what?
Bahagyang bumagal ang takbo nila nang papasok na sila sa boundary ng Bajo del Sol.
"Mula rito, halos dalawang oras ang biyahe natin papunta sa pinagtayuan ng orphanage," pag-iimporma ni Deo. "Kung gusto mo, umidlip ka muna at gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo."
Umiling si Caille. "Deosdado, okay lang ako. Nageenjoy ako sa mga nakikita ko." tugon niya. "Sino ang tinitingnan mo?" sinundan niya ang direksyon ng mga mata nito.
BINABASA MO ANG
The Governor's Caille (COMPLETED)
RomanceFor Caille, she couldn't have both and needed to choose one.