Chapter 9

1.2K 28 0
                                    


"Governor Alcantara?"

Napahinto si Deo sa akmang pagsakay sa van at napabaling sa umagaw nang atensyon niya. Isang payat at tsinitang babae ang nakangiting lumapit sa kanya. Hindi naman siya nakaramdam ng kakaiba kaya hinarap niya ito.

"Yes? How may I help you in the middle of the night?" aniya. May kagabihan na kasi dahil natagalan siya sa pagtatapos ng trabaho sa kapitolyo.

"May gusto sana akong bagay na kung pwede ay pag-usapan natin ngayon mismo," tugon nito. "Pasensya na at ganitong oras pa. Hinintay kasi talaga kita dahil hindi ka magawang maabala kanina ayon sa sekretarya mo."

"It's late. Bumalik ka na lang bukas dahil maluwag ang schedule ko." Iniiwasan niya rin na may makakita sa kanila gayong anong oras na.

"I can't wait that long and I need to head back right away." May inabot itong isang folder. "This may help you have a little interest."

Tinanggap ni Deo ang folder at may pagtatakang binuksan. Ganoon na lamang ang pagkunot nang noo niya nang makita ang litrato ni Caille sa papel na parang isang resume. Hindi pa man nababasa ang mga nakasulat ay nagtatanong ang mukhang binalingan niya ulit ang kausap. She has a triumphant smile on her lips.

"Pwede na nating pag-usapan?"

"Who are you?"

Sa kabila nang magaan na pakiramdam, biglang kinabahan si Deo dahil tungkol kay Caille ang ipinunta nito.

"Ching Yuzon," inilahad nito ang isang kamay. "That lady's hero, mentor, superior, and big sister. I'm glad to meet you, finally."

Tinanggap niya ang kamay nito. "Hero?"

"Mukhang wala talaga siyang balak isiwalat ang tungkol sa pagkatao niya na involve ang trabaho niya," sabi ni Ching na mas kausap pa ang sarili habang naiiling. "Sasabihin ko sa iyo ang tungkol kay MC. Pero kung wala kang oras-"

"I have. A lot," mabilis niyang kambyo na ikinatawa nito. "MC, you mean Maria Caille?"

"Yes. Shall we, then?"

Nang buksan nito ang pinto ng sasakyan nito sa may passenger side ay hindi na nag-atubili si Deo na sumakay.

"Magkasama ba kayo?" tanong niya. "Bigla siyang umalis kahapon nang hindi nagpapaalam."

Nang magising siya, wala na si Caille. Hindi rin ito nagpaalam kahit kay Manang Lucia. Kung hindi lang niya alam na may natanggap itong trabaho bilang public lawyer, baka sumabog na ang cellphone nito sa mga mensahe niya.

Subalit ngayong nandito si Ching, hindi niya maiwasang mag-alala. At wala siyang naiintindihan sa sinasabi nitong relasyon nito kay Caille dahil hindi man lang ito noon naipakilala nang dalaga sa kanya.

"Hindi. She's off to somewhere."

"Okay. Pero saan tayo pupunta?" tanong niya nang mapunang papuntang Norte del Sol ang tinatahak nila.

Hindi sumagot si Ching. Inihinto nito ang sasakyan nang lumagpas na sila sa may kabahayan bago binuksan ang ilaw sa loob ng sasakyan. Seryosong bumaling ito sa kanya.

"Governor Deo, I know your reputation. But I want you to be very open in everything that I'll tell you. Kung gusto mong bumalik si MC sa 'yo."

Wala siyang ideya sa tinutukoy nito. But that's enough to give him the fear of totally losing Caille. Iyon na ba ang araw na iyon? Kaya ba bigla itong umalis? Panahon na ba na maghiwalay silang muli?

Parang piniga ang puso ni Deo sa kaalamang baka hindi na niya ulit makita ang dalaga.

"I will," halos pabulong niyang tugon sa kabila nang pagragasa nang emosyon sa kaloob-looban niya. Gusto niya nang malaman lahat. Ayaw na niyang lumipas pa ang isang araw na mangangapa siya sa kung ano ba talaga ang totoong dahilan ni Caille at kailangang iwan siya.

The Governor's Caille  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon