Caille sniffed the pillow she's hugging. Gumalaw siya para ramdamin ang lambot ng hinihigaan. Hinila niya ang kumot hanggang leeg. Nang natatakpan pa rin ang mga paa niya ay napangiti siya.
No wonder everything was familiar. Akala niya ay nagde-deliryo siya dahil kagigising pa lamang niya. Ngunit kahit nakapikit pa, kilalang-kilala niya ang kinaroroonan niyang silid. Amoy pa lang ni Deo, hindi na makakawala sa kanya at nunca niyang maipagkakamali.
Kinapa ni Caille ang magkabilang-gilid ng hindi pa rin nagmumulat. Pero wala ang inaasahan niyang katabi. She felt like there's lacking but what should she expect. Sila ba?
"Umagang-umaga, Caille," saway niya sa sarili at bumangon. She brushed up her hair and went to the bathroom.
Kung may makakakita lang kay Caille na hindi siya kilala, aakalain nito na buhay prinsesa siya. A toothbrush of her own with name in the small cabinet. Sariling kulay asul na tuwalya na nakahanda na at nakasabit malapit sa shower. Mga damit niyang nakalatag na rin doon para diretso na siyang magbihis. Lahat nang kailangan niya, nandoon na. At ang taga-handa, si Deosdao Alcantara.
"Maria Caille?" ani Deo na kumakatok.
"Patapos na ako!" tugon niyang tinutuyo ang buhok.
"Okay. Bumaba ka na. Kakain na tayo."
"Yes, Gov!" aniyang binilisan na ang kilos.
But Caille didn't even able to step out when she noticed the difference. A very big difference. Nakangangang inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto na kanina ay hindi niya napansin. Humakbang siya, dahan-dahan habang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Iyon pala ang tinutukoy nang mama ni Deo na matagal nang napalitan ang kwarto nito. She thought that he transferred to another room. Mali pala. Ang naiba ay ang kulay ng kwarto nitong naging asul, na siyang paborito niya.
Naagaw ng atensyon niya ang pinakamalaking picture na nandoon. Parang may libo-libong kutsilyo ang tumarak sa puso ni Caille nang matitigan iyon. It was her and Deo on their graduation day, both happy and proud while holding their diploma. Ang araw na nagsasabing isang hakbang na lang, maipasa lang nila ang kukuning bar exam, magiging ganap na abogado na silang dalawa.
Mabilis na pinahid niya ang kumawalang mga luha. Mga luhang naipon mula sa pagpipigil niya kapag nalulungkot mula nang maghiwalay sila. Masakit pa rin talaga. Kapag nagkakaganito siya, iyon 'yung panahong tinatawag niyang tanga ang sarili niya.
Tinapik-tapik ni Caille ang dibidib. "Hay, tama na! Okay lang iyan," alo niya saka pilit kinalma ang sarili. "Okay lang iyan."
Wala nang magagawa ang pagsisisi niya. It's been two long years. Even more. Kahit nasaktan siya at nasasaktan, kumpara kay Deo ay walang-wala ang nararamdaman niya. But he accepted it. Nirespeto siya nito kahit walang konkretong dahilan. Hinayaan siya nito sa pag-aakalang mas masaya siya. At ibinigay ang kalayaang hiningi niya.
Ngunit ang mga luha niya, hindi magkamayaw. Kailan ba siya ulit umiyak nang ganoon karami? Kailan ba niya ulit hinayaan ang sarili na lamunin ng sariling nararamdaman?
Caille sat on the side of the bed and covered her mouth while her eyes still locked on their picture. Hindi niya kayang pigilan ang pag-alpas ng emosyon lalo na at nandoon siya sa lugar na ang bawat sulok ay si Deo ang nakikita niya.
"Caille hindi ka pa ba tapos?"
Lumipad ang paningin niya sa may pinto. Alam niyang si Deo iyon kahit hindi niya maaninag nang maayos. Gumalaw ito at dagli lang ay nasa tabi na niya ito.
"Caille, ano'ng nangyayari?"
Hindi siya sumagot at niyakap lang ito nang mahigpit. "Sorrry! Sorry!" sambit niya sa gitna nang hagulhol. "Sorry..."
"Sshhh! Tama na," Umiling-iling siya. Nagpatuloy siyang ilabas ang kinikimkim na emosyon para rito.
Deo caressed her back. Tahimik na hinayaan lamang siya nito.
"Okay ka na?" tanong nito nang tumigil na siya sa kakahagulhol. Umiling siya. "Kapag hindi ka pa tumigil, hahalikan na kita," natigilan siya at napaangat ng mukha. He chuckled. He cupped her face and dried her cheeks. "Takot ka palang mahalikan gayong parati ko namang ginagawa iyon dati."
Nang maging malinaw ang paningin ni Caille ay nakangiting mukha ni Deo na puno nang pang-uunawa ang sumalubong sa kanya.
"Caille, don't be burdened about something I didn't ask you to carry. Kung ano man iyan, iintindihin ko."
"Paano kapag hindi na ako bumalik? Paano kapag mas gusto kong magmahal ka na lang ng iba, Deosdado?" dire-diretso niyang sabi. Ayaw na niyang mahirapan at umasa ito.
But instead of questioning her, Deo's face lit up.
"The first will be your choice. The second is mine. Pero hanggat alam kong single and available ka, I don't think I can replace you here," dinala nito ang palad niya sa dibdib nito. His heart is thumping like crazy. "When you said that you won't let me feel less, you've done your part, Caille. Kahit sa text lang, alam kong nandiyan ka para sa akin. But don't ask something nor think about something just to get rid of me. Dahil kung nararapat na palitan kita at kalimutan, no'ng araw na iniwan mo ako, ginawa ko na. I won't wait for freaking two years and experience hell knowing that you're not mine anymore just to give up now."
"Hindi mo ako naiintidihan," himutok niya. Kung sanay nakainom siya, baka mas madaling idulas kung anong klaseng trabaho mayroon siya.
"Marami talagang bagay na mahirap intindihin sa mundo. Isa lang iyang dahilan mo."
"Paano kung bukas-"
"Let's live for today, Caille. I dare you to do what you want to do at this very moment. Hindi 'yong dahil bukas wala na tayong bigas na kakainin. Hindi 'yong dahil sa susunod na buwan, kailangan mo akong iwan ulit."
Napapikit si Caille nang dampian siya nito ng halik sa noo. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang paglamlam ng mga mata nito dahil sa huling sinabi nito.
"Habang nandito ka, ayaw kong isipin mo kung ano ang nangyari noon. Shit happens but I know there's a reason beneath it. Darating ang araw na malalaman ko rin kung ano man iyan. Ang akin, gusto ko gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Huwag mong pigilan ang sarili mo."
Nasundan na lang ito ni Caille ng tingin nang tumayo ito at tinungo ang pinto. Deo's smile didn't fade. Wala ang panunumbat sa mukha nito na siyang inaasahan niya talaga nang iwan niya ito sa ere.
"Let's go. Nasa baba si Paolo at excited na makita ka."
Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatitig dito habang tinitimbang ang lahat. Pareho ito nang sinabi at ni Ching. The world is offering her to make out of everything. And Deo is so gentle she wanted to give in.
"Deosdado..."
"Yes?"
"Paano kapag... kapag gusto kong halikan kita ngayon din. Ano ang-"
Hindi na natapos ni Caille ang sasabihin. Tinawid na kasi ni Deo ang distansya nila bago siya hinila para paglapatin ang mga labi nila.
"Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo iyan. Pinatagal mo pa," pagre-reklamo nito ngunit ang kasiyahan sa mukha nito ay hindi nito nagawang ikubli.
"Sabi ko ako ang hahalik. Hindi ko sinabing halikan mo ako."
"Ganoon ba? Sorry. Sige ibabalik ko." He kissed her again. Pagkatapos ay bahagya nitong inilayo ang mukha nito. "It's free. Kiss me," anito saka ngumuso.
Imbes na sumunod ay natatawang niyakap niya na lang ito. She took a deep breath. "Deo..."
"Ano? Nag-iisip ka na naman? Huwag mo nang gawin iyan."
"May sasabihin lang ako."
"Ano?"
Ipinahinga niya ang mukha sa dibdib nito. "Thank you."
BINABASA MO ANG
The Governor's Caille (COMPLETED)
RomanceFor Caille, she couldn't have both and needed to choose one.