"What's with the leave?"
Hindi na nagpaliguy-ligoy si MC at direktang tinanong ang head ng organization na si Del tungkol sa mensahe nito sa kanya.
Tinitigan siya nito nang mariin. "Tingin ko kailangan mo iyon, MC. Go somewhere. Have some time off."
"Hindi kita maintindihan."
"Ang ibig kong sabihin, enjoy your life like how the way it used to be. No hassle. Just plain and simple. Go back there and after few weeks, you decide again."
"Buo na ang desisyon ko. Ano pa ba ang kailangan? Wala naman na akong babalikan." Pagkasabi niyon ay isang imahe ang lumitaw sa isip niya. She immediately scraped it off. "At masaya ako sa ginagawa ko. This is the plain, simple, and no hassle for me."
"Sigurado ka?" nagdududang tanong nito.
"Oo naman," agad niyang tugon. Ang dapat na may kombiksyon niyang sagot ay naging halos pabulong. Kaya hindi na siya nagtaka nang hindi kakitaan sa mukha ng kausap na naniniwala ito.
"Alam kong pagod ka pa kaya hindi ka nakakapag-isip ng maayos." May inabot itong folder. "Give me your decision next week before you pack your things. But always remember that my offer is wide open. Hindi ka naman minamadali."
Tumango si MC at lumabas na ng silid. May kabagalang binagtas niya ang pasilyo. Mabilis na binasa niya ang dokyumentong laman ng folder saka nakabuntong-hiningang huminto. She roamed her eyes around. Pinakatitigan niya ang lugar kung saan namulat siya sa 'katotohanan'.
"Bakit ba 'di ka na lang mawala?" mahinang bulong niya. "Bakit nandito ka pa?"
Nandoon pa rin. Nararamdaman niya. Ang reaksyon ng puso niya kapag tuwina'y sumisingit ang taong iyon sa balintataw niya, ay hindi magkamayaw at hindi ni minsan kumalma.
Nilingon ni MC ang silid na pinanggalingan. Hindi siya sigurado kung ang taong iyon ang pinapatukoy ni Del na balikan niya subalit iyon lang ang naiisip niyang dahilan. Kung bakit ba naman kasi dati ay naging open-book siya. Tuloy, pati ang personal na buhay niya, naipapasok kahit nakaraan na.
"Caille... Caille..."
Muli siyang napabuntong-hininga. Saka napapailing na bumalik sa silid nang hindi na kumakatok. Nadatnan niyang nanonood si Del ng telebisyon kasama ang kanang kamay at asawa nitong si Ching.
"Governor Alcantara, do you have a minute, sir?"
Napatitig si MC sa taong pinagkakaguluhan sa isang news flash. Nang huminto ito at may ngiting pinaunlakan ang mga reporter na nakasunod rito ay napigil niya ang hininga. Gusto niya mang muling lumabas ay hindi niya magawa. Para na siyang pinakuan sa kinatatayuan nang masilayan ang mukha ng taong halos gabi-gabing hindi nilulubayan ang kanyang isipan.
"Sir, ano ang pakiramdam na nangunguna ang probinsyang pinamumunuan mo sa pinakamaunlad?"
"Masaya,"sagot ni Governor Alcantara. "Asking for more is too much but me and my people are not yet done. Marami pa akong plano sa Capogian Grande. Marami pang mga dapat ipatupad para sa ikaaangat pa ng probinsya namin. Of course, ang benepisyo ay sa bawat mamamayan."
"Ibig po bang sabihin, Governor ay may balak ulit kayong tumakbo sa pangatlong pagkakataon sa susunod na eleksyon?"
"I am considering."
"Considering? Pwede rin pong hindi na. Maari po bang malaman ang dahilan kung bakit posibleng hindi na kayo tatakbo?"
"Medyo personal."
"Are you settling down?"
"Who knows."
Awtomatikong napataas ang kilay ni MC ngunit dagli lang ay ibinalik niya ang composure. Hindi pa naman niya nakakalimutan na hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Samantalang nagkaroon naman nang kaunting komosyon dahil sa makahulugang sagot ng gobernador na sinabayan pa nang tukso.
"Wala po ba kayong balak ipakilala sa madla ang babaeng napupusuan niyo?"
Tumawa ang gobernador. "Mas napupusuan kong e-promote ang upcoming festival nang Capogian Grande," anitong ikinatawa rin ng mga nakapalibot rito. "Sa lahat, inaanyayahan ko kayong dumalo sa pinakaunang festival ng aking probinsya- ang Caban Festival. Magkita-kita tayo roon at magsaya. We will give out more details about the event so don't miss it."
"Governor isang tanong na lang," pahabol ng isang showbiz reporter. "As one of the well-known and successful bachelor in the country, maraming mga kababaihan ang interesado sa iyo at sa estado nang buhay pag-ibig mo. Pwede pa ba silang mangarap o kailangan nang mag-move on?"
"Both."
"Siguro naman, Gov. sa susunod ay makikilala na namin kung sino man ang maswerteng babaeng iyon."
"Kung mangyayari man iyon, sigurado akong bawat isa sa inyo rito ay may abilidad na makilala siya kahit hindi ko ibabalandra. And one thing is for sure," tumingin si Governor Alcantara sa camera. "...ako ang maswerte 'pag nagkataon."
Sinalubong niya ang mga mata nito na para bang siya ang taong pinapatungkol sa bawat salita nito. Pero imposible iyon. Kaya maaari na niyang ikonsidera na may bago na nga.
"Oww!" the crowd said in chorus. "Mukhang ang seryoso na niyan, Gov."
"Nah. I just want to use my charm, if I have one, to lure everyone about my invitation. Caban Festival, malapit na po mga kababayan. Hihintayin ko kayo sa aking probinsya."
Kahit wala na ang gobernador sa screen ay hindi pa rin gumagalaw si MC. Ilang segundo lang na masilayan ito subalit sapat na para panatalihin siya sa isang lugar habang dinadagsa ng maraming isipin.
"Nagbago na ang isip mo?" pukaw ni Del sa kanya.
She blankly turned to him. Ching has a convincing smile plastered on her face. Ngayon, nakakasiguro na siyang ang suhestiyon ni Del patungkol sa leave niya ay nagmula sa esposa nito.
Inilapag niya ang folder na ibinigay nito kani-kanina lang pagkatapos ay pinirmahan.
"My mind won't change anymore. Aalis ako next week."
Hindi na niya hinintay pang makasagot ito. Tumalikod na siya at humayo para maghanda.
BINABASA MO ANG
The Governor's Caille (COMPLETED)
RomanceFor Caille, she couldn't have both and needed to choose one.