Jane's POV
Andito ako ngayon sa mundo ng mga tao naninirahan kasama ang aking nanay at kapatid. Namatay ang aking ama noong naganap ang digmaan sa pagitan ng mga bampira at lobo 500 years ago. Hindi pa namin kilala kung sino ang pumatay sa aking ama.
FLASHBACK
Nasa mansyon ako kasama ang aking buong pamilya na nagsasaya at ipinagdiriwang ang kaarawan ng kapatid kong si Jasmine Lee Salvador. Nang biglang may kumalabog sa pintuan namin sa bahay. Naglakad patungo ang aking ama sa pintuan upang buksan ito.
"Anong kailang-"
"Heneral Salvador! kailanga namin ang tulong mo ngayon. Lumusob ang mga lobo sa ating teritoryo. Unti-unting nauubos ang mga kalahi natin." sabi ng isa sa tauhan ng aking ama.
"Sige, papuntahin mo ang iba mong kasama sa iba pang teritoryo at ibalita ang nangyayare baka mapalusob doon ang lahi nila sabihin niyo mag-ingat sila, yung iba naman ay tulungan niyong makaalis sa lugar na ito ng ligtas at yung iba naman ay siguraduhin mong tutulong silang bilang kaanib natin sa labanan na ito."
"Sige, masusunod po" sabi ng tauhan ng aking ama at chaka umalis na siya.
"Alexandra, itakas mo na ang mga anak natin.. iligtas mo sila at sumama ka na sa kanila. Wag mong silang pababayaan at ingatan mo ang iyong sarili. Mahal na mahal ko kayo"
"Pero.."
"Wala ng pero-pero, kailangan niyo na umalis, wala ng oras!" Ama.
"Ama, sumama ka na sa amin." sabi ko habang naiiyak na.
"Hindi pwede Jane, kailangan nila ako. Ikaw na bahala sa kapatid at mama mo. Naniniwala ako na isa kang matapang anak, proteksyonan mo sila. Huwag mo sila pababayaan. Nagtitiwala ako na kaya mo yun. Mahal na mahal ko kayo" hinalikan niya ko sa noo at niyakap pati na rin ang aking kapatid at mama.
"Umalis na kayo bilis!" umalis na kami patungo sa mundo ng mga tao. Dumaan kami sa secret passage palabas papuntang gubat kung saan malapit doon palabas sa lugar na ito diretso sa mundo ng mga tao.
Nakita ko ang aking ama tumakbo palayo sa amin. Sana maging ligtas siya, paalam ama.
*End of Flashback
Doon nagsimula ang digmaan sa pagitan ng bampira at lobo. Nabalitaan namin na ang aking ama ay namatay sa labanan na iyon. Hindi matukoy kung sino ang pumatay. Simula noong naganap yun ito na kami nanirahan sa lugar ng mga tao dahil ligtas dito dahil walang nakakakilala sa amin na kami ay bampira pero kailangan pa rin mag-ingat oras-oras at araw-araw dahil hindi sigurado kung baka biglang matunton kami ng mga lobo.
Nacocontrol namin na huwag uminom ng dugo na tao. Kung iinom man kami ng dugo ng isang tao minsan lang sa isang taon at tanging dugo lang ng hayop ang aming pagkain.
Nagring ang phone ko bigla dahil may tumatawag.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.
"Is this Ms. Jane Lee Salvador?" tanong niya.
"Opo, bakit? Sino po ito?"
"Gustong ko sanang malaman mo na tanggap ka na sa trabaho mo bilang tagapagsilbi. Pumunta ka ngayon dito sa bahay kung saan ka nag-apply. kakausapin ka ni Mrs. Lei Taylor"
"Okay po."
"By the way, ako ang assistant niya. Elaine ang pangalan ko. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan o itatanong ka." Elaine.
"Sige, salamat po inyo."
"Sige bye." naputol na ang tawag mula sa kabilang linya. HAHAHA! Tagumpay ang plano. [insert: Evil Smile*]
---------------
Kasalukuyan akong nandito sa bahay ng mga Salvador at nakikipag-usap kay Mrs. Lei.
"Aalis kami ng aking asawa patungong Europa, may aasikasuhin kaming business. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay at sa anak namin. Samahan mo siya dito at pagsilbihan." sabi sa aking ni Mrs. Lei.
"Po?! Kala ko kayo ang pagsisilbihan ko? Sabi nung assistant niyo kayo daw. Nag-usap po kami noong nakaraang linggo." gulat na tanong ko.
Tsk. Nakakainis masisira pa ata ang plano ko. Hayaan ko na nga lang muna, pansamantala lang naman ito eh.
"Oo iha, pero hindi pwede dahil aalis na kami. Natuloy kasi yung pag-alis papuntang Europa dahil nagka problema yung business namin doon. Kailangan kami ng kompanya."
tumayo na siya sa kanyang upuan at saka tinapik niya ako sa balikat. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya." saka siya tuluyan umalis ng kanyang opisina tapos ako ito ngayon nag-iisip.
Sino ba kasi sinasabi niyang anak niya ang paglilingkuran ko? Bata, binata o isip bata? tsk. pagkaka alam ko lalaki anak niya, pero wala kong alam kung matanda na yun o bata.
Alam kong lobo ang nakatira dito pero hindi nila alam na bampira ako dahil may proteksiyon ako at pati na rin ang aking pamilya. May suot akong bracelet, ito ang proteksiyon ko laban sa araw, at di nila matutukoy kung anong uri ako. Ang pagkaka alam nila tao ako, pero hindi nila alam na bampira ako dahil sa suot kong proteksiyon. May taglay itong kapangyarihan bigay sa akin ng aking lolo at lola.
Habang naglilibot sa kanilang bahay may nagsalita sa aking likuran.
"Sino ka?" tanong ng isang boses lalaki. Lumingon ako sa kanya at tumambad sa akin ang gwapong nilalang. OMG! hindi na talaga ko aalis dito. hahaha. landi lang. xD
"Eh sino ka rin?" naka taas kong kilay na tanong sa kanya tska nag smirk. Balikan ng tanong lang yan.
"Ako lang naman ang may ari at anak ng nagmamay-ari netong bahay." nagsmirk pa ang loko. aba! porket gwapo to, papatulan ko to. ang yabang eh. tsk
"Ahh akala ko magnanakaw, anak lang naman pala ikaw nil-* o_O teka anak?! Itong hinayupak na mayabang eh anak nila Mrs. Lei. ? haha. kalokohan.
"teka, you mean anak ka ni Mrs. Lei?! ahh, kala ko kasi ampon ka lang na pinulot at binunot sa ilalim ng lupa." yung huli kong sinabi eh bulong lang.
"Yup, teka may binubulong ka. ano sabi mo? at sino ka naman? paano ka naka pasok dito?" tanong niya.
"Sabi ng mama mo ako ang iyong tagapagsilbi."
"ahh.. ano?!" pssh. kaines. ano ba tong kaharap ko ngayon.. binge o nagbibinge bingihan? tapos kung makasigaw akala mo nasa bundok ako. halerr! katabi at kaharap niya ko, anlapit lapet kailangan sumigaw? di ako binget uy.
"tagapagsilbi.. binge" hininaan ko lang yung huli kong sabi. kainis unli siya?
"okay." sabi niya tska umakyat ng hagdan. Aba! bastusan lang kausap ko , aakyat na lang bigla. tsk
---------------------
Next update chapter 2. pagpapatuloy ko pa po ba ito? comment po kayo. tska pwedeng vote kayo. thanks! kahit 5 votes po muna. hihi.. sana nagustuhan niyo ang first update kahit lame ang first ud ko..
bye thanks! ;)
BINABASA MO ANG
I'm his VAMPIRE SERVANT
VampireHeyow! basahin niyo po sana ang aking storya, at sana magustuhan niyo. Pls vote, comment and follow me na rin .. hihihi. salamat :)) -godbless :*