Chapter 7

79 4 0
                                    

Jane's Pov

"Goodmorning Class" bati sa amin ni Sir Steven pagkapasok niya ng classroom..

Isang ordinaryong araw na naman ngayon. hayy napakaboring buti sana kung free time, siguro matutuwa pa yung iba kong mga kaklase kasi sure ako wala namang silang ibang gagawin kundi matulog, makipagdaldalan sa katabi karaniwang ginagawa ng mga studyante pag walang ginagawa or bored..

"Today I will give you a free time, do what ever what you want wag lang kayo masyado magulo" sabi ni Steven. Saka siya nagfocus sa kaharap niyang laptop. 

"Yohooo!!"

"Yeahey!"

"Yes"

kumento ng mga kaklase ko. sobrang tuwa naman sila, kaya ginagawa na nila yung mga gusto nilang gawin makipag chikahan sa mga friends at katabi nila. Samantalang ako nabobored.

"Sir!" sabay taas ko ng kamay.

" Oh bakit Ms. Salvador, any problem?" tanong niya nung napansin niyang nagtaas ako ng kamay.

"Hmm may I go out?" tanong ko.

"Saan ka pupunta?" pagtatanong niya.

"Comfort Room po." sabi ko.

"ok, go" anya.

Saka ako lumabas ng classroom, lumakad sa hallway. Sa totoo lang hindi ako pupunta ng cr, gusto ko lang umalis doon. Kaya umakyat ako ng hagdan papuntang 4th floor, may balcony kasi doon. Nung nakarating na ako doon, saka ako nagmuni-munni. Ang presko kasi ng hangin dito, hindi mainit kasi may bubong kaya kahit maaraw o maulan hindi ka mababasa o maaarawan.

Dinadama ko lang ang hangin, masarap maging tambayan to. Dito na lang siguro ako pupunta, para makapag isip. 

Habang tinatanaw ko ang kapaligiran, may napansin ako sa dulo. May gubat ka kasi matatanaw bago ang bundok, kaya dito sa taas makikita mo. Malapit lang naman sa siyudad yung lugar na yun kaya makikita mo. Kaya nung tumingin ako doon sa dulong yun, may isang lalaki nakatanaw sakin. Pakiramdam ko ako tinitignan niyo o sadyang namamalikmata lang ako.. Pilit ko tinitignan yung tao doon na nakatayo sa may mataas na bundok malapit sa gubat nang biglang..

"Ano ginagawa mo rito? Kala ko ba magccr ka?" tanong sa akin ng boses lalaki sa likod ko, kaya agad ko siyang nilingon.

"Wala lang, nagpapahangin ayoko doon nabobored ako eh" saka ako lumipat ng tingin ulit doon sa malapit sa bundok, nawala na pala yung lalaking nakatayo doon, "Eh ikaw bakit ka andito?"

"Ah eh kasi hinahanap kita, antagal mo kasi dumating sa room." sabi niya

So concern siya ganun? argg wag kang assumera Jane. 

"Ansarap pala ng hangin dito eh noh?" sabi niya ulit.

"Oo eh" sagot ko. okay spell A-W-K-W-A-R-D

*1 mins

*2mins

*3mins

"Tara balik na tayo" sabi ko saka kami naglakad palayo.

"Hmm Jane?"

"bakit po?"

"Pwede ka bang ayain lumabas mamaya? tanong niya.

teka nabibingi ako, baka nagkamali ako ng rinig.

"Huh?"

"Sabi ko pwede ka ba mamaya?"

I'm his VAMPIRE SERVANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon