Chapter 10

33 2 0
                                        

"If you live in fear of the future because of what happened in the past, you'll end up losing what you have in the present."

---------------------------------------------------x

Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Hinihingal pa ako dahil sa pagod. Isa-isa kong tinignan ang mga nakahimlay na mga Contiguous Yakuza. Napakahangal nila. Lalong lalo na ang Akiro na iyon. Anong tingin niya sa akin? Isang simpleng babae na papayag sa kung ano ang gusto niyang gawin sa walang kuwenta niyang buhay? 

Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang hiwa ko sa binti at umupo ng panandalian. Napapadalas na ang mga sugat ko. Ang mabuti ay malayo ito sa bituka. Piling ko ay hindi na ako makakatayo pagkatapos neto.

Inangat ko ang paningin ko nang marinig ko ang mga yapak ng Pentaichor papalapit sa akin. Bumuntong-hininga ako. This is the last one. If I failed, wala na akong ibang matataguan pa palayo sa tatay ko. Hindi ko ito gusto. Hindi ko gustong maging leader ng mga gangster. Sandali akong napaisip. Pag itinuloy ko ba ito, may pag-asa ba akong mabuhay ng matiwasay? Maging simple? Napakaimposible. Paano ako mabubuhay ng matiwasay kung mamatay rin lang ako sa pakikipag-away at pakikipagbugbugan? Paano ako mabubuhay ng simple kung lahat lang naman ng mga tao dito ay titingala sa akin dahil magiging pinuno nila ako? 

"Having second thoughts?" I heard someone said. Tumingin ako sa taong iyon at nakita ko ang isang babae, nakangiti at nakaabot ang kamay para sa akin. Wala akong makitang kahit anong pag-aalinlangan sa mata niya. Parang handa siyang tumulong. Kumunot ang noo ko. Bakit niya ako tutulungan?

Inabot ko ang kamay niya at dahan-dahang tumayo. "Aish! Bwiset talaga ang headmaster na iyon! Kahit naman ata ako hindi kaagad makakarecover sa ganitong kalagayan! Anong tumatakbo na naman sa utak ng matandang iyon?!" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaki na kinakamot ang ulo niya at pumunta na rin sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko. Why are they helping me? Is this some kind of a trap?

Tumingin ako kay Aikor at ngumiti lang siya sa akin. Malayo sa Aikor na laging parang malalim ang iniisip. May isang babae pa at isang lalake rin ang lumapit sa akin, nakita kong may kinuhang gamot sa isang cabinet ang lalake at binigay ito sa babae. "We can't let you have the test kung ganito naman kasama ang kalagayan mo." sabi ng babae.

"And why is that?" I doubted. "Nagtatanong ka pa eh mukhang hindi mo nga ata kayang makalakad sa kalagayan mo."  sarkastiko nitong pahayag sa akin. Nakita kong lumapit na rin sa akin si Aikor at ipinagkrus ang kaniyang kamay, "Ganyan mo ba kagustong mapasali sa amin at maging leader at pati buhay mo sinasakripisyo mo? Because I'm telling you right now that that's not a good idea. Because the more you push yourself, the more you cannot become one of us." walang ka emo-emosyon nitong sabi sa akin. Nagsalubong ang kilay ko.  "Then what do you want me to do? This is my only hope. Kung hindi ko ito aayusin, wala na akong ibang alam na paraan para mabuhay. At unang-una, hindi ko gustong mapasali sa inyo. Pangalawa, hindi ko ginustong maging isang leader because I don't have the courage to be one. Pangatlo, kinamumuhian ko ang lahat ng mga katulad ninyo at huling-huli, kailangan ko itong gawin hindi para maging dakila sa inyo kundi para mapalayo ako sa taong sumira ng buhay ko." galit kong pahayag at tumalikod sa kanilang lima. 

"Siguro hindi talaga ito ang para sa akin. I'll quit this nonsense. I don't want to be like you, I want to be me. To think that I'm a born again Christian. Hindi ko kayang mapasali at makisama sa mga masasamang tao." usal ko bago umalis.

Paika-ika akong naglakad papunta sa office ng headmaster at hinarap ko siya ng buong tapang, "I know what I'm going to say right now is not what you want to hear. . .  but I'm quitting. This is not what I want to be. Wala ako sa matinong pag-iisip ng sinabi ko kay Justine na gagawin ko ang gusto niya para lang malayo ako sa tatay ko." tiningnan ko ang mukha niya at unti-unti kong nakita ang emosyon na yun. Galit, siguro dahil sa biglaang pagbago ng isip ko. Pero wala siyang magagawa, because I'm being myself this time.

Tumalikod na ako sa kaniya at nag-umpisang lumakad papunta sa pintuan pero ikinabigla ko ang sunod na nangyari.

Sobrang bilis. Para bang nameet ko sa totoong buhay si Flash sa Headmaster. Hinawakan ko ang pisngi ko na dumudugo dahil sa paghagis niya ng isang maliit ngunit napaka tulis na bagay. Parang sa mga dart. Ang pinagkaiba nga lang ay ako ang dart board. At na bull's eye niya ako in a matter of 2 seconds.

"Don't be silly. . ." sinabi niya sa akin na may malambing na tono ng pananalita. "Because I won't let you go." at sinalubong niya ako ng suntok sa mukha ko na nagpadilim sa buong paligid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon