Chapter 5

96 3 0
                                    

"Stand up for what is right. It only takes one person that is unafraid to stand up and change something."

--------------------------------------------------x

TINITINGNAN KO ANG KUWINTAS ko at pinaglalaruan ko iyon gamit ang palad ko, nagdadalawang isip kung ito ba'y itatapon ko o hindi. Sa huli ay nilagay ko na lang iyon sa bulsa ko at kumibit-balikat. Kinuha ko na ang mga naka-empake kong gamit at nilagay ito sa pansamantalang sasakyan na ibinigay sa akin ni Justine.

"Young mistress, ano po ang sasabihin namin namin kay sir kapag tinanong niya po kung bakit wala ang mga gamit mo?" tanong sa akin ng isang maid. Bumuntong-hininga ako at binigay sa kaniya ang isang sulat. "Give this to him and tell him that I won't come back." sabi ko. "Paano po ang pag-aaral niyo?" nag-aalala niyang tanong. "I already dropped and I'll study at a different school." sabi ko at sumakay na sa kotse ni Justine. With one last look at the house, I closed my eyes and prayed that what I did will make me happy and . . . free.

---

Nagsitinginan ang lahat sa akin habang dumadaan ako kasama ni Justine. Idineretso ko ang tingin ko at kinalma ko ang sarili ko dahil baka hindi nila ako matanggap kung sakali man na magiging leader ako ng lahat ng mga gangster na nandirito. Naririnig ko ang mga bulungan ng lahat ng mga nakaupo sa arena habang papunta kami sa isang hallway papunta sa office ng kanilang headmaster at mga game makers dahil kailangan pa daw nila akong suriin kung karapat dapat ba akong maging gangster.

.

"Girlfriend ba yan ni Dragon Rider?"

"Ulol! Pinsan niya yan!"

"Yan na ba siya?"

"Kilala ko yan ah! She's the daughter of the number 1 entrepreneur Mr. Akashi Moeru!"

"Mr. Akashi Moeru? Yung ---" hindi natuloy ang sinasabi ng isa sa mga nagbubulungan dahil tumingin ng masama si Justine sa kanila. "Shut your mouth." He said at them. Naguluhan naman ako dahil sobra ang takot nila sa kaniya. Kitang-kita ko iyon sa mga mata nila. Bumuntong-hininga ako at ginawa kong blanko ang ekspresyon ko.

 Pumasok kasmi sa isang malaking kuwarto at isang matandang lalaki na umiinom --- na sa tingin ko ay tsaa --- ang nakaabang sa amin. Nang mapansin niya kami ay ibinaba niya ang kaniyang tasa at ngumiti sa amin. "So are you ready?" nakangiti niyang tanong sa akin.

--------------------------------------------------x

 


Tumikhim ang Headmaster ng mga gangster kaya't nagsitahimik silang lahat. Kitang-kita sa mga iba na sabik na sabik sila sa kung ano mang iaanunsyo ng headmaster at ang iba nama'y mukhang naiirita dahil sa gusto na nilang makipagbasag ulo dahil sa naudlot na battle kanina dito sa arena. "I would like to inform all of you that we have already found the right girl leader that will later change my position when the time I died. But before that," bumuntong hininga siya at ipinukol ang kaniyang malalamig na mga mata sa mga gangster. "She must surpass every test you wil give her." nagsimula silang mag-bulung-bulungan at kumunot ang noo ko. Test? I thought . . . napabuntong hininga ako. Nevermind.

"Yes, you." muling pagpapatuloy ni Headmaster, " I will pick 5 different gangs and each one of the gang must give her a very difficult test to test her strength. The following gang are the one who will give her the test." tumingin muna siya sa akin at tumango, ipinapahiwatig na kailangan kong lumabas. Nagbulungan muli ang iba at nakita ko sa mga ibang gangster na hinahangad nilang bigyan nila ako ng pagsubok. Kitang-kita ko naman sa iba ang determinsayon na sana ay hindi ko matagumpayan ang mga pagsubok na ibibigay sa akin. "Dark Razor Gang," napatingin ako sa isang gang na nag appear sa isa't isa. "Assasin's" naramdaman ko naman ang mga tawanan ng isang magkakaibigan na sa tingin ko ay ang mag Assasin's. Ramdam na ramdam ko ang malalamig na pagpukol ng mga tingin nila sa akin kasabay ng mga bulong-bulungan nila. Siguro kung paano ako papahirapan. "Sharp" pangatlong pagkakasabi ng headmaster. Narinig ko ang bulong-bulongan ng iba na kesyo daw bakit yun ang pinili eh ang boring ng gang na iyon. "Contiguous Yakuza" bumuntong-hininga ako at pumikit. Nakita ko sa sulok ng aking mga mata na ngumisi si Headmaster. Ang iba naman ay napapahigit na ng kanilang hininga kung sino ang susunod na gagawa ng pagsubok sa akin.

"And the last, but not the least, is Pentaichor. That's all. The test will start tommorow. Pax et venia to everyone." bumuntong-hininga ako at pumunta sa hallway para sundan ang headmaster ng may biglang humila sa akin sa braso ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaki na sobrang seryoso at mukhang binabasa niya mata ko. Imbes na matakot ay sinalubong ko ang tingin niya. Hindi ko nagpapakita ng takot dahil hindi ako natatakot.

"What?" I asked. Bumalik siya sa kaniyang sarili at bumuntong hininga, parang ipinaparating na hindi niya mabasa ang lahat-lahat ng mga nasa isip ko dahil sa malalamig kong mata na nakapukol sa kaniya. Ibinulsa niya ang kaniyang kamay sa kaniyang suot suot na balabal.  "Nothing. Just want to say be ready in everything we'll give you." he said. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay ito sa akin. Isang kuwintas. Kumunot ang noo ko ng makita ko na may kaunti itong pagkakahawig sa kwintas na ibinigay sa akin ni da-- I mean, yung bigay sa akin ng taong dati kong pinagkatiwalaan.

"Josh Gonzales also known as Aikor from Pentaichor. Nice to meet you." binigyan niya ulit ako ng malalalim na tingin at umalis na sa harapan ko.

---

"You okay?" tanong sa akin ni Justine habang papasok kami sa dorm na binigay niya sa akin. "Yeah." sagot ko sa kaniya at tumingin sa kuwintas ko at sa kuwintas na ibinigay sa akin nung lalakeng iyon. Ano nga pala kasi ulit yung pangalan ng lalakeng iyon? Aiko? Aki? Aspen? Kumunot ang noo ko. Ahh, Aikor. Bumuntong-hininga ako at nag-salita, "Justine, alam mo ba ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kaniya at pinakita ang kuwintas na ibinigay sa akin ng taong dati kong pinagkatiwalaan. 

"Ang alin?" tanong niya at kumuha ng isang lemonade juice sa ref. Ibinigay ko sa kaniya ang kuwintas at bumuntong-hininga siya at ibinalik itong muli sa akin. "Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin kung ano ang ibig sabihin ng kuwintas na iyan. Mayroon din akong ganyan ngunit hindi mo maiintindihan ang lahat kapag sinabi ko ito ngayon sa iyo. Hayaan mo munang ikaw ang makadiskubre ng lahat-lahat." sabi niya sa akin at ngumiti. Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Anong ibig niyang sabihin? 

Narinig ko ang tawag sa akin ni Justine na aalis na sya kaya napalingon ako sa pintuan. Hindi ko napansin ang pag-alis niya sa harapan ko. "Sige, I'll do what you've told me, dont worry." paninigurado ko sa kaniya at tumango siya at sinarado ang pinto.

Bumuntong-hininga ako at humiga sa kama ko. Another day and another life.

---

"First of all, hindi kasama sa test ang pagpatay. I want you to remember that we are not a syndicate or an assasin. Alam kong may mga gang na mga nag s-street fight lang or pangkatuwaan lang but we are not like them. Hindi tayo magnanakaw, a hold upper, a rapist or anything else. We are a family that needs to help each other to do good things. Hindi tayo lumalaban na walang dahilan kundi lumalaban tayo para maprotektahan natin ang isa't-isa. And those gang fights we are making? It is an instrument to make us more stronger, bolder, fearless." mahabang paliwanag ni headmaster. Nagsitanguan ang ang mga gang na para bang ilang beses na nilang narinig iyan. Tumungo ako. What the hell is he talking about? What I know is being a gangster makes you feel you're already bad, that's what my dad told me. Kumunot ang noo ko. I used again that word --- dad. Bumuntong-hininga ako.

"Second, bawal niyong ipressure ang bibigyan niyo ng mga test niyo. It's already a violation to the rules if you did not follow it. You will be kicked out from being a gangster once you violated it."

"Third, no cheating."

"Fourth, no..." hindi na ako nakinig pa dahil alam ko naman ang lahat ng yan. He did not train me for 15 years if I do not know the rules. Hindi sana nila ako kukunin ngayon kung hindi ko alam ang mga batas sa pakikipaglaban. Hindi din nila ako pipiliin kung wala silang nakitang potensyal sa akin.

"Miss Moeru, are you ready?" tanong sa akin ng headmaster. "If you're ready, please go to that room. Dark Razor Gang, report everything to me after she's done with your test okay?" turan nito sa akin at sa Dark Razor Gang. Nagsitanguan naman sila at tumingin ang lahat ng mga gang na nandirito sa office ng headmaster. Sinalubong ko ang tingin nilang lahat at tumango.

"I'm ready."

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon