Chapter 9

73 4 0
                                    

"Be that strong girl that everyone knew would make it through the worst, be that fearless girl, the one who would dare to do anything, be that independent girl who didn't need a man; be that girl who never backed down."

-------------------------------------------------------x

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba makakaharap ko ang high ranked gang sa Gangster Societies? Bumuntong-hininga ako. Alam kong hindi takot ang nararamdaman ko. Magkaiba para sa akin ang kaba at takot.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa dalawang gang na kasalukiyang nagtitinginan sa isa't isa. Tila sobrang lalim ng iniisip. Iniisip kung ang mga ibibigay nila sa akin ay kaya ko bang mapasa o hindi.

Nagulat ako nang bigla-biglang may humila sa akin. Tumingin ako ng masama sa taong iyon at bumuntong-hininga. Ang alam ko ay isa itong member ng Contiguous Yakuza. 

"Bitiwan mo ako. Kaya kong maglakad." malamig kong turan sa humila sa akin. Bumuntong-hininga siya at napatingin siya sa akin. "What the hell are you doing here Skylar Soraya Moeru?" malamig niyang tanong. Panandalian akong napakunot ng noo. The hell he cares. "It's none of your fucking business." I said at sinuntok ko siya sa mukha. Napasinghap ang ibang members ng Contiguous Yakuza at dali-daling pinuntahan ang lalakeng ito. Tumingin ng masama ang isang babae sa akin at akmang susugod na ngunit pinigilan siya ng lalakeng humila sa akin kanina.

Tumayo ito dahil napaupo siya sa lakas ng pagkakasuntok ko kanina sa kaniya. Tinanggal niya ang suot niyang maskara na nagtatago ng mukha niya, Nanlaki ang mata ko. "Of course it's my business." malamig niyang turan sa akin. "It's my fucking business 'cause you're my fiancee." sumama ang tingin ko sa kaniya. Kumunot ang noo ng ibang gangsters na nandito. The hell with this guy. Hanggang dito ba naman sa Gangster Societies ay nandito siya? I want to scream at him ngunit pinigilan ko ang sarili ko. 

"Akiro Schreave." bulong ko at tumingin ng diretso sa kaniya. "No, hindi kita fiancee because in the first place, hindi ako pumayag." sagot ko. Sumama ang tingin niya sa akin. "Well then, suit yourself." he told me at tumingin na sa ibang co-gangster niya. Agad silang sumugod sa akin at ang Pentaichor naman ay napamaang. Parang hindi nila alam na may ganitong mangyayari. 

Napatiim baga ako at tumingin sa isang tao na kilala ko lamang sa Pentaichor. Si Aikor. Nakatingin lamang siya ng diretso sa amin tila sinusuri kung ano ang mas magandang ibigay na pagsubok na ibibigay niya sa akin. 

May nakita akong isang patalim sa baba at sinugod ko ang isang babae na may hawak na dagger. Akmang susugatan niya ako gamit doon ngunit umilag ako sa pamamagitan ng pagsipa sa hawak niyang dagger at pumunta ako sa likod niya at pinilipit ang braso niya. Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol at itutulak ko na sana siya nang maramdaman ko ang isang matulis na bagay sa binti ko. Napapikit ako ng mariin at nakita ko ang isang kunai na nakatarak sa binti ko. Mga ilang segundo lang ay napabagsak ako sa sahig at napapilipit sa sakit. Saktong-sakto ang kunai sa nasugatan kong binti dahil sa Asassin's. Tumulo ang isang luha sa pisngi ko at agad ko itong pinahid.

Biglang may sumipa sa likod ko kaya napahiga ako. 

Tinignan ko lamang si Aikor at nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala na agad akong bumibigay sa simpleng kunai at sipa. 

Doon ako muling tumayo. Tinanggal ko agad ang kunai sa binti ko at kahit masakit ang pagkakasipa sa akin ng lalakeng sumipa sa akin ay tumakbo ako ng mabilis at agad na inihagis iyon sa isang Contiguous Yakuza na malayo sa akin. Nanlaki ang mata niya ng tumama ito sa kamay niya at napasigaw siya ng malakas. Duon ko tsinempuhan ang iba pang members ng Contiguous Yakuza at binigyan ko ng isang malakas na suntok ang isang babae na malapit sa akin. May humila sa buhok ko at nakita ko ang isang kutsilyo na nakatapat sa leeg ko. Napairap lang ako at mabilis na mabilis kong sinipa patalikod ang may hawak ng kutsilyong iyon at agad kong kinuha ang kutsilyo at ihinagis sa taas para walang makakuha nito at  gamitin ito muli na panlaban sa akin. Hinawakan ko ang leeg niya at iinuntog ang ulo ko sa kaniya kaya natumba siya at nawalan ng malay.

Napatingin ako sa iba pang members na nakatingin sa akin. Ang sama ng tingin nila sa akin, tila pinapatay na ako sa kanilang isipan. Tumingin muli ako kay Akiro at nakita ko na matiim niya akong tinitignan. Napabuntong-hininga ako at agad ko siyang sinugod ngunit may humarang sa akin. Sinipa ko ito sa pribado nitong parte ng katawan kaya napapilipit ito sa sakit.

Malapit na ako kay Akiro at itinumba ko siya. Parehas kaming napahiga at nadaganan niya ako. Tumalim ang mata ko sa kaniya ngunit nakita ko naman ang paglambot ng mukha nito sa akin nang magkatinginan kami. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin kaya't sinapak ko siya at tinulak palayo. 

Napamura ako sa isip ko. And now what? He'll kiss me? Damn it. In his little monkey dreams. 

Muli akong tumayo ngunit nakita kong tulog na silang lahat lalo na si Akiro. Napabuntong-hininga na lamang ako. It's Pentaichor's turn.

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon