Chapter 2

136 4 1
                                        

"Becoming fearless isn't the point. That's impossible. It's learning how to control your fear, and how to be free from it."

--------------------------------------x

"What the fu--" napatigil ang estudyante at nanlaki ang mata, "O-Hime-sama!" nag curtsy ito sa akin ngunit tinignan ko lamang siya at kinuha ang panyo ko sa bulsa. Dahan-dahan kong pinunasan ang damit niya gamit ang aking panyo at kinuha ko sa bag ko ang extra kong damit. Ibinigay ko sa kaniya ang panyo at damit na hawak ko at kalamadong nag-salita sa kaniya. "Sa susunod ay mag-ingat ka. Buti na lang at tubig lang ang natapon sa'yo." sabi ko. Nanginginig niyang kinuha ang damit  at panyo na hawak ko at napayuko. "Pasensya na po." Pinilit kong ngumiti ngunit nawala din kaagad ito.

Umalis na ako sa harapan niya at bumuntong-hininga. Nagsisitinginan ang lahat ng mga estudyante sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin. Pumunta na lang ako sa upuan ko at nag-advance study na lang ako sa mga lesson na kailangan ko pang pag-aralan kahit first day of school palang.

---

Matapos ma dismiss ang klase namen, dumiretso ako sa tambayan ko. Umupo ako sa buhanginan at pinanood ko ang araw na lumubog.

Ganito lagi ang ginagawa ko simula ng bata pa ako. Hinihintay kong lumubog ang araw habang nag-mumuni-muni. Ayaw ko ng may istorbo. Kaya sa tuwing hinahanap ako ng mga katulong namin, aabutin pa sila ng mga 2 oras para mapuntahan ang lugar na ito. Kaya marahil ay madalas akong mapagalitan ni papa kapag galing siya sa trabaho at iyon din ang dahilan kung bakit ipinadala niya ako sa America. Sa katunayan ay kakauwi ko lang dito mga limang araw bago ako mag-aral dito.

Ayaw na ayaw niya akong pumunta ng mag-isa kung saan-saan. Gusto niya laging may nakaagapay sa akin. Pero kahit ganuon, naiintindihan ko pa rin siya dahil gusto niya lang na maging maayos ang kalagayan ko. Alam ko namang ako lang ang nag-iisang anak niya at ayaw niyang mawala ako dito sa mundong ito katulad ng nangyari sa aking ina. Naiintindihan ko siya. Pinipilit ko ang sarili kong intindihin siya. Pero minsan ay nasasakal ako... minsan hindi na ako makahinga sa mga gusto niyang mangyari sa buhay ko.

SSSSSHHHHKK!

Pumikit ako ng mariin at marahang napangisi. Andyan na naman sila. Kailan kaya sila tititgil sa pag-habol sa akin? Hindi ba sila napapagod? Ako kasi, matagal na akong pagod. Pagod na akong mabuhay pero I know that after this trials, I will surely be able to get what I want --- a peaceful life.

Tumayo ako at pinagpag ko ang buhangin sa katawan ko. "Alam kong nandyan lang kayo." ang tinig ko lang ang maririnig dahil sa sobrang tahimik na paligid. Nang makirinig ako ng kaluskos ay inihanda ko na ang sarili ko. Ipinosisyon ko na ang sarili ko para makatakbo kung sakaling may dala silang mga armas. 

"Huwag ka na kasing tumakbo sa amin Soraya... Sumama ka sa amin, may mas magandang buhay ang nakaabang sa'yo." batid ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Humarap ako sa taong iyon para lang makita ang nakakatakot niyang ngisi. Pero imbes na matakot ako sa kinalalagyan ko ngayon, ang tanging naramdaman ko lamang ay ang hangad kong makaalis sa lugar na ito upang matulog na at makapaghanda sa tatalakayin namin bukas sa klase.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Kinapa ko sa bulsa ko ang isang malamig na bagay na sa tanang buhay ko'y isang beses ko pa lamang na nagamit. Tumilim ang tingin ko sa taong iyon at nag-salita, "Kailanma'y hindi ako sasama sa inyo. Magkamatayan man tayo, aking mahal na pinsan." nanginig ang kalamnan niya dahil sa sinabi kong salita at tinignan ang mga kasamahan niya. Tila nangangahulugang gawin na ang dapat gawin sa akin.

Bago pa man nila ako tuluyang makuha at maisakay sa kotse nila, inunahan ko na sila at mabilis na pinaputok ang baril na nasa bulsa ko. Napatigil naman sila at bahid sa mata nila ang takot ngunit ako'y nanatiling kalmado lamang. Nang sa mga sandaling iyon ay tila naramdaman ko na'ng ang pinsan ko na ang kikilos kaya kinuha ko na ang aking dalang bag at mabilis na tumakbo papunta sa isang mataong lugar.

"Ano pang ginagawa niyo?! Sundan niyo siya! Mga punyeta kayo! Mga walang kuwenta!" umaalingaw-ngaw ang boses niya. Kung iba sana akong tao ay nakaramdam na ako ng panghihina ng loob dahil sa maraming taong humahabol sa akin ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ko. Magkahalong galit, lungkot at desperasyon na makatakas at mabuhay ng mapayapa. 

BANG!

Bahagya akong napatigil nang matamaan ako ng bala sa kanan kong braso ngunit dali dali rin akong tumuloy sa aking ginagawa.

Nakapunta ako sa isang palengke at pinaikot ko sila upang malita at tumuloy ako sa isang subdivision na may mga taong nakatambay pa sa labas ng kanilang bahay. 

Nang makita ko sila na para tila bang hinahanap ako at tinatanong ang bawat taong nakakasalubong nila ay mabilis na umakyat ako sa isang bahay na may mataas na dingding at nag-tago ako sa halamanan nito. Napatiim-baga na lamang ako nang maramdaman ko ang kirot sa aking braso at tila nawalan ako ng pag-asa nang makita ko ang labis na pagdurugo nito. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit. Dahan-dahan kong hinugot ang bala na lumubog ng kaunti at nakagat ko ang dila ko sa labis na sakit na aking nadarama. Kukunin ko sana ang panyo nang maalala kong ibinigay ko pala iyon sa babaeng natapunan ng tubig kanina. Mas lalong kumirot ang sakit na nararamdaman ko.

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong wala na sila ngunit napatigil ako nang may marinig akong boses ng isang babae.

"O... O-Hime-sama?!"

---

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon