“You were put on this earth to achieve your greatest self, to live out your purpose, and to do it fearlessly.”
-------------------------------x
"ARAY." bulong ko at tinignan si Tarah. Napayuko siya at patuloy na ginamot ang sugat ko sa braso. Matapos niya itong lagyan ng betadine ay nilagay niya na ang band-aid dito.
"Mabuti na lang at hindi po malalim ang tama ng bala sa braso mo, Hime-sama." sabi niya sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya ng malalim at tumango na lang sa sinabi niya.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa isang katulong na may hawak na juice. Kinuha niya naman iyon at ibinigay ito sa akin. "Salamat." sabi ko. Pinatong ko muna ang baso sa isang malapit na mesa.
Akmang tatayo na sana ako ng biglang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghila sa kamay ko. Nanlalaki ang mata niya at madiin na napatingin sa isang kwintas na suot-suot ko.
Kumunot ang noo ko.
"S-saan mo... Saan mo nakuha yan?" tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko at napatingin naman ako sa kwintas ko. Hinawakan ko ang kwintas kong ito at pinagmasdang maige. Pinilit kong maalala kung saan ko ito nakuha ngunit sumakit lamang ang ulo ko. Basta ang alam ko, matagal ko ng suot ang kuwintas ko, magmula pa lamang nang ako'y bata pa. Isa itong kwintas na may disenyo ng isang binti ng agila na may dala-dala na isang itim na perlas.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong. Napalunok siya ng kaniyang laway at umiling which I find very weird.
"W-wala. S-sige po, Skylar-sama, mamahinga ka muna sa guest room. I would just inform your dad about this." sabi niya. Bumuntong-hininga ako at bumulong. "Kahit huwag na."
"PO?"
Tumingin lang ako sa kaniya ng blanko. "Wala iyon. Salamat na lang."
Tumango na lamang siya at yumuko. "Sige po, maiwan ko na kayo dito." sabi niya at iniwan na lang ako doon.
Matapos niya akong iwanan sa sala, isang katulong ang umalalay sa akin upang makapunta ako sa isang guest room. Pink. Napatiim-baga ako at humiga na lang sa kama at tinakpan ang mukha ko ng unan upang hindi ko makita ang kasuklam-suklam na kulay sa buong kuwarto. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.
---------------------------------------x
"Do not remove this Sky. Never remove this on your neck. You must take care of this or else." tumingin ako kay daddy at bahagyang tumango. Ikinabit niya sa maliit kong leeg ang isang kwintas that has a design of a talon of an eagle holding a black pearl. Napasinghap ako sa tuwa.
"Daddy... I-Itsh byowtiful... Where'd yowsh buy thish?" bulol-bulol kong pagkakasabi. Napangiti lamang siya at ginulo ang buhok ko.
"My dearest daughter, this is not just something that you could buy from any other jewelry store. I inherit this from your lolo and he told me that if I'll have my very own child, I shoud give it to him/her when the time comes." ngumiti lamang ako at niyakap ko siya.
"Teynk yow daddy."
---------------------------------------x
"Hime-sama! Hime-sama!" naramdaman ko ang isang kamay na pilit akong ginigising sa pamamagitan ng pagyuyugyog sa akin. Mukhang successful naman ang taong iyon doon dahil agad akong nagising habang hinihingal. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at pinagpapawisan ako.
Napatingin ako sa taong kanina pa yumuyugyog sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hime-sama! I thought... I thought mamamatay ka na! Kanina pa kita gingising but it looks like you just have a nightmare! Thank goodness you're still alive!" tumingin lamang ako ng blanko kay Tarah ngunit sa loob-looban ko'y natutuwa ako dahil may mga tao pa ring nag-aalala sa akin. Nais ko siyang yakapin at sabihing ayos lang ako ngunit nahihiya ako.
"I'm fine. Don't worry about me."
Bumuntong-hininga lamang siya at tsaka ngumiti. "Sige po, Hime-sama. Just go back to your sleep. 3 AM pa lang naman po." Tumango lamang ako at duon na siya umalis.
Pagkatapos niyang makaalis sa kuwarto, naramdaman kong sumikip ang aking dibdib kaya dali-dali kong kinuha ang dala kong bag sa ilalim ng kama at kinuha ang gamot kong Plavix Oral. Kinuha ko ang dala kong tubig sa bag ko at ininom ito matapos kong ininom ang gamot ko.
Napapikit ako at kinalma ko ang sarili ko.
"Please... not now." bulong ko. Humiga na ako ng maayos at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kuwintas ko. Tila isa-isa namang nag-sibalikan ang mga alaala ko ng makita ko ito
---------------------------------------x
