Akira's POV
Total nagising ako ng sobrang aga. Pumunta muna ako sa EXO's Coffee Shop. Bumili ako ng Chocolate cake favorite ko kasi yun. Then Iced Frappe Coffee.
Then nakinig lang sa phone ko ng kung ano-anong songs habang iniinom ko ang coffee ko. Di ko parin halos malaman kung sino ang pumatay kay Ate. Halos 1 week na ako dito tas wala pa akong nakuhang ebidensiya o kahit suspect man lang. Sino ka nga ba? O sino nga ba KAYO?
Bakit niyo ginawa iyon? Naiingit ba kayo? O may galit? O ayaw niyo kay Ate? Ano nga ba? At sino-sino kayo?Habang nag dadaydreaming ako may napansin lang akong isang lalake na nakatago sa gilid. Parang nakatingin siya sakin. Nung nakita niya akong nakatingin sakanya parang bigla siyang nagtago. WHO ARE YOU? Ano ang kailangan mo sakin?
Then may biglang pumasok sa Coffee Shop. Taeka si Marl? Ano namang balak niyang gawin dito?Mukhang napansin niya ata ako.
Hi Aimee! Bati niya sa akin habang pinapakita niya ang kanyang signature smile. Sos kung di ko lang to bestfriend malamang magkakacrush ako sa kanya. Di ko naman maikakaila na sobrang gwapo niya kahit hindi siya celebrity or idol.Hello, bati ko pabalik sa kanya sabay ngiti.
Ano nga palang ginagawa mo dito?
Ahm kakain ng cake at iinom ng coffee. Bakit ano bang dapat na gagawin dito? Oo nga naman >.<.
Ikaw ang aga mo naman ata nagising.
Ah oo di kasi ako makatulog.
Ah o sige oorder lang muna ako.
O sige. At umalis na siya papunta ng counter.Marl's POV
Umalis na ako papuntang counter. Mukhang may nagbago kay Aimee. Kasi noon tuwing babatiin ko siya iniirapan lang niya ako. At binabalewala na parang hangin lang. Mukhang hindi siya yung Aimee na kilala ko. Pero imposible naman iyon.
(Back to Aimee's POV)
Paalis na sana ako nang may biglang tumawag sakin.
Ahm excuse me miss. Sigaw ng waitress habang papalapit sa akin. At may dalang box na halatang cake ang laman.
Ako? Bakit? Tanong ko sa kanya.May nagpapabigay po kasi sa inyo nito. Sabay abot ng box na dala niya.
Sino naman daw ang nagpapabigay?
Ah ayaw po kasi niya magpakilala. Sabi niya rin po na binigay niya daw iyan sa inyo kasi napaka lungkot niyo daw po.
Ah sorry miss pero di kasi ako tumatanggap ng kung ano basta di ko kakilala. Baka may lason pa yan eh.
Pero maam pag di niyo daw ito tinanggap mawawalan ako ng trabaho. Maam pakakainin ko pa yung mga kapatid ko. Ako lang po kasi ang bumubuhay sa kanila. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Sagot niya na mukhang iiyak na.O sige. Pakisabi nalang sa kung SINO man siya na salamat.
Maraming salamat po talaga maam. Salamat po talaga.
Ok lang. Lumabas na ako sa EXO's Coffee Shop. Bahala na si Marl dun di nayun bata para bantayan ko. Taeka lang sino kaya ang nagpadala nito? Ano trip niya? Baka may lason to. O kung ano man.Nakarating narin ako ng school nilakad ko nalang tutal malapit lang naman.
At para narin magpahangin, matagal na rin kasi ng nag jogging ako.
Umakyat na ako patungong 3rd floor ng may narinig akong pag-uusap. Di naman sa pag eeavesdropping pero narinig ko ang pangalan ko at ang pangalan ni Ate. Naibigay naba nung waitress ang pinabibigay ko?Opo.
Mabuti naman. Sigurado akong magugustuhan niya iyon. Staka nga pala kamusta ang pagpapanggap ni Akira bilang si Aimee?
Ok naman. Ayun sa sobrang galing gusto kong bigyan ng award. Mas inilapit ko pa yung taenga ko sa pinto para marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Nang biglang may tumakot saakin.
Hala!. Si Belle pala. Napansin siguro nila na may tao. Kasi tumigil sila sa pag-uusap.Ano ba?! Mahinahon kung tugon sa kanya.
Eh ano ba kasing ginagawa mo diyan?
Malapit ko na sanang malaman kaso. Ah.
Wala halika nanga.
Pero bakit ganun? Parang sobrang pamilyar yung boses niya. Sino ka nga ba?
WHO ARE YOU?Pumasok na kami ng classroom. Si Tiffany pala asan?
Di ko rin alam eh. Sabay lang kaya tayo dumating dito.Taeka ba't may dala kang box ng cake? Oo nga pala.
A-ah may nagbigay lang.
Sino? Stalker mo? Taeka pano niya nalaman?
Ha?
Wag ka nang mag maang-maangan di bagay sayo gurl.
Bahala ka na nga diyan.
Oy buksan mo naman yan para makakain din ako.
Ang takaw mo naman.
Oo na gurl matakaw na kung matakaw pero kasi di ako kumain kanina ng breakfast.
Oo na.
Binuksan ko ang box nang nahulog ko ito.Bakit? Sigaw ni Belle.
Nang makita ni Belle ay agad din siya sumigaw na ikinagulat ng mga kaklase ko.Bakit ganyan ang laman?
Pugot na ulo ang nasa ibabaw ng cake.
Na may dugo pa. Walang mata.
Halatang bago pa pinatay.Sino ang nagbigay sayo nito?!
D--di ko alam. Yung waitress lang na--naman ang nagpadala sakin niyan.
Inaamin ko takot ako sa dugo. Pero WHO ARE YOU?. Di ko namalayan na biglang dumilim ang paligid ko at wala na bumagsak na ako.Third Person's POV
Mukhang may nakarinig kaya agad naming tinigil ang pag-uusap namin. Hanggang sa nawala na sila.
Kamusta pala ang waitress na inutusan mong ipadala kay Akira ang cake na may pugot ang ulo?
Ok na.Tinignan ko ang CCTV. Alam kong may takot ka sa dugo.
At bigla nalang siyang nahimatay.Tinawagan ko si ____. Narinig ba niya ang usapabn namin kanina?
Oo. Pero wag kang mag-alala nagawan ko naman ng paraan kaya ligtas ka parin. I mean TAYO.Mabuti naman.
Nakita mo ba ang reaksyon niya nung nakita niya ang pugot ng ulo at may sariwang dugo?
Oo, nakakatawa nga eh. Sobrang takot na takot siya. Buti nga sa kanya. Kung hindi sana siya pakialamera di sana siya madadamay.
Sige pupuntahan ko kayo diyan. Baka mahalata niya.
Then I ended the conversation.Thank you for reading this story.
Continue streaming the music video of EXO.
Sorry for any wrong grammar,typos or spellings.
Wag munang husgahan ang story nato baka mali ang akala niyo.Anneyeong!!!
Language: Taglish.
Plagiarism is a crime.
BINABASA MO ANG
Innocent Demon|√🆕
Mystery / ThrillerHighest Ranking: #99 in Mystery/Thriller. Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nila sayo. Matitikman nila ang hindi nilang makakalimutan kong paghihigante. At bago muna yun dapat muna akong magpanggap bilang ikaw. Para malaman ko kung sino...