Part 10

19 3 0
                                    


Akira's POV

Nagising ako sa puting kwarto at halatang sa clinic ito. Ang naalala ko lang nahimatay ako dahil sa pugot na ulo at sa preskong dugo na nasa loob ng box.

Napansin kong may nakahawak sa aking kamay. At tinignan ko kung sino iyon. Si Daniel na naman. Ganon ba talaga niya kamahal si ate? At palagi niya itong inaalagaan?
Pero bakit niya niloko si ate?

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya, nang biglang pumasok si Alexander.

O Aimee gising ka na pala. Ah pagpasensyahan mo na si Daniel kanina pa kasi yan naghihintay na magising ka. At napagod yata siya kaya nakatulog siya.

Ah, ok pero sino ang nagdala sa akin sa clinic? Tanong ko sa kanya.

Sino paba? Edi yang boyfriend mo. Sagot niya sabay turo kay Daniel.

Hindi ko siya boyfriend. Sagot ko pabalik.

Wag mo nang ilihim alam na kaya naming lahat na nagkabalikan na kayo. Pang-aasar niya.

Sabi nang hindi ko siya boyfriend. Tsaka anong alam niyo na nagkabalikan na kami?

Halata naman eh. Eh hindi ka parin niya pinababayaan. Tsaka ano nga ba ang dahilan kong bakit kayo naghiwalay? Eh kayo nga ang 'The Sweetest Couple' ng paaralang ito.

Eh kasi--. Hindi ko natuloy ang sanang sasabihin ko nang sumabat si Daniel.

Kasi niloko ko siya. Sagot niya na naka seryoso ang kanyang mukha.

Bigla nalang kami natahimik.

At pinagpatuloy niya ang kanyang sinabi.
At nagsisisi ako dun. Dahil mahal na mahal ko parin siya. At handa kong gawin ang lahat bumalik lang siya sa piling ko, sa pagiging future Mrs. Swift. Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata na may halong lungkot.

Nagkatinginan lang kami hanggang sa nagsalita ulit si Alexander.

A--ah ok,mukhang nakakaistorbo yata ako sa Swift couple. Aalis nalang ako.

Sabay na ako. Sagot ko.

Ha? Takang tanong niya.
Sabay na ako sayong lumabas.
Ok nanaman ako eh. Tsaka kaya ko nang manglakad. Habang tinatanggal ko ang aking kamay sa kamay ni Daniel.

Pero hindi ka pa ok.
Hindi ok na ako. Pagmamaktol ko.
Palabas na sana ako nang bigla kong binigkas ang salitang ito;

Maraming salamat pala Daniel dahil palagi kang nasa tabi ko. Tsaka na ako lumabas.

Angela's POV

Bakit ba ako nalang lagi? Hindi ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko tas ako ang pagbibintangan nila? Nananahimik na nga ako eh. Ibinigay ko na ang titulong iyon. Tinangggap ko na. Pero bakit ganon? Hindi paba sapat iyon? I'm depressed. Gusto ko nang mamatay. Wala namang nagmamahal sakin eh. Wala sila mama at papa para sakin. Kahit saan ako magpunta walang may pake sakin. Walang nakakapansin sakin. Walang may gusto sakin. Wala akong karamay kahit isang tao lang.

Nananahimik na nga ako. Dahil gusto kong mapag-isa. Gusto ko nang mawala sa mundong ito. I want to get out from this cruel world.
Pero pano? I tried to kill myself pero takot ako. May takot ako sa panginoon.

Habang naglalakad ako na tumutulo ang aking mga luha, hindi ko parin maisip kung bakit ako? Alam nilang galit ako kay Aimee pero hindi iyon sapat na dahilan para pagbintangan ako. Hanggang dito sa field may mga chismosa talaga. Sarap putulin ng mga dila. Akala mo naman sobrang ganda. Eh wala nga sila sa kaling-kingan ko.

Umupo ako sa ilalalim ng puno, habang nakatingin lang sa langit.
Sobrang ganda talaga ng langit. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko na pinipigilan kong lumabas. Pagod na pagod na ako. Ilang taon, araw, segundo,oras minuto pa ba ang dapat kung malagpasan upang makapagpahinga ako?
Gustong-gusto ko nang magpahinga. I'm so tired of everything. Di ko na kaya.

Ella's POV

Hindi pa ba gising si Akira?
Ba't ang tagal naman ata? Sa pagkakaalam kasi ng lahat hindi takot sa dugo si Aimee. Baka kasi magtaka ang iba.

Hindi ko narin mahintay na sabihin sa kanya na malapit na siyang gumising. Malapit na malapit na.
At sana naman nahanap na niya ang suspect. Alam kung 2 weeks palang siya rito pero kinakailangan. Sa totoo lang wala talaga akong tiwala kay Belle at Tiffany. Pakiramdam ko kasi sila ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyari iyon kay Aimee. Pero wag tayo pakasigurado dahil baka mali ang akala natin. Mahirap magbintang lalo na't wala akong sapat na ebidensya. Noon palang ayaw ko na talaga sa kanila. Napaka B.I kasi nila.

Dahil sa kanila, natutong uminom si Aimee. Dahil sa kanila natutong gumawa si Aimee ng mga bago tas mali na bagay.

Malakas din ang pakiramdam ko na may kinalaman si Daniel. Simula kasi nung nag break sila palaging dumadalaw si Daniel sa mansyon.
Pero pinagtatabuyan parin siya ni Aimee. Hindi rin kaya biro ang maloko at masaktan. Lalo na't mahal na mahal mo pa ang gumawa nito.

Hanggang sa isang araw nagtaka kami kung bakit hindi na dumadalaw si Daniel. At doon na kami nagtaka. Dahil sobrang sweet talaga nito.

Lumabas si Aimee para magpahangin kasi ilang araw na rin siyang hindi lumalabas sa mansyon lalo na sa kwarto niya. Nang nagulat nalang kami ng may balita na meron dawng isang babae na natagpuan sa isang park. Biglang akong kinabahan dahil nga doon ang punta ni Aimee. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali.

Doon ko na nahulog ang glass na hinawakan ko nang biglang lumutang ang imahe ni Aimee na puro dugo ang nasa katawan. Hindi namin napigilan ang aming sarili na humagol-gol sa iyak. Kaming dalawa ni Yaya Linda ang narito wala pa kasi si Akira dahil may lakad. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nangako kasi ako kay tita na aalagaan ko ang aking mga pinsan pero di ko nagawa. Hanggang ngayon hindi parin alam ni tita ang nangyari.

Inaamin kong kasalanan ko rin iyon. Kung hindi ko sana siya sinabihan na lumabas ng gabing iyon. Hindi sana iyon mangyayari. Kaya pinangako ko sa aking sarili na proprotektahan ko na si Akira dahil hindi ko nagawa kay Aimee iyon. Kaya ako ang kasama niya sa condo.

Third Person's POV

Gising na pala ang magandang prinsesa. Kumusta naman ang tulog mo sleeping beauty?
Hindi pa tapos yan, nagsisimula pa tayo.

Sorry for the wrong grammar,spelling and typos.

Plagiarism is a crime.
Vote for EXO😘😘.

Date: October 20,2017
Time:9:10 P.M.

Innocent Demon|√🆕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon