"Chapter 2"

2.4K 103 3
                                    

"Nadine's pov"

"Yawwnn" hikab ko.
Hayyss inaantok pa ako eh, pero wala akong choice kung di bumangon at gawin ang morning routines ko. Pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay agad akong pumunta sa baba para kumain. Ng tapos na ako niligpit ko rin ito at lumabas narin ako ng bahay upang pumasok sa eskwelahan namin.

Katulad ng nakasanayan ganoon ulit ang nangyari pagkapasok ko. Bulungan doon bulungan dito. Lait doon lait dito hays hindi ba sila marunong mapagod?

Hindi ko na lang ulit sila pinansin at dumiretso na lang muli ako sa aming kwarto. Dahan-dahan akong pumasok para hindi nila ako mapansin. At nagtagumapay naman ako. Umupo na ako at kinuha ko na muna ang aking cellphone at earphones para mapakinggan ko ang aking idols.

(Play: Butterfly by BTS)

Napatigil ako sa pagsa soundtrip ko ng biglang dumating yung Prof. namin sa math. Mabilis kong itinago ang cp ko at ang earphones ko. At ako'y nakinig na sa aming Prof..

(After 1 hour and 30 min.)
"You can now take a break." Sabi ng Prof. At umalis.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko pero ako ay hindi pa tumatayo dahil wala rin naman akong ganang kumain. Kinuha ko na lang ulit ang aking cp at earphones para makinig muli ng kanta. Habang ako ay nakikinig tumingin ako sa bintana dahil tapat ko rin naman ito. Ngunit nagulat ako ng makakita ako na isang pares ng mga mata pero mas nagulat ako ng ito'y kulay pula. Mariin kong pinikit ang aking mata at muling ibinalik ang tingin ko doon. Ngunit pagtingin ko doon ay wala na ang taong nag tatago sa madilim na sulok na iyon. Namamalik mata lang siguro ako, inalis ko nalang ang tingin ko doon at dumukdok.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may nag text dito. Binasa ko naman ito.
From:09*********
Please be inform that there are no classes now because of the meeting of the teachers. Thank you.

Hayssss ano ba naman yan. Wala na akong nagawa kung di tumayo at umalis naroon. Habang naglalakad ako naramdaman kong parang may sumusunod sakin, pero binaliwala ko na lang yon.

Nakarating ako sa bahay pero nagulat ako ng naabutan ko na sobrang gulo. Shit! Anong nangyari dito?!. Mabilis kong niligpit ang mga gamit at salamat sa diyos dahil wala namang nawawala na mga gamit. Pagkatapos kong linisin iyon dumiretso na ako sa kwarto ko pero ganon rin ang naabutan ko kaya inayos ko rin ang mga gamit ko rito sa kwarto ko. Nagbihis na muna ako at ginawa ang night routines ko. Pagkatapos kong gawin ito ay dumiretso na muna ako sa may harap ng computer ko at binuksan ito.

Halos manghina ako sa nakasulat sa computer ko.
"You'll be dead soon princess" the h*ll is this? At saka anong princess ang pinagsasabi nito? Kinabahan naman ako dahil sa banta nito kaya mabilis kong inalis yung nakasulat doon at pinatay na muli yung computer ko. Pumunta na lang ako sa kama ko at humiga, sino kaya ang nagpadala nun? Hayss, mas minabuti ko na lang matulog at wag ng mag isip ng kung ano-ano.

--------------------------------------------------------------------

Author's note:
Please don't forget to leave a vote,comments, and be a fan. Thank you! :*

"Enchanted Academy"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon