YTO - CHAPTER 26

653 17 1
                                    

this chapter is dedicated to micajimenez01 ! thank you sa pag-fan sa'kin ! :")

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JAIRUS

"son, please. hindi pwede." sabi ni dad.

hay, wala na ba talaga akong magagawa?

pupunta na nga lang ako sa park. yung park kung saan nagsimula ang lahat. sa park na kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin ng bebe ko. miss na miss na miss ko na sya.

balik tayo sa sinabi ni dad na sanhi ng aking pagpunta dito sa park.

sinabi ko sa kanya na kung pwede si Sharlene nalang yung papakasalan ko, madaming dahilan para sya yung papakasalan ko. una, magkapatid naman sila ni Alexa, so maaring pwede yun na kami ang magpakasal. pangalawa, kami na ni Sharlene. pangatlo, mahal na mahal namin ang isa't-isa. kaso kahit anong pilit ko kay dad, ayaw nya.

namiss ko tuloy lalo si Sharlene. ilang beses ko na ba sinabi yun? basta namiss ko sya. yung happy memories namin. kahit ilang months palang kami, ramdam namin na mahal na mahal namin ang isa't-isa.

naramdaman ko nalang na may nagpunas ng luha ko. umiiyak na pala ako, hindi ko man lang alam.

ALEXA

nagkasagutan nanaman kami ni Sharlene. hay, sana pagdating ng panahon magkaayos kami.

malapit na...

nasa park ako ngayon, naglalakad-lakad. habang naglalakad ako may nakita akong isang familiar na lalaki. nakatalikod eh. dumaan ako sa harap nya at pinunasan ko ang luha nya.

"hindi bagay umiyak sa gwapong tulad mo" sabi ko.

"oh Alexa, nanjan ka pala. hehe. kanina ka pa ba jan?"

"hindi. naglalakad-lakad lang ako tapos nahagip ng mata ko ang isang Nash Aguas na umiiyak." si Nash yung nakita ko. Sino ba sa akala nyo? :")

"upo ka muna. kamusta kana nga pala? Musta ang pag-aayos sa kasal nyo ni Jai?" tanong nya sakin.

"okay lang ako. saka nga pala. hay, may kailangan kang malaman." sabi ko sa kanya. kailangan nyang malaman ito kahit papaano.

"huh? ano ba'yon?" tanong nya na may halong pagtataka.

SHARLENE

nagkasagutan kami ni Alexa. ay, parehas ba kami ng umpisa sa POV namin? haha. kasi ba naman pinipilit ko siyang sabihin nalang nya kay dad na ako nalang yung ipakasal kay Jairus. tanggi naman sya ng tanggi. nakakainis, kaya nagwalk-out ako.

nasa park ako ngayon. bibili ng cotton candy, dito ko nalang ibubuhos saloobin ko.

"hindi bagay umiyak sa taong napakapogi na tulad mo." sabi ko. hindi ko sya matiis eh.

pagka-angat ng ulo nya tinitigan nya muna ako ng mga ilang minutes saka tumayo at yinakap ako.

"i miss you bebe ko." napatulo naman agad ang luha ko dahil sa sinabi nya.

"i miss you too Jaironman." yup, ang taong mahal ko ang kayakap ko ngayon. miss na miss na miss ko talaga tong taong to. "tara, upo muna tayo." dagdag ko.

"ayoko nga." sagot nya. aba, nakakangalay kaya.

"bakit?" tanong ko sa kanya.

"gusto ko ganto muna tayo, namiss kaya kita." sabi nya.

"namiss din kaya kita." tumulo nanaman ang luha ko.

"i love you."

"i love you too, jaironman." sabi ko.

sumabay naman ang pagbuhos ng ulan.

hinalikan nya ang noo ko.

sana ganito nalang kami FOREVER.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry for the long wait, readers! eto na! book 2? may naisip na akong plot. haha. what can you say about this update?

KATHNIEL SA GILID!! HAHA. MISS NYO NA BA SILA? :") HAHA

VOTE & COMMENT GUYS! :)

You're The One (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon