I was sitting on my chair at the back of our classroom when our Class Adviser, Miss Vega, entered the room."Good Morning, everyone." Some of my classmates greeted back but the others didn't give a single fuck. Including me.
Ibinaling ko ulit ang aking atensyon sa labas ng bintana at tinignan ang mga estudyanteng tumatambay sa School Yard, may ibang nagtatawanan, may ibang nagbabasa lang.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may isang makapal na libro ang bumagsak sa table ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Miss Vega. Galit na galit itong nakatingin sa akin.
"Miss Vancov! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig." Bulyaw niya sa akin.
Tinignan ko naman ang mga kaklase ko na nagtatawanan at nagbubulong-bulongan, sinamaan ko sila nang tingin kaya napatigil sila. Ang chachaka niyo, leche!
Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Miss Vega na ngayon ay ang sama-sama na nang tingin sa akin. Kyeme naman akong napangiti.
"I'm sorry, Miss Vega." Paghingi ko nang paumanhin. Bumuntong hininga naman siya.
"Uulitin ko ang sinabi ko kanina Miss Vancov. Pinapatawag ka nang Principal, kaya pumunta ka na sa opisina niya ngayon mismo." Pag-imporma niya sa akin.
Kahit na nagtataka ay tumayo parin ako at kinuha ang bag ko bago agarang lumabas ng classroom at baka mabulyawan pa ako ulit, naririndi pa naman ako sa boses niya. At habang naglalakad sa hallway patungo sa Principal's Office ay iniisip ko ang maaring maging dahilan kung bakit ako ipinatawag.
Damn, baka nalaman nila na ako ang sumira sa mga gamit dun sa Science Lab. Pero imposible, gabi na noong ginawa ko yun kaya alam kong walang nakakita sa akin.
O baka naman ay nalaman nilang ako ang nagvandalize sa pader doon sa Locker Room ng Basketball Team. Pero sure na sure akong walang nakakita sa akin nung oras na iyon.
Habang abala ako sa pag-iisip ng mga dahilan ay nadaanan ko ang classroom ni Britney Perez, Claristine Academy's Miss Barbie Doll. Wait...
Hindi kaya ay may nakakita sa akin noong binasag ko ang headlights ng sasakyan ni Britney? Well, who can blame me? Masyadong masakit sa mata ang kulay ng sasakyan niya. Hot pink.
Ilang sandali pa ay nasa harap na ako nang Principal's Office. Kinatok ko nang tatlong beses ang pintuan tsaka ko iyon binuksan. Nakita ko naman si Mr. Principal na busy sa kakapirma nang mga papeles na nakakalat sa kanyang mesa.
"Good Morning, Sir." Maligayang bati ko sakanya. Tinignan naman niya ako tsaka ako binati pabalik.
"Good Morning, Miss Vancov. Please take a sit." Iminuwestra niya sa akin ang upuan na nasa harapan ng kanyang mesa. Agad naman akong umupo dun.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Miss Vancov. Ipinatawag kita dito dahil nakatanggap kami nang mensahe galing sa Orion Academy." Panimula niya.
YOU ARE READING
When a Mafia Heir Falls Inlove
RomanceLanaya Unique Vancov. Maganda, mayaman, maganda at mayaman ulit. That's how she describes herself. She was a student of Cristaline Academy but for an unknown reason, she was forced to transfer in Orion Academy, a prestigious school for rich brats ju...