Chapter 3

701 28 2
                                    

A/N: First time kong magsulat ng Third Person POV so pasensiya na po if medyo malilito kayo. ^_^ And also, ang mga lugar na babanggitin ko sa story ko ay gawa-gawa ko lamang. So wag niyo nang isipin kung saang lupalop ng Pilipinas matatagpuan ang mga lugar sa story ko. :)
________________________

Third Person POV

Nakatitig lang sa labas ng sasakyan si Lanaya habang umaandar ito. Nababagot siya kaya nililibang nalang niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbilang ng mga punong nadadaanan nila.

Nasa backseat siya habang ang Mommy naman niya ang nakaupo sa passenger seat at sa kabila naman ay ang driver na siyang nagmamaneho ng sasakyan nila.

Isang linggo narin ang lumipas simula noong pagtatalo nila nang Mommy niya sa kanilang garden. Today is Sunday at noong Monday pa dapat siya pumunta sa Orion Academy, pero sa loob ng anim na araw na nagdaan ay sinubukan niyang kumbinsihin ulit ang Mommy niya na sa ibang school nalang siya ilipat, pero kahit anong pagkumbinsi ang ginawa niya ay hindi parin natinag ang Mommy niya.

Kaya ito nga, tinatahak na nila ang daan patungo sa Orion Academy. It's a three-hours drive away from their Mansion. Nakatira siya sa isang syudad na nagngangalang Amantra, at ang Orion Academy naman ay nasa isang kilalang syudad, ang Desh City.

Isang oras narin ang lumipas simula nang lumisan sila sa kanilang Mansion at may dalawang oras pa ang natitira bago sila makakarating sa Orion Academy. Sumulyap siya sa wristwatch niya at nakitang 11:43am na at nakakaramdam na siya ng gutom. Binalingan niya ng tingin ang Mommy niya at tsaka niya ito kinausap.

"Mommy, pwedeng dumaan muna tayo sa isang mall or restaurant man lang? I'm hungry." She childishly whined at her Mother. At dahil nakakaramdam narin naman ng gutom ang Mommy niya ay inutusan nito ang driver nila na maghanap ng isang mall o restaurant.

Hindi nagtagal ay nakahanap nang isang hindi kalakihang mall ang kanilang driver kaya tinungo nila iyon at tsaka pinark sa parking lot na nasa harap lang ng mall.

Nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Lanaya dahil nananakit narin ang puwet niya dahil sa isang oras na pagkakaupo sa sasakyan. Bumaba narin ang Mommy niya at binalingan ang kanilang driver.

"Manong Eddie, ito po." Sabay bigay nang isang libo kay Manong Eddie, ang driver nila. "Kumain na rin po kayo. Tatawagan na lang kita pag-aalis na tayo." Dagdag pa ng Mommy ni Lanaya.

"Sige po, Ma'am. Salamat po." Pagpapasalamat ni Manong Eddie.

Pagkatapos ay naglakad na sina Lanaya at ang Mommy niya papasok ng Mall. At habang naglalakad ay ramdam na ramdam naman nila ang titig ng mga tao, mapababae man o lalake. Kung titignan sila Lanaya at ang Mommy niya ay hindi mo masasabing mag-ina sila. They're both pretty, sexy, and very elegant. They walk as if they own the Mall, parang mga beauty queen na rumarampa lang.

When a Mafia Heir Falls InloveWhere stories live. Discover now