(A/N: Sorry for the super duper late update. Sobrang busy lang talaga.)
________________________
Morta.
As far as I know, she is a Roman Goddess. The Goddess who is responsible for Pain and Death. She warns in advance of the pain or death about to be endured.
Maybe that's the reason kung bakit Morta ang ginamit niyang codename. She's warning me, or more like threatening me.
It's already 6am pero hindi pa rin ako makatulog. Simula kahapon ay hindi ko maalis sa isip ko ang natanggap ko galing dun sa Mortang iyon. Kahit na masarap ang mga pagkaing niluto ni Nori kahapon ay tinakasan ako ng ganang kumain.
I shouldn't give a fuck, I know. But, I have this nagging feeling that something bad is about to happen.
And some of my presentiments before were never wrong.
But the question is, who the fuck is Morta? One of Kingric's obsessed fan girls? For sure marami sila so mahihirapan akong alamin kung sino si Morta.
Muli kong inalala ang nakasulat sa letter.
'Stay away from Kingric.' Duh! Kailan ko ba nilapitan si Kingric? Kainis ha.
'Touch what's mine.' At kailan ko hinawakan si Kingric ha? Mag bibigay na nga lang ng babala, mali pa. Tsk.
At yung picture rin. Kung titignan ko iyon ay nangingilabot ako. Alam kong hindi dugo yung malapot na red liquid na nasa picture pero nakakakilabot tignan. It's like Morta is telling me that I'll become that bloody kapag hindi ko papansinin ang warning niya.
Nakatanggap na rin naman ako ng mga death threats noon. Galing sa mga babaeng naiinggit sa kagandahan ko, mga babaeng iniwan ng boyfriend nila para sa akin, at mga babaeng walang magawa sa boring nilang buhay.
Pero may iba talaga dito sa Morta na'to.
Hays. I better stop stressing about Morta's threat. Baka paranoid lang ako masyado at baka nanggaling lang yung gift box sa taong trip lang manakot.
Tumayo ako galing sa kama at lumabas ng bedroom ko at naglakad papunta sa CR.
Napag-usapan namin nina Jodrick na mag agahan sa isang sikat na restaurant dito sa Desh City tapos ay ito-tour nila ako sa ibang pasyalan dito.
Naligo na ako at pagkatapos ay pumili ng damit na sosuotin. Isang simpleng off shoulder blouse na kulay white at black ripped jeans ang sinuot ko. Sinuot ko rin ang White high top shoes na binili ko noon sa Amantra.
Busy ako sa pagsusuklay sa maitim kong buhok na umabot hanggang baywang nang tumunog ang doorbell ng dorm room ko.
Agaran kong pinuntahan ang pintuan at binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha nina Jodrick, Nori at Jade.
"Good Morning, girl. Ready?" Tanong ni Jade.
"Yup, I'll just get my bag." Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang bag na nakapatong sa Vanity Table.
"Okay! Let's go." Yaya ko sakanila. Isinara ko ang pinto ng dorm room ko at naglakad kami sa pasilyo.
Inilibot ko ang tingin ko sa pasilyo at may hinahanap.
"May CCTV ba dito sa dorm?" Tanong ko sakanila.
"Oo naman. Ayun oh" Sabay turo ni Nori sa mga CCTV na nakasabit sa ceiling. Then good, may malapit na CCTV sa room ko, baka may narecord kung sino ang naglagay nung gift box.
YOU ARE READING
When a Mafia Heir Falls Inlove
RomanceLanaya Unique Vancov. Maganda, mayaman, maganda at mayaman ulit. That's how she describes herself. She was a student of Cristaline Academy but for an unknown reason, she was forced to transfer in Orion Academy, a prestigious school for rich brats ju...