Chapter 12

631 26 34
                                    

The first thing I felt after I opened my eyes is the sharp throbbing at the back of my head.

Parang may martilyong pumupokpok dito. Hindi ko rin maiwasang maramdaman ang sakit sa siko ko.

"She's awake!" Isang matinis na boses ang biglang sumigaw. Holy shit! Mas lalo atang sumakit ang ulo ko.

"Lanaya, how do you feel?" Tanong ni Nori at hinawakan ang pisngi ko.

To be honest? I feel like shit.

Biglang nagsidatingan sina Shairelle, Jodrick, Jade at Queenry galing sa kung saan at pinalibutan ako sa kung saan man ako nakahiga, na sa hula ko ay sa isang hospital bed, may tube kasing nakatusok sa kamay ko, ewan kung anong tawag dun.

"May masakit pa ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Shairelle. Ba't nandito tong bruhang ito?

"Ikaw kaya ang sagasaan ko? Tignan natin kung hindi ba sasakit ang katawan mo." I sarcastically said with a hoarse voice.

"Na admit na nga sa hospital, nagmamaldita pa rin. And wag kang feeling, hindi ka nasagasaan, muntikan lang. Nahimatay ka lang dahil sa shock at sakit kanina." Ngumisi naman ng malaki si Queenry. "Hahayaan ba naman ni Kuya na masagasaan ka?" She said dreamily at sabay sabay naman silang tumili lahat. Oo, LAHAT, kasama na si Shairelle. Akala ko ba girlfriend ni Kingric 'to?

"My God! Ang hirap magpigil ng kilig kanina lalo na't bilang isang kaibigan, dapat pag-aalala ang maramdaman ko. Pero wala eh, ang galing magpaka knight in shining leather jacket ni Kingric kanina." At naghampasan sila sa harap ko sa pangunguna nung malanding si Jodrick.

"Shut up, bitches! Mas lalong lumalala ang sakit ng ulo ko." Bigla naman silang nagsitahimikan. "Tulungan niyo nga akong umupo." Inalalayan naman ako nina Jade at Nori. At nung makaupo na ako ay saka ko lang napansin na nasa isang napakagandang room ako.

"Where am I?" Naguguluhang tanong ko. Hindi mukhang hospital room itong kwartong 'to. Mas mukha pa itong hotel room.

"Isa sa mga hospital na pagmamay-ari ng pamilya namin." Ani Queenry. School, Mall, Hospital. Ano pa ba ang pagmamay-ari ng pamilyang Morretti?

"Ang engrande diba?" Tanong ni Shairelle. Then she continued, "Huwag ka ng magtaka, ayaw ni Kingric na sa simpleng kwarto ang paglagyan mo, dito talaga sa VVIP room."

Naalala ko naman iyong sinabi ni Queenry kanina. Hindi ako nasagasaan? Then that explains the force I felt bago ako nawalan ng malay, hindi ko naramdaman ang pagbangga nung sasakyan sa akin, nasaktan lang ako nung may tumulak sa akin at malakas akong napabagsak sa sahig.

"Si Kingric ba yung tumulak sa akin kanina?" Tanong ko sakanila. Alam kong sinabi na nila kanina na si Kingric nga ang sumagip sa akin, pero gusto ko lang ma-confirm ulit. Wala lang...naninigurado lang.

"Gustong ipaulit oh." Sabay sundot ni Queenry sa tagiliran ko. "Hindi makamove-on sa kilig ha? Lanaya?"

"Gaga, nagtanong lang ako, wag mong lagyan ng malisya."

"Hmmm. Sabi mo eh." At ngumisi na naman siya.

So Kingric really did saved me. I feel kinda..elated. Oh God, Lanaya! kalma ka lang. Muntik na ngang masagasaan, nasiyahan ka pa.

"Tell him I said thank you." Baling ko kay Shairelle na mukhang nagtaka sa sinabi ko.

"Nagkabukol ka lang naman at maliit na gasgas sa siko, hindi nasira ang lalamunan mo. Kaya ikaw ang magpasalamat sakanya. Sabi niya.

When a Mafia Heir Falls InloveWhere stories live. Discover now