Habang nagtuturo ang isang guro namin sa harap ay napapansin ko ang mga kaklase kong titig na titig sa wall clock na nasa itaas ng white board.Dahil siguro bored sila sa tinuturo ng teacher namin na sobrang bagal magsalita kaya nakaantok talaga, or dahil excited sila sa PE Class namin and I don't know why.
Nilingon ko sa likod si Jodrick na nakangiti habang nakatitig sa wall clock. Okay, what's up with them?
Biglang tumunog ang bell bilang hudyat ng pagtatapos ng period at PE time na namin. Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at agad tumakbo palabas ng room na siyang ipinagtataka ko.
"Bilis mga bruha, magbihis na tayo." Pag-aaya ni Jodrick sa amin na parang atat na atat naring umalis sa classroom.
"Okay? What's with you guys? Ba't parang excited kayo?" Sabay silang lumingon sa akin na nakangiti.
"Well bago ka pa lang kaya hindi mo alam. Every PE time kasi ay magsasama ang G12-A, B and C. Kaya excited ang mga kaklase natin, especially girls, dahil makakasama natin sina Kingric, Vince and Rui." Pagpapaliwanag ni Nori. So they're not excited about the activity, they're excited to see those handsome guys.
"Tumpak girl, kaya bilis na Lanaya, at nang masilayan mo na ang Daddy Kingric mo." Panunudyo ni Jodrick na ikinatawa nina Nori at Jade. Umiwas naman ako ng tingin.
Kanina pa nila ako tinutukso kay Kingric dahil dun sa nangyari sa Library kanina. Kahit nag gagalit-galitan na ako, hindi parin nila ako tinigilan.
"Tsk. Stop teasing me, will you?" Asik ko sakanya.
"Bakit? Kinikilig ka?" Ani Jade.
"Bakit naman ako kikiligin? Di ko siya gusto." Napangisi naman sila.
"Di daw gusto, pero hindi makatingin ng diretso." Sabi ni Jodrick.
"Di daw gusto, pero kinakabahan at nauutal pa." Dagdag ni Jade.
"Di daw gusto, pero parang maamong tupa pag kaharap si Kingric." At si Nori naman yun. Hindi makapaniwalang tinignan ko sila.
"Seriously, di ko siya gusto okay? I was just.... " Hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko. Walang pumapasok sa isip ko.
"Ano? Ha? You're just?" Tinignan ko ng masama si Jodrick at inirapan.
"Akala ko ba nagmamadali ka? Bakit ka pa nang-iintriga?" Sabi ko at nauna nang naglakad palabas ng classroom.
"Uuuy. Iba na yan, Lanaya." Tukso ni Nori pero hindi ko na pinansin. Dumiretso na ako sa CR para makapagbihis, nakasunod naman sila sa akin. Kinuha ko kanina sa dorm room ko ang PE uniform ko nung sinabihan ako ni Nori na PE ang huling klase namin ngayon at may activity kami.
Kulay maroon ang t-shirt na may kulay white na lines sa gilid. Ang shorts naman ay kulay black at medyo may kaiklian ito. Sinuot ko ang t-shirt pati na rin ang shorts at tinupi ang school uniform ko at nilagay ito sa paper bag. Sinuot ko narin ang dinala kong Nike shoes na kulay black.
Inayos ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko dahil medyo magulo na ito. Lumabas na sina Nori at Jade sa cubicle na tapos narin sa pagbihis.
"Anong activity pala ang gagawin natin ngayon?" Tanong ko sakanila.
"Volleyball for girls and Soccer for boys." Sagot ni Nori.
"Section vs Section ba?" Umiling naman si Jade.
"Hahatiin tayo lahat sa dalawang grupo. At yun ang maglalaban-laban." Tumango ako sa sagot niya.
Pagkatapos namin ay lumabas na kami sa CR at nakita si Jodrick na naghihintay sa labas. Sabay kaming naglakad papunta sa Soccer Field kung saan gaganapin ang PE activity.
YOU ARE READING
When a Mafia Heir Falls Inlove
RomanceLanaya Unique Vancov. Maganda, mayaman, maganda at mayaman ulit. That's how she describes herself. She was a student of Cristaline Academy but for an unknown reason, she was forced to transfer in Orion Academy, a prestigious school for rich brats ju...