LANAYA'S POVNagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko, nung binuksan ko ang aking mga mata ay nakita ko si Mommy na nasa labas ng sasakyan at mukhang kanina pa niya ako sinusubakang gising, nakabukas ang bintana sa gilid ko kaya dun niya nilusot ang kamay niya at tsaka ako niyugyog.
"Wake up, Lanaya. We're here." Sabi ni Mommy sa'kin nung nakita niyang gising na ako.
Tinignan ko ang aking relo at nakita kong 3:45pm na. Ala'una y medya na nung umalis kami sa Mall so ibig sabihin ay dalawang oras pa kaming bumyahe papunta rito sa Orion Academy.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas doon, napangiwi naman ako sa sakit na naramdaman ko nung tinapak ko ang kaliwang paa ko sa sahig.
'Bwisit! Mukhang namamaga pa ata ang kaliwang paa ko dahil sa paglagapak ko sa sahig ng mall kanina. Lagot talaga sa akin iyong gag*ng iyon pa nagkita kami ulit.' Galit na saad ko sa aking isipan.
Mukhang napansin ata ni Mommy na ngumingiwi ako kaya tinanong niya ako.
"What's wrong, Lana?" Tinignan niya ang aking kaliwang paa na hindi ko tinatapak sa sahig, so bale yung kanang paa ko lang ang ginamit ko para makatayo ako.
"My left foot hurts. I fell on the floor earlier doon sa Mall. Hindi naman 'to masyadong masakit kanina, pero namamaga ata." Hinawakan niya ang braso ko para matulungan akong ibalanse ang sarili ko sa pagkakatayo.
"Sana sinabi mo kanina para nalagyan natin ng yelo. Pero di bale na, nandito narin naman tayo sa Orion Academy, gagamutin nalang natin 'yan sa dorm room mo." Nang sinabi ni Mommy 'yon ay napaangat ako ng tingin at tsaka nabigla ako sa nakitang napakalaking building sa harap namin. Hula ko ay may pitong palapag ang building. Dormitory ito ng Orion Academy? Ang sosyal ha, European-style ang building, kung titingnan ay para itong Mini Castle. Napatingin naman ako sa likod namin at nakita kong may isang building ang nandun. Gaya ng unang building na nakita ko ay may pitong palapag din itong building na ito. At may nakita pa akong isang building na may apat na palapag lang, napapagitnaan ito nung dalawang naglalakihang mga building.
So bale, may isang building sa West side na may pitong palapag. Sa East side naman ay ang isa ring malaking building na may pitong palapag din. Sa North side naman ay yung building na may apat na palapag lang. Sa South side naman makikita ang napakalaking gate na may nakasulat na 'Orion Academy Dormitory'.
(A/n: I'm not really good at describing places or things. So tignan you nalang ang picture below. I'm not the owner of that picture, I just posted that for imagination purposes, chos. Hanuudaw? So paki-imagine nalang na ganyan ang itsura ng Dormitory. Credits to the owner of the picture.)
YOU ARE READING
When a Mafia Heir Falls Inlove
RomantikLanaya Unique Vancov. Maganda, mayaman, maganda at mayaman ulit. That's how she describes herself. She was a student of Cristaline Academy but for an unknown reason, she was forced to transfer in Orion Academy, a prestigious school for rich brats ju...