(A/n: Hello po, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumasa at nagvote sa story ko, especially kina LuhansAnae at @CaitlynPrecious_6401. Nakaka GV po yung mga comments niyo. Maraming salamat sa pagsuporta. Mwuaaah)
__________________________I am standing awkwardly in front of the classroom, facing my classmates who are looking at me with curiosity and admiration. That's right, admire my beauty, you fools.
Nakita ko sila Jodrick at Jade na nakaupo sa likurang bahagi ng classroom at kumakaway sa akin na parang baliw. Two-students desk ang gamit ng school, kaya bawat isang desk ay dalawa kayong gumagamit ng katabi mo, at magkatabi naman sila Jodrick at Jade.
"Okay students, listen! We have a transfer student who'll be joining our class starting today." Pag-aanunsyo ni Mrs. Morgan. Ang magiging class adviser ko. Tumingin naman siya sa akin at matamis akong nginitian. "Miss Vancov, please introduce yourself to your classmates." At iminuwestra niya ang mga kaklase kong nag-aabang na magpakilala ako.
I sighed at ginawaran sila ng napakagandang ngiti na nakakapanlaglag boxers at briefs.
"Hello Everyone. My name is Lanaya Unique Vancov, 18 y/o and I came from the City of Amantra." Pagpapakilala ko. May isang chinitong lalake naman ang nagtaas ng kamay niya.
"Yes, Mr. Fuentes? May gusto ka bang itanong kay Miss Vancov?" Nakangiti namang tumango yung chinitong lalake at tumayo.
"Are you single?" Straight to the point niyang tanong.
"Depende kung duling ka at dobleng 'ako' ang nakikita mo." Sabi ko sa isip ko, pero dahil kailangan kong magpakabait gaya ng sabi ni Mommy, matamis ko siyang ningitian.
"Yes, I am." Nakipag-apir naman siya sa katabi niyang lalake at masayang umupo. Napansin ko naman na todo kung makangiti nung ibang lalake kong kaklase, habang ang ibang babae naman ay nakasimangot at masamang nakatingin sa akin. Ha! Patayin niyo man ako sa inyong mga tingin, ako'y mas maganda parin.
"Okay, Miss Vancov. Umupo kana sa assigned seat mo katabi si Miss Altiera." Nagtaas naman ng kamay yung isang magandang babaeng naka eyeglasses na nakaupo sa harapan nila Jade at Jodrick. Naglakad naman ako palakad dun at ng malapit na ako ay narinig ko ang mahinang tawa nila Jade.
"Aba, ba't naging anghel ka ata bigla, Lanaya? E kung makamura ka nga kanina ay daig mo pa ang isang pirata." Mahina at natatawa niyang sabi. Pasimple lang akong umirap sakanya at umupo na sa tabi nung babaeng naka eyeglasses.
"Hi. I'm Norivic Altiera, but you can call me Nori. You're very pretty." Mahinhing pagpapakilala ni Nori sa akin at inilahad ang kamay para makipag handshake. Inabot ko naman ang kamay ko at nginitian din siya.
"It's nice to meet you, Nori. And thank you for the compliment. Maganda ka rin naman." I told her. Nakita ko naman siyang nagblush. Mahinhin, mahiyain at mukhang mabait. Yan agad ang napansin ko sakanya. Maganda din siya, nakakapagdagdag ng kagandahan niya ang pagiging simple niya. No make-up, not even accessories. A Good Girl.
"Bakit kapag ikaw ang pumupuri, ang hirap paniwalaan?" Mahinang tanong ni Jade mula sa likuran. Nagtawanan naman sila ni Jodrick.
"Shut up, Crazy Jade." Mahina kong sita sakanya.
Ibinaling ko naman ang tingin ko sa harap at nakinig kay Mrs. Morgan. Physics ang tinuturo niya at naboboringan ako.
Ilang sandali pa ay napatigil sa pagtuturo si Mrs. Morgan nang may kumatok sa pinto. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang napakagwapong lalake. Rinig ko ang singhapan at mahinang tilian ng mga mahaharot kong kaklase, kasama na dun sina Jade at Jodrick, at oo, kasali na rin ako. Sino ba naman ang hindi mapapasinghap sa gwapo at nakakapanlaglag pangang nilalang na nasa harap?
YOU ARE READING
When a Mafia Heir Falls Inlove
RomanceLanaya Unique Vancov. Maganda, mayaman, maganda at mayaman ulit. That's how she describes herself. She was a student of Cristaline Academy but for an unknown reason, she was forced to transfer in Orion Academy, a prestigious school for rich brats ju...