You Are My Dream -- Thirteen

392 20 3
                                    

DEDICATED SA LAHAT NG NAGMAMAHAL SA AKIN AT KAY RANZ.. OSIGE KAY RANZ LANG! HAHAH

Ranz’ POV

Grabe sobrang pagod ako. Feeling na damang dama ko yung lambot ng kama ko ngayon. Pero okay lang atleast may maganda na naman kaming dance number na maipapakita sa mga fans namin sa Cebu. Nakaka excite tuloy.  Kinuha ko yung phone ko sa bag, at kahit patang pata na ang kawatan ko magtutwitter muna ako. Luh, mahal ko mga Ranzster. ;)

Got home. Very tiring day for me. How are u sweethearts? :)

 

58 new interactions..

Eto yung nakakatuwa, ang bilis magrespond ng mga sweethearts ko. Nakakataba talaga ng puso. Sinubukan kong replyan yung iba. Mga naka 29 replies naman siguro yung nagawa ko.

Nagtweet din si CAV.

Finished with our dance number. Good Eve :)

Pati si Owy, online din agad.

Nagccrave ako sa lechon! Makapunta nga sa Cebu. hahah

Parang ewan si Owy. Lakas ng trip. Pero tama sya. Takte parang pati ako din gusto ko na din ng lechon. Tss. Nagugutom na tuloy ako.

Tok.. tok..

“Sino yan?” sabi ko pero di ko tinitignan, nagrereply ako sa mga tweets sa akin eh.

“Kuya we will eat na daw..” boses pa lang alam na. Super cute talaga nitong baby ko.

“Yeah sige sunod na si Kuya baby. Palit lang ako ah.” I gave her a smile. She nodded as a respond.

Pagkatapos naming mag dinner, nagpahinga lang muna ako, soundtrip tas di ko namalayan sa sobrang pagod, nakatulog na ako.

 

“Ranz, are you willing to give me a chance?” nakatingin kami sa isa’t isa. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Maddie, ito yung pinaka ayaw ko sa lahat. Gagawin ko ang lahat mapalitan lang ng happiness yun. Pero..

“Maddie, masakit pa din..” oo, tinawag ko sya sa pangalan nya. Kahit na “Chuchu” ang gustong gustong lumabas sa bibig ko.

Maddie? Ha ha..” tumawa sya ng mapait. “..wala namang iba sa pangalan ko pero iba ang nararamdaman ko pag binabanggit mo ito. Ang sarap sa pakiramdam pero biglang mawawala yung saya dahil alam kong masama ang loob sa akin.. dahil nasaktan kita..” yumuko sya.

Di ko alam ang isasagot ko. Nasspeechless ako. Ano ba ‘to.

Inangat nya muli ang kanyang ulo at muling tumingin sa akin. Nakangiti na sya.

Okay lang, hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para bumalik yung dating tayo. Yung TAYO, three years ago..Tatanggapin ko ito bilang challenge. At hinding hindi NA ako susuko tulad ng ginawa mo sa akin dati. ” pinipilit nyang ngumiti alam ko, dahil iba ang sinasabi ng mata nya.  Pero natutuwa ako dahil ang tapang tapang nya na talaga ngayon. That’s my girl..

 

 

----

“Kuyaaa… kuyaaaaa…. Wake up naaaaa” ahhh! Sino ba ‘tong sumisira sa maganda kong panaginip.

“Cmon kuyaaaa today na ang alis nyo.. You wake up na sabi ni Dad.” Patuloy lang sya pag yugyog sa akin.

Dumilat na ako, at tinignan kung sino ang nang gigising sa akin.

“Yey!! Nagising din si Kuya. Good morning.” Hinallikan nya ako. Pampa goodvibes talaga tong si Niana,

“Good morning din. :)” sagot ko sa kanya, kiniss ko din sya sa cheeks.

“Mag tuch brush ka na kuya..” hahaha. Medyo buyoy!

 

“Okay baby..”

Stretch stretch muna bago mag tooth brush.

Napatingin ako sa salamin, nagulat ako. Grabe.. ANG GWAPO KO TALAGA. Hahaha joke lang makapag toothbrush na nga. Baka ma bash pa ako nito eh.

@ Airport.

Habang nasa byahe kami kanina papunta ng dito, hindi mawala sa isip ko yung napanigipan ko. Tinanong pa nga ako ni Dad kung bakit daw? Kung may problema daw ba ako. Syempre wala akong sinabi. Wala naman talagang problema, go with the flow lang naman ako sa mga nangyayari. Pero nakakatuwa talaga yung sa panaginip ko. Akalain mong sasabihin ni Maddie yun. Sana sa totoong buhay kaya nya din talagang sabihin yun.

 “Boys! Let’s go inside. Tinatawag na tayo..” sabi ni Dad sa amin.

Tumayo na kami at inayos yung mga dala namin. 

“Oh hon, we’ll go na ha. Ikaw na ang bahala sa mga bata. Ako naman dito kay Ranz. You take care okay.” Kasama nga pala naghatid dito sa airport si Mommy at Niana.

“No problem. Kayo din, ang pasalubong naming wag kakalimutan ah. Haha”

“Sure mommy, kaming bahala ni Dad. Diba dad?” nag thumbs up naman sa akin si Dad.

Lumapit si Niana sa akin. “Kuya, don’t forget to buy a new teddy bear for me ha? Or anything na lang from Cebu. I’ll miss you. Take Care! Mwa”

“Of course baby, di ko makakalimutan.”

“Hon,  good news nga pala.. tumawag na sya sa akin.. Mag meet daw kami ngayon. Mukhang may balak na syang umoo sa atin.”

 

“That’s great, sige. Kumbinsihin mo para makapasok na sya sa atin.”

“Yeah, ako ng bahala..”

At ano naman tong pinag-uusapan ng parents ko? Oy di ako chismoso.. curious lang… promise.

“Okay then, we’ll go ahead na.. Let’s go Ranz..”

Kumaway muna kami kina Mommy bago tuluyang pumasok sa loob..  Nauna na pala sina Cav. Mga atat. Hahaha.

Medyo na eexcite na din ako.

Cebu, here we come!!!! hahaha

----

COMMENT? :)

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon