You Are My Dream -- Sixteen

313 20 2
                                    

Nasakit na yung bibig at nauuhaw na din ako. Natuyo na ata yung ininom ko kanina. Mag iisang oras na siguro kaming nagdadaldalan nitong si Cherry.

Madaldal pa sya kay Camille. Swear! Peace bestfriend! :D

Nanggaling kami kanina sa school nila at naka pag enroll na sila. After nun, they decided na dumaan muna dito sa mall. Mag ggrocery kasi muna sina Tita Elcyd at naiwan kami ni Cherry na magkasama and yun kumain kami dito sa BonChon.

"Ah ate. Make kwento naman bout yourself." bira na naman nya. Sabi sa inyo non-stop to eh.

So nag start na akong mag share sa kanya ng pang MMK kong storya. Chot!

"Wala medyo boring life ko eh. I can't think of something na medyo fun na pwede kong ikwento." -___-"

"Ay ganun, how bout your high school life. I'm sure mehwrong fun happenings nun. Kasi deebuh they said, HS Life is the best.. hihi"

bungisngis nya. ;-) maarte din magzalita ang batang to. Pansin nyo? lol

"Saan mo naman nalaman yun? haha"

"Saw it on Twitter ^___^"

Pareho kaming natawa.

Bigla akong napa isip . High school memories?

RANZ..

=_____=

Luh!! Eh bat naman sya yung unang nag pop up sa isip ko. 

(Eh kasi ang laki ng role nya sa High school life mo. NKKLK! Forgot mo na teh?!)

Grabe ka naman Author!! Berry peynful naman!

Sigawan ba ako?

(Echos lang matampuhin mo naman. Teka tawagin ko na nga si Ranz.. ayieee)

Ehhhh wag naman. Nahihiya ako. Pero on the second thought. Sige na nga tawagin mo nasya ng matuwa na mga readers mo!

"Ah ate sino kausap mo?" tanong ni Cherry na mukhang naweweirdohan ata sa akin.

I snap back in the reality. Kaloka tong si Allie, baka isipin nung bata, may sapak ako.

"Nako, wala.. ah yung tungkol sa tanong mo nga pala kanina.. HS Memories? hmmm.. masaya naman. May bestfriend ako tapos hanggang nagyon bff pa din kami.. Tapos.." may taong biglang umepal sa buhay ko na semi somehow eh naging hero ko dahil sinave nya ako sa makulit na si Chris.

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon