You Are My Dream -- Three

1.5K 42 8
                                    

CHAPTER THREE

PLANE TICKET TO THE PHILIPPINES

PLANE TICKET TO THE PHILIPPINES

PLANE TICKET TO THE PHILIPPINES

PLANE TICKET TO THE PHILIPPINES

Teka, OO na plane ticket na nga. OO, para namang sirang plaka eh. Paulit-ulit.

Anyways, Ibig sabihin uuwi na ako sa Pinas?

Makikita ko na si Camille. sina CAV at lalong lalo na si RANZ.

Magkikita na ulit kami.

Huy! Anak natulala ka na dyan!” at napailing ako at bumalik sa reyalidad.

“Ma!!!! Waaaaaahhhh!” nagtatalon ako, gosh! Sobra akong natutuwa. Makakabalik na ako sa bayang aking sinalangan. Hahaha kidding aside, Masaya talaga ako. Miss na miss ko na ang Pilipinas. Pati mga taong naiwan ko.

“Nak! Kalma lang. Inhale… exhale.. yan ganyan..” ako naman sinusunod sila, parang uto-uto. “oh ano Nak, natutuwa ka ba sa surprise namin?” nako hindi lang ako natutuwa, tuwang-tuwa pa. Mas bet ko ‘to kesa sa iPhone!!

“Opo Papa supeeeeerrr! Thank youuuuu!”

“You’re welcome anak, pansin kasi namin super miss mo na ang Pinas eh. Kaya naisipan namin ng Mama mo na umuwi ka na muna sa Pilipinas.”

“Ano po? Ako lang po ang uuwi?” teka, anong ako lang. ngakkk

“Yes. Dito lang kami ng Mama mo. Pinagbabakasyon ka namin. Tsaka gusto mo bang sumama pa kami sayo eh matanda ka na.”

“..at kung sasama man kami, babantayan ka lang namin dun. Di ka makakagala sige ka hahhaha” sabi ni Mama.

Oo nga nuh. Hahaha yes!! Freeeedom.

The Best gift ever ‘to. Kaya pala medyo natutuwa ako na kinakabahan na ewan. Eto pala yun.

“Osya osya, tara at kumain muna tayo sa labas.” – Papa

Kwentuhan kami ng kwentuhan nina Mama,habang kumakain. Madami din kaming nakikita na fellow graduates ko. Kitang-kita ang saya sa aming lahat. =D

“Oh ikaw bata ka ah. Mag-iingat ka sa Pilipinas, wag puro lakwatsa okay?” – Mama

“Opo ma. Ay teka saan po ako titira dun?”

“Hmm.. pwede kang sa hotel muna mag stay..”

“Pero medyo mahal yun ah..”

“Nak, okay lang napaghandaan na naming yan. Tsaka kung sakaling ubos na ang pera mo edi sa kalye ka na lang tumira… de joke lang” susme. Si Mama. Puro kalokahan. Ayayyayy!

“Hayyy nako Mama. Kumain na nga lang tayo. Hahha”

“Ay Maddie, tama yan. Pakainin mo na nga lang yang Mama. Ang daldal masyado eh.. joke lang honey.. heheh” atras si Papa eh. Binigyan ba naman ni Mama ng famous death glare. Tiklop. =)))

Bali next week na ang uwi ko sa Pinas. Mygawd super excited na ako. Huhuhu lalala. Pag-uwi namin sa bahay ay nag-online kagad ako sakto naman at online si Camille. Binalita ko sa kanya na uuwi na ako. At ang loka! Mas excited pa sa akin. Ngayon pa lang daw pupunta na sya sa airport. Hahaha

Sinabi ko din sa kanya na huwag ipapaalam sa iba. Gusto ko kasi isurprise din sila eh.

HeyItsCamz: super excited na akong umuwi ka. Makikita na din kita. Miss na kita girl!!!

MaddieCutie: ako din eh!! Miss u too.

HeyItsCamz: sana Thursday na para masundo na kita..

MaddieCutie: kalma lang. konting tumbling na lang yun noh. TIgnan mo sa sobrang bilis ng oras, di mo mapapansin magkasama na tayo. :D

HeyItsCamz: Yeahhh right!!! See you soon girlll :””>

Totoo nga, sobrang bilis nang oras. Nakasakay na ako ngayon sa eroplano at ilang oras na lang makakatapak na uli ako sa bayan ni Juan dela Cruz!!! 

Natulog na lang muna ako. Para may energy ako mamaya. Mga 4 pm ang dating ko eh.

Good Afternoon passengers. We are now in the Philippines. Get ready.

Nagising ako ng marinig ko yun. Sakto. Napatigin ako sa may bintana at positive nasa Pilipinas na ako. MABUHAY!!!!

Nag check-in muna ako ng mga gamit. At tinext ko na si Camille.

Paglabas ko pa lang ng airport ay nakita ko na ang napakaputi kong bestfriend!!

“Waaaaaaaahhh Maria Nadineeeee! I Missssss youuuuuuu!!!!” sabi ni Camille habang papalapit sa akin. Parang bata lang na nakakita ng ice cream kung makatakbo. 

“I miss you tooooo. How are you girl?” umalis sya sa pagkakayakap naming at tinitigan ako ng masama. Oh anong nagawa ko?

“Langya! Nag Guam ka lang englisera na teh?.. aray!” binatukan ko. Loka na naman eh.

“Malamang, English salita dun eh. Ano gusto mong makasanayan kong salita? Ilonggo? Hahhaa”

“Joke lang naman. Hahha ay basta miss you so much!!”

“Ako din! Yaaaayyyyy madami tayong kwento sa isa’t isa. Sa wakas makakapag-usap na tayo ng harapan.

“Tama. Tara na!”

Paglabas namin nandun na yung sasakyan ni Camille. Nga pala 18 na sya kaya pwede na syang mag drive hehehe. Ako mag 18 pa lang sa December. Mas gurang sya sa akin eh. =)))))

“Hoy bruha! Saan tayo?” tanong nya habang focus pa din sa pagdadrive. Nuxx sabugan ng confetti, ito ang tunay na driver!

“Sa hotel ako mag stay eh. Pili ka na lang pwede kong pag check-in-an.” Umoo naman sya. Sya na daw bahala. Tinitignan ko ang paligid, totoo nga. Nasa Pilipinas na nga talaga ako. Kala ko imposible nang makauwi ako ditto dati eh. Magkakatotoo pala. Thank you Lord!

Pagdating naming sa hotel ay dumaretso na kagad ako sa kama.

Nagpahinga na kagad ako, hinayaan ko na lang muna si Camille. Pagod ako sa byahe eh. Kalukey.

Okay, time to rest. Goodnight!

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon