You Are My Dream -- Twelve

678 36 13
                                    

You want Update? I'll give you update! lol taray ng peg. =))

Maddie’s POV

Nag-file na ako ng resignation form ko. Hinihintay ko na lang yung approval.

“Maddie, tawag ka.” Sabi ni Tin.

“Okay, sige thanks.”

Dumarecho ako sa office ni Tita; The Manager

“Sure ka na ba sa desisyon mo Iha?” bungad nya sa akin, umupo ako. Kahit hindi nya naman sinasabi hehe.

“Yup Tita, honestly na stress na po talaga ako ayoko lang magsalita sa inyo, nahihiya po ako eh.”

“Okay Iha, I see. Here, I already signed it. Pasensya na nga pala last time. Napagalitan kita, sobrang dami kasi ng trabaho nagkaloko loko na..” tumayo si Tita at lumapit sa akin, hinawakan nya ang aking kamay.

“Okay lang po yun. Atsaka ayoko naman pong isipin nung iba na bias kayo sa’kin dahil anak ako ng kaibigan nyo..”

“Ang bait mo talaga Iha. Oh bago pa tayo magkaiyakan dito eh aalis na muna ako. Yung sweldo kunin mo na lang kay Cyndi.” Sabi ni Tita. “oh eto tanggapin mo..”

“Nako Tita, ano ba yan wag na po. Nakakahiya na nga po eh, Wag na po.” Binibigyan pa kasi ako ng pera, sobrang nakakahiya naman na.

“Iha, ano ka ba regalo ko na lang yan sayo ang bait bait mong bata eh. Wag mo ng tanggihan pa, para namang di ko kaibigan ang mama mo oh. Kaw talaga, osya eto, itago mo na ‘to ah.”

Wala na akong nagawa kundi tanggapin, eh halos isaksak na ni Tita sa kamay ko eh.

“Thanks po :)”

Niyakap nya ako at syempre niyakap ko din si Tita, pagkatapos nun ay umalis na sya. May pupuntahan pa daw kasi sya eh.

Naglalakad ako ngayon pauwi. Feel na feel ko talaga ang paglalakad hmm.. lakas maka teleserye eh. =)

Okay, wala na akong trabaho. Paano na ako nito? Well, pwede pa naman akong mabuhay dahil sa perang hawak ko ngayon. Pero di ito sapat, tss sa mahal ng gastusin ngayon.

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay nina Camille. Dumaretso na ako sa loob, hindi ko sya dinatnan mukhang may pinuntahan ata. Inihambalos ko ang aking katawan sa malambot na kama. Nanamnamin ko muna ang pagtulog. Rest muna ako pero not in peace ha! Ge po lol

Camille’s POV

Pauwi ako ngayon galing Movement, tumambay lang ako dun. Nagpapraktis kasi si Owy at Kuya Oliver ng dance steps nila.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong tulog na tulog si Maddie.

Ah ang aga naman nitong umuwi? Tapos na kagad duty nya?

Anyways, makakain na nga muna.

Ranz’ POV

Namimiss ko na si Chuchu, masyado akong busy at alam ko sya din busy dahil sa work nya. Badtrip di ko tuloy sya nakuhang maging babysitter nila Niana tsk. May nakuha na kasi kagad sina Mommy eh.

“Hon, anong nangyari sa lakad mo kahapon?” tanong ni Dad.

Kumakain kami ngayon ng almusal.

“Okay naman, Kinausap ko na sya and sabi nya pag-iisipan nya daw dahil may trabaho daw sya eh. Baka di kayanin ng sched nya kung dalawa dalawa ang work nya. Sayang nga eh. Pero I’m looking forward for her call, gusto ko sya. Magaan ang loob ko sa kanya Hon.”

Ano kayang pinag-uusapan nila at sino yung pinag-uusapan nila?

Ininom ko ang milk ko. Habang nakikinig sa usapan nila.

“Bakit naman Hon?”

“I don’t know, basta nung una ko pa lang syang nakita ang gaan na ng pakiramdam ko.” Sabi ni Mommy while smiling.

“Oh I see. Sana nga pumayag sya. Nacucurious ako sa kanya dahil sa mga kwento mo Hon”

“ Yah, I’ll text her  baka malay mo may desisyon na sya..” Mommy said then used her phone.

Pati tuloy ako, di maiwasang ma-curious tulad ni Dad. Nako si Maddie na nga lang ang isipin ko.

Clarence’s POV

“Mga dude! Di na tayo nakaka hang-out, nabobored na ako. Puro na lang tayo trabaho-pahinga, pahinga-trabaho..” sabi ni Ully na umarteng naiiyak. Haha

Nakatambay kami ngayon dito sa Movement.

“Mukha kang tanga pre! Tigil mo nga yan.” Sabi naman Biboy.

“Lul!” sagot naman ni Ully.

“Pero mga bro, tama tong si Ully. Hang-out naman tayo.” Singit ni Oliver.

“Oh diba tama ako. Salamat talaga pre. Oh apir muna.” Sabi ni Ully sabay nag-apir sila ni Ver.

“Eh saan naman tayo pupunta?” singit ko.

“Oo nga, saan naman? Oh Ully ikaw sumagot nyan.” – Owy.

“Bakit ako?”

“Eh ikaw yung nabored diba, eh di ikaw mag-isip haha..”

“Guys, tama na yan. Tawag tayo ni Dad.” Biglang sabi ni Ranz. Tumayo na kami tsaka sumunod sa kanya papuntang conference room.

Nandun si Tito Nino, nakaharap sa laptop at may kausap sa cellphone.

“Yes Sir, okay.. Thanks.. bye.” Sabi nya at binaba ang cellphone.

“Bakit po Tito?” tanong ni Ully.

Umupo na kaming lahat.

“Well yung isang Mall Show nyo sa Sabado sa Lucena eh na cancelled pero may kapalit naman yun.”

“Saan po?” sabay na tanong ni Owy at Oliver. Kambal lang? haha

Ngumiti muna si Tito Nino..

“Sa Cebu..”

Lahat kami nagtingin sa isa’t isa..

“Cebu?” ulit ni Ranz.

“Yup :) Ang dami daw request na sa Cebu naman kayo magpunta kaya ayun yung kausap ko kanina. Isang representive ng SM Cebu at hinihire kayo para magperform dun”

“Wooo!!! Ayos!!!” sabi ni Ully na tuwang-tuwa.

Sila Biboy din, napa yes. Tuwang tuwa din ako. Ayos ah, Cebu. Malayo layo yun. Astig.

“Oh ayan Ully, makaka gala na tayo. Cebu! woo ayos diba mga bro.” - Oliver

“This is what I am talking about! WOOO.” - Ully

“Haha, boys calm down. Kaya mag practice na kayo para may maganda kayong maipapakita sa mga fans nyong Cebuano..”

Nag sitayuan na kaming lahat.

“Dad, kelan nga pala kami aalis?” tanong ni Ranz.

“On Thursday afternoon.”

“Hindi po ba masyadong maaga yun, sabado pa po kami magpeperform?” tanong uli niRanz

“Para makapagpahinga kayong maigi at ma enjoy nyo naman ang ambiance ng Cebu.”

Bumalik na kami sa studio at nagmeeting para sa sasayawin namin. Ayos! Na eexcite na ako =)

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon