You Are My Dream -- Two

1.5K 41 7
                                    

CHAPTER TWO

Habang kumain kami ngayon napapansin kong parang may kakaiba dito kina Mama at Papa.

Si Mama parang kinukulit si Papa, tapos si Papa naman parang may gustong sabihin pero di kaya.

Hahaha parang silang mga ewan, kaloka!

“Sweet, di ba may sasabihin ka..” finally, nagsalita na din si Mama. Teka, sweet? iww naman. ang mga endearment nang dalawang 'to. Ako naloloka eh

Ngumiti ng malaki si Papa.  “Anak, sa isang linggo na ang graduation mo diba?”

“Ah yes po.. bakit?”

Nagtinginan muna sila tapos ngumiti at bumaling sa akin si Papa.

“May surprise kami sayo! :D”

SURPRISE?!!!! 0_0 wooooow!!

“Talaga po? Ano po yun?” shit. Naeexcite naman ako, ano kaya surprise nila. Iphone 5? Chos!! Why not? Coconut!! :””>

“Secret! Surprise nga eh.” Sabi naman ni Mama.

“Ngak. Ganun. Eh kelan ko naman po malalaman?” eh kasi nga naeexcite na ako!!!

“Sa Graduation Day mo! Ilang tumbling at giling na lang naman eh. Wait mo na lang hehehe” teka, saan ba nakukuha ng magulang ko tong mga words na ginagamit nila. Mukhang mas bagets pa sa akin magsalita eh.

At nagtingin uli silang dalawa. Hahaha mukhang mga ewan, pero keribels. Sana mag graduation na ano kaya ung surprise nila. Gift siguro sa akin.

“For sure matutuwa ko dun Nak.” Sabi ni Mama, sabay thumbs up.

WOOOO!! iPhone 5 nga siguro or iTouch 5. Syempre sino ba hindi matutuwa dun diba hehehe.

Natapos na kaming kumain ng dinner. Ako na lang ang nagligpit. Pa Good shot eh! Hehehe

Graduation Day.

Yes! This Is it!!! Excited akong gumising. Nagready na ako sa wakas makaka graduate na din ako ng High School kahit na medyo matanda na ako… compare sa high school-ers sa Pinas. Kung sa Pinas siguro ako nag-aral baka 2nd Year College na ako. Sayang. -____-

“Ma! Ready na po ako!” sabi ko habang kinakatok ang kwarto nila Mama.

“..nak saglit lang eto matatapos na kami ng Papa mo.”

“sige po Ma.. “

Makalipas ang 20 minuto, sa wakas lumabas na din si Mama. Nauna na si Papang lumabas mga 5 minutes ago. Grabe naman si Mama, antagal mag-ayos parang sya ang gagraduate eh.

“Ma! Grabe ah. Kala ko ikaw ang gagraduate.” Pagbibiro ko kay Mama.

“Oo nga naman, hon. Dinaig mo pa itong anak natin sa tagal ng pag-aayos ah. Hehe” oh, Hon naman ngayon? Ano ba talaga? -_____-

“Tumigil nga kayong dalawa dyan, masama bang mag-ayos? Syempre dapat presentable ako noh.”

Nagtingin na lang kami ni Papa at umoo sa isa’t isa. Hahaha si Mama talaga.

Nasa sasakyan na kami, on the way na sa school. Yay kinakabahaan ako ngayong araw. Feeling ko may something. Parang may mga T-Rex sa tyan ko na nagwwrestling eh. Sobra naman ata yun sa kaba ah? O.A ko =)))) Siguro kaya ganto kasi excited na talaga akong maka graduate PLUS malalaman ko na kung ano ang surprise nila. iPhone / iTouch5 mapapasaakin ka na! =)))))

Anyways, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Namangha naman ako. De joke hahaha,

Ano itsura ko ngayon? 

Hmmm. Nag-ayos lang ako ng kaunti, tapos kinulot ko yung buhok ko. Medyo mahaba na nga pala sya hehehe.

Then, I wear a big smile. :D

This is it! Wooooooo

Medyo nagtagal din ang program nabobored na nga ako eh. Pero sa wakas, eto tapos na.

“Nak!! Congrats!! :D” sabi sa akin ni Mama habang inam makayakap sa akin. “Maddie, congrats. Good Job! :)” sabi naman ni Papa na nakangiti sa akin ngayon.

Aww. Sobrang Saya ko. Nakikita kong proud sila sa akin. Mygawd, maiiyak pa ata ako nito.

After ng madrama naming eksena ni Mama eh. Lumayo sila ni Papa. May pinag-usapan sila kaso di ko naman naintidihan maingay kasi ang paligid eh.

“Madddddie!!! Graduation Day mo ngayon diba. Natatandaan mo ba yung sinabi naming  may surprise kami sayo?” excited na tanong ni Mama. Eto na. wooohooo iPhone!! You know I what You hahaha.

“yes Ma!!! At ngaung araw mo na sasabihin kung ano yun.. :D”

Nagtinginan sila at parehas na ngumiti. May kinuha sa bag si Mama. At inabot iyon sa akin.

SOBRE?

Teka? Kasya ba iPhone dyan? -____-

Ah baka cash!! Mygoodness. Ilang bucks kaya yan? :””>

Inabot ko ung sobre. Natulala naman ako ng Makita kong laman. Di ko alam pero parang kinabahan ako at the same time natuwa ako. Di ko maintindihan.. mababaliw ata ako, iba-ibang emosyon nararamdaman ko nung makita ko yung surprise nila .

Kasi ang laman ng sobre ay…

PLANE TICKET TO THE PHILIPPINES.

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon