You Are My Dream -- Eleven

747 28 5
                                    

Uy may nagbabalik. Ang pinakatamad sa lahat ng tamad. 

Ms. Allie, at hatid syang balita para sa lahat. May update na, YUN OH! :P

LOL Wag nang magpatumpik tumpik pa. Eto na... :)

 Dedicated sa lahat ng bumabasa at sumusuporta! kaway kaway po muna :-)

[THIRD PERSON POV]

Pagkagising ni Owy ay agad nyang chineck ang kanyang cellphone. Nagtext sa kanya si Ranz, agad naman nyang binasa ito.

Bro, may meeting tayo. 

Nagtaka naman sya sa text nito.  "Ano kayang meron? May bagong gig siguro." naisip nya.

Mukhang napaaga ata sya sa pagdating sa kanilang meeting place dahil sya pa lamang ang nandoon. Upang hindi mainip ay naisipan nyang itext na lang muna si Camille.

To: Labs

Good Morning! Actually afternoon na din kaya gising na Labs!!

"For sure tulog pa din yung si Camille haha" naisip nya.

[A/N: Labs - Labanos. Baka kasi isipin nyo endearment nya yun kay Camille eh. lol]

"Owy!" agad naman syang napatingin sa tumawag sa kanya. Si Ranz. 

"Oh asan sila bro?" bungad na tanong ni Owy kay Ranz.

"Wala bro, nakausap ko na sila. Tayo lang magkikita ngayon.."

"Oh bakit? Anong meron?"

"Tutulungan mo ko.. surprise bro :)" 

Ngiti pa lang ni Ranz ay alam na kagad ni Owy ang ibig nitong sabihin. Agad naman din syang napa oo sa kaibigan. 

"Inlove na Inlove ka na masyado bro ah." pangangatyaw nya.

Ngumiti lang naman si Ranz biglang pagtugon.

"Masasabi mo bang mas masahol pa ako sa hayop at malansang isda kung mas mahal ko sya kaysa sa sarili nating wika?" 

Hindi alam ni Owy kung matatawa ba sya o hahanga kay Ranz. Sobrang inlove na nga talaga ito. At masaya sya para rito.

"Tama na nga bro! Baka maubusan ka pa ng banat pag nagkita kayo eh."

 

"Hahaha, madami akong baon. Nakuha ko sa internet."

At pareho silang natawa.

"Goodluck sa plano mo bro. :)"

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon