You Are My Dream -- Fifteen

374 25 4
                                    

Ngayon ang first day ko bilang baby sitter. Kaya maaga akong gumising para di ako ma late. Kahit na kakilala ko yung papasukan ko syempre dapat hindi pa din ma late. Bad impression yun. Nuxx!

Si Tito Nino yung nag welcome sa akin. Ang aga ko daw. Ayos dagdag ganda points diba. Hahah chos

"Good morning po. Si Cherry po? :)" pumasok na kami sa loob.

"Nasa taas pa, kami palang ni Elcyd ang gising.. 7:30 pa lang kaya tulog pa sila hehe"

"Mag breakfast ka muna.." pag-aaya ni Tito Nino.

"Ah sige po, wag na.. okay na po ko." Pero syempre tanggi mode ako, hashtag medyo nahihiya naman ako.

"Cmon, wag ka ng mahiya, okay lang yan mamaya mauubos ang energy mo sa kakulitan nila sige ka."

"You're right hon, Hi Maddie good morning.." biglang entry ni Tita na nakangiti na nagmula sa kitchen, may dala pang tray na may cup of coffees.

"Good morning din po."

At dahil mukha talagang may panghatak ang pamilyang to sa akin e napakain din ako kahit medyo nahihiya talaga ako. Promise nahihiya talaga ako. 2 eggs at nag extra java rice lang ako. :/ =)))))

"By the way, Maddie next week na kasi ang pasukan nina Niana at Cherry. Pwede mo ba akong samahan ngayon para makapag enroll sila?"

"Of course po. No problem.."

"Sige, kung tapos ka na dyan pwede mong puntahan muna si Cherry sa room nya, ung nandun sa bandang kanan. 2nd room."

At pagkatapos ko ngang kumain eh umakyat na ako papunta sa room ni Cherry, hindi naman mahirap hanapin yung kanyang kwarto, may cherry kasing picture dun sa may pinto nya. Kaya alam na! hahaha

May mga nadaanan pang kwarto siguro yun yung sa iba nya pang kapatid.

Naabutan kong mahimbing na natutulog si Cherry, umupo ako sa may gilid nya. May chair dun mini chair basta cute sya. Ang hirap idescribe nako. Imagine nyo na lang.

Natutuwa talaga sa mukha nya, sa tuwing tinitigan ko may naalala ako. Parang may kamukha talaga sya eh. Basta parang yung mata nya may kapareho na kakilala ko, kainis iinom na nga ako ng memo plus gold. Pansin ko makakalimutin na ko lately eh.

Tinignan ko na lang ang kabuuan ng kwarto nya. Pink at Violet ang naging theme ng kwarto nya. Girl na girl diba. Tumitingin ako sa paligid ng may maka agaw ng atensyon ko.

Picture nya tapos may kasama syang lalaki..

At dahil medyo na curious ako eh nilapitan ko. Kukuhanin ko na sana yung picture frame ng..

"Ate Maddie? Is that you?" napalingon ako sa kanya, pikit pa yung kanang mata nya.. hahah cute..

Lumapit ako sa kanya.

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon