You Are My Dream -- Fourteen

388 21 2
                                    

Touchdown Cebu!

Okay andito na kami, sarap nakapag pahinga ako sa eroplano. Kaya full batt na ako.

Mula sa airport may van na sumundo sa amin, tapos dumaretso kami sa isang hotel. Dun daw kami mag stay.

Sa labas ng hotel may kumpulan.. Ano kayang meron?

“Dude anong meron? Ba’t andaming tao?” tanong ni Ver.

“Bah malay ko kita mong magkakasama tayo dito eh.” Sagot naman ni Ully. Boom! Medyo supalpal si ver dun ah haha.

“Lul, si Biboy tinatanong ko. Diba Biboy..” at binigyan nya si Biboy ng “basta-umoo-ka-na lang look”

“Oo pre, ako yung tinatanong mo epal lang talaga yang si Ully..”

At nagtawanan kaming lahat. Mga siraulo talaga. Hahaha

Pagtingin namin sa bintana, grabe. Mga Chicserifics pala. May mga dala silang banners namin.

Muntikan ng magkagulo nung bumaba na kami, pero madali naman kaming nakapasok sa loob ng hotel buti na lang may mga guards. Muntik nang maputol yung kamay grabe manghila yung dalawang babae kanina. Lupet!! Ang wild!

“Grabe!! Intense nung kanina mga dude!!!” sabi ni Ully.

Inassign sa amin ni Dad yung mga kwarto namin, bali si Ver at Owy ang magkasama tapos si Ully at Biboy at Ako naman at si Cav. Si Dad. Nag solo.

Dahil busy kaming lahat, ang bilis ng oras. Hindi na namin namalayan na mamaya na pala ang show namin dito sa Cebu.

“Boys ready na ba kayo?” tanong sa amin ni Dad. Honestly kinakabahan ako personally. Iba ung feeling  nasa Cebu kasi kami. Feeling ko iba ang crowd.

“Yakang yaka tito! Kami pa. hahaha diba guys?” sagot naman ni Ully, yan ang leader namin. Confident!

“Good! Basta enjoy lang. Show your love to the Cebuanos. Have fun yun lang okay ba?”

“Okay!” sagot naming lahat.

Nasa backstage na kami. Rinig na rinig ang sigawan. Unti-unti na ding nawawala yung kaba ko. Tinignan ko ang mga ka grupo ko. Si Ver at Owy nag bro-hug. Tas sina Ully naman nag group. At syempre nakisama na din ako.

“Awooo! Awoo! Awoo! Let’s go Chicser!”

Lumabas na kami pagtapos tawagin ang pangalan namin. Nang tawagin ako, ang daming nag cheer. Wala na talaga ang kaba, slight na lang.

Masasabi kong nag-enjoy lang talaga kami. Pagkatapos kasi naming magsayaw. May interview, nagtanong yung host pero yung mga tanong galing mismo sa mga fans. Halos puro kalokohan yung mga sagot namin.  Ang saya!

Tapos bago kami umalis, binati namin ang Mga Chiserifics sa Language nila.  Medyo nabubulol pa nga ako kanina eh.

“Okay good job boys! Pagbalik natin sa hotel may one hour lang tayong pahinga then dadarecho na tayo ng airport then back to Manila na tayo. Got it?”

“Okay po.” Sagot naming kay Dad.

Grabe ang saya dito sa Cebu! Ganda ng ambiance! Hindi masyadong magulo unlike sa Manila. Ang crowded na tas polluted pa. Pero kahit ganun nakaka miss din ang siyudad. 

Andito na pala kami sa hotel. Inumpisahan ko nang ayusin yung mga gamit ko. Hiniwalay ko na yung mga pasalubong para sa family ko. Ay teka, yung gift ko nga pala para kay Niana, buti na lang may nakita kaming bear ni Dad. Ang cute may hawak na heart tapos may naka sulat na I LOVE CEBU sana magustuhan ni Baby. T-shirt naman yung nadecide namin na pasalubong para kina Mommy. 

TLD Book 2: You Are My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon