Chapter 10: Out Balance

91 4 9
                                    

A/N:  

Sorry may pinalitan ako sa chapter na ito! Sana basahin niyo ulit para di kayo malito...  

Gabby's POV

Nag-aayos na ako ngayon ng sarili ko at ng damit na susuotin. Ehh ang probema lang ay di ko alam kung saan ang bahay ng kumag na yon! Pero baka may miracle at i-text ako ng address niya diba? Kaya nag-ayos pa din naman ako...

Nagmake up lang ako ng simple at inayos ng unti yung buhok. At nagsuot lang ng simple. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin...

"Okay na 'to!" Sabi ko sa sarili ko sabay ngiti ng malaki. Bakit ganito ba ako maka prepare para mamaya. Ang gulo ko talaga!

"Shanelle!" Sigaw sa akin ni Mommy.

"Yes mom?!" Sabi ko naman.

"May susunso daw sayo!" Pakatapos sabihin yun ni Mommy ay napatakbo ako ng mabilis pababa ng hagdan at napahawak nalang ako sa bibig ko.

"Ito ba Shanelle yung sinasabi mong friend?" Tanong ni Mom.

"Ahh yes po..." At hinatak ko si Kurt palabas. Yah you heard it right! Si Kurt nga...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Sinusundo ka! Di naman ata masyadong halata na di ka handa nohh..." Sarcastic niyang sabi. Edi wow! Ehh sa ang alam ko kasi na pupunta ako sainyo! Arrrgggghhh!!! Bakit nga ba ganito ako magprepare ehh magkikita lang naman kami ni Kurt. Ang gulo ko talaga!

"Ang alam ko kasi pupunta ako sa bahay mo. Pero ang di ko in-expect na ikaw ang susundo sa akin!" Sigaw ko sakanya.

"Di mo man kasi alam ang bahay ko kaya huwag ka ng mag-ingay jan!!" Sigaw niya naman sa akin.

"Edi wow!" Sigaw ko sakanya.

"Let's go?" Tanong niya.

"No!"

"Anong no?"

"Syempre magpapaalam muna ako kina Mommy noh! Respeto naman sana..." Sabay takbo ko papunta sa loob ng bahay at iniwan si Kurt na nakatunganga. Hahahahhaha........

"Mommy alis na po kami!" Sabi ko kay Mommy ng malambing.

"Anong aalis?? Saan ka pupunta Gabriella Shanelle?!!" Sigaw ni Mommy. Sabi ko na nga ba magagalit nito si Mommy. Kapag binanggit pati ni Mommy ang 1st and 2nd name ko ayy!! Matakot ka na....

"Mommy kailangan po namin gawin yung sa Science, yung working model ni Kurt. Siya kasi ang partner ko eh..." Sabi ko naman.

"Patunayan mo muna na about talaga yan sa acads!!" Sigaw niya sa akin. Katakot naman ni Mommy.

"Ok mom!" Sabi ko pabalik.

"Kurt! Pasok ka nga...." Sigaw ko.

"Kung ayaw ko!" Sigaw niya. Ayy tlaga ngayon pa talaga tinopak!! Kainis ka talaga Kurt!!!

At lumapit ako sa may pinto at tinawag ulit siya.

"Huwag kang makulit! Pwede? Ang terror ng Mommy ko kaya huwag ka ng umangal pa.... Pumasok ka na nga!!!" Sigaw ko sakanya pero medyo mahina lang para di marinig ni Mommy.

"Oh papasok na nga ohh!!" At pumasok na siya. Pumunta na kami ni Kurt papunta kay Mommy.

"Diba Kurt about acads yung gagawin natin sa bahay mo?? Wala namang iba diba?" Sabi ko kay Kurt para maniwala na si Mom. At nakuha naman ni Kurt ang gusto kong gawin.

"Ahh opo tita about po sa acads yung gagawin namin. Yung sa Science po, yung working model na gagamitan po ng dc motor para gumalaw. Magpaplano pa nga po kami kung ano ang pwedeng gawin ehh." Pag-eexplain ni Kurt kay Mom. Sana talaga maniwala na si Mommy...

"Ahh...." At tumango ng mabagal si Mommy.

"Ok Shanelle, dapat makauwi ka mga bandang 5:30pm sharp. Walang lalampas sa oras na yan ha! Kung lalampas, curfew ka!! Di ka namin papapasukin sa bahay. Understood Shanelle?!" Sabi ni Mom sa akin.

"Yes mom I promise!" Sabi ko.

"Okay you two can go now... Bantayan mo ng maigi yang si Shanelle, Kurt ha! I'm trusting you as my little girl's friend!"

"I will po tita..." Sabi ni Kurt kay Mommy.

"Mom!! Don't call me little girl! I'm a grown up now... Let's go na nga Kurt!!" At umalia na kami ni Kurt.

"Bye honey!! Be careful....."Sabi ni Mom ng pahabol.

"Ang strict naman masyado ng Mom mo Gabriella!"Reklamo ni Kurt. "3:00pm na tuloy!" Sambit niya pa.

"Okay IKR! Pero let's just go."Sabi ko sakanya.

***

Nakarating na kami sa bahay ni Kurt. Ang ganda ng bahay niya, parang mansion!! Ang rami pating mga maids. Ang yaman niya ah! Ang yaman yaman pala nina Kurt... Kami nga ang simple lang ng modern house namin pero yung sakanila meron pang front yard, may back yard pa!! Saan ka pa?! 

I'd Rather DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon