Kath's POV
Medyo maaga naman ako nakapasok sa school at naisipan ko nalang na maglakad-lakad lang dito sa hallway habang binabasa ko ang favorite kong novel. Ayokong i-share sainyo baka magustuhan niyo din. Nasa maganda na sana akong part ng biglang may nambangga sa akin. Kainis naman! Basag trip yung nambangga.
"Ano ba naman yan!" Sigaw nung lalaki. Siya na nga nakabangga siya pa galit? Galing lang noh. Sa katunayan dapat ako yung sumigaw eh kasi pa-epal siya.
"Wow ha! Ikaw pa 'tong galit? Eh ikaw na nga yun nakabangga eh." Sigaw ko sa kanya. At unti-unti na akong humarap sa kanya.
Gwapo
Yan lang yung only word na kaya kong ma-describe sa kanya. Ang hot niya tignan kahit parang inis na inis na siyang nakatingin sa akin. Naka eaphones pa siya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa pocket.
"Eh sa di ka kasi gumigilid eh. Kainis naman ng babaeng 'to." Sigaw niya sa akin. Pero kahit inis na inis na siya sa akin, di ko pa rin mawala ang tingin sa kanya. Sa kanyang magagandang mata, pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi, maputi niyang complexion. All I can say is PERFECT. Na-memental block ako ngayon dahil sa kagwapuhan niya at alam kong classmate ko siya at alam kong kilala ko siya.
Ang gwapo niya!! Waaaaaah...
Napatikom nalang ako ng bibig ko at di maalis ang tingin sa kanya. First time ko makalapit ng ganito sa OPPA! Ang gwapo niya kaya.
At di ko na namalayan na tumakbo na pala siya paalis sa harap ko. At bumalik na nga ako sa katinuan. Sinampal ko nga ang sarili ko.
"Parang ewan ka kanina Kath! Myghad... Pero ang gwapo niya talaga!" At nagtatatalon na ako. Aalis na sana ako sa place na yun pero may nakita akong picture. Nahulog niya ata, ewan.
Pinulot ko nga at isa siyang batang babae at batang lalaki na super duper cute. Ang cute naman ng dalawang bata na toh! Pero wait lang.... parang kamukha ko yung babae. Pero imposible naman na ako toh. Wala naman akong matandaan na may kasama akong batang lalaki nung childhood days ko.
Tingnan ko nga sa likod ng picture at may nakasulat.
∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨
Ko-ko <3 Tin tin
∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨∧∨Sino 'to? Ko-ko heart Tin tin? Kanino kaya 'tong picture? Baka dun sa lalaki na bumangga sa akin. Baka... Nilagay ko muna sa pocket yung picture at pinatuloy ko yung pagbabasa ko dun sa novel na hawak ko. Pero... di ko talaga makalimutan yung mukha nung lalaki na yun eh! Di na tuloy ako maka-focus magbasa dahil sa kanya. Sa gwapo niya ba naman na yun. Di ka ma-didistract sa kababasa?
"Arrgggh bumalik ka nga Kath sa sarili mo!!" Sabi ko at sinampal sampal ko ang sarili ko na parang shunga dito sa hallway. Eh sa ang gwapo niya eh. Ano kayang pangalan niya? Pwede ko ba siyang i-stalk? Makikita ko naman siya mamaya kaya mamaya ko nalang siyang i-stalk. I-chichika ko daw 'to kay Cyril at sa barkada. Kyaaaa ang gwapo!
BINABASA MO ANG
I'd Rather Die
Teen FictionMeet Gabriella Shanelle Romalez, isang transferee siya sa isang school. Pero di niya inakala na magkikita sila dun nung lalaking ayaw na ayaw niya na ulit makita dahil sa isang pangyayari. I HATE YOU... I HATE YOU... I HATE YOU... Ha...