Chapter 15: First Move

46 3 0
                                    

Maggie's POV

While walking alone on the hallway. Yes, really walking alone!! Iwanan ba naman ako nung barkada? Kainis sila! Akala nila okay lang para sa akin pero hindi ehh! At nakarating na nga ako sa basketball court kung saan may mga naglalaro ng sports.



*Bogggsshh*

And everything went black.

***

Pakagising ko ay nakita ko na parang puti ang buong kapaligiran. Patay na ba ako? Syempre hindi pa naman. Pero bakit namumuti ang kapaligiran ko?

"Okay na ba siya?" Tanong ng isang lalaki. Sino naman 'tong stranger na ito? Akala mo naman kakilala ko ehh hindi naman nga!!

"Ahh okay na siya cutie boy. Kyaaaa...." At naghahagikhik ang lola mo! Parang naman 'tong nurse na ito ewan. Parang tutang inaaliw ng amo. TSK....

At tumingin sa direksyon ko yung lalaki na tinawag nung malanding nurse na cutie boy. YUCK lang noh!

"Ahh gising ka na pala Miss Beautiful!" Sigaw niya. At bumangon na ako sa kinahihigaan ko at ARAY ha! Masakit sa ulo. Feeling ko may bukol ako sa ulo. Ano ba kasing nangyari sa akin?

"Anong nangyari sa akin? At sino ka ba?!" Sigaw ko at tinarayan ko lang siya.

"Dwayne Kean De Guzman, at your service." Sabay wink niya at pagalok ng kamay niya.

"Tinatanong ko ba pangalan mo? At ano ka siniswerte ha? Hindi ka gwapo kaya pwede ba!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang sakit naman ng mga sinasabi mo Miss Beautiful. Ako pa nga ang nagdala sayo dito sa clinic." Sabi niya ng mahinahon. At na-guilty naman ako.

"Ano nga ba ang nangyari sa akin kaya nandito na ako sa clinic?" Tanong ko.

"Sorry pero........ ako kasi may gawa niyan sayo ehh." Sabi niya ng alanganin. At nawala ang guilty ko. WAAAAAAAAAAH!! Kabwiset siya! Ang laki kaya nung bukol sa ulo ko.

"Bwiset ka!!!!! Tingnan mo ginawa mo sa ulo ko! Tingnan mo ohh. May bukol na malaki dahil lang naman sayo!" Sigaw ko at pinagtuturo ang bukol sa ulo ko. Ang sakit talaga!! At pinaghahampas ko din siya ng kamay ko ng malakas sa braso niya dahil lang naman sa ginawa niya sa akin. Kainis siya ah! Pero ang tigas ng braso niya ah.

"Aray ah! Masakit yun ah!" Sabi niya at inaawat niya ang kamay ko.

At parang narinig kong bumukas yung pinto nung clinic. At iniluwal nito yung nurse na malandi.

"How could you!" Sigaw nung nurse. Sabay turo sa aming dalawa. Maka how-could-you siya parang may sila noh? Uso na talaga ngayon ang mga feelingera.

"Anong how could you sayo jan?" Tanong ni Dwayne at bumalik na yung nurse sa dating huwisyo niya.

"Ayy wala cutie boy... How could you hampas-hamapas her. She's masakit ang head. Ganon lang yon. Hehehehe..." Sabi nung nurse ng mahinahon. Hahahha laptrip yung nurse! 

At napatawa naman kami pareho ni Dwayne ng mahina dahil ang conyo niya! Hahhaha....

"Okay na ba siya?" Tanong nung nurse. At tumango na si Dwayne. At ako naman ay tumayo na at inayos ang damit. 

Lumabas na kami ni Dwayne ng clinic at humagikhik sa tawa dahil sa nurse na yon. Mag assume ba namang may SILA? Ehh wala namang sila eh. Ang conyo niya pati.

 Pero tumigil na akong humagikhik at natandaan kong naiinis pala ako sa Dwayne na to! Nilagyan ba naman akong bukol sa ulo? PAMBIHIRA naman oh!  And Man Hater ako kaya mas nainis ako sa kanya.

"Hoy!!" Sabay turo ko sa kanya ng index finger with matching death glare pa.

"Ano po?" Sabay taas niya ng dalawa niyang kamay na parang nagsusuko na sa police.

"Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin? Maliwanag?!" Sigaw ko sa kanya.

"Makikita mo pa rin naman ako kasi pareho tayong school noh." Sabi niya sa akin.

"Pilosopo ka pa talaga noh? Bye na nga!!" Sigaw ko sabay walk-out. At parang hinabol ako. Ang kulit niya talaga noh?

"Sama ako! Wala akong kasama ehh." Sabi niya

"Ayoko nga! Tumigiltigil ka nga! Black belter ako kaya huwag mo akong bwisetin!!" Sigaw ko. At napahinto naman siya. Natakot ata dahil sinabi kong black belter ako. Hah! Di naman nga talaga...

At dumiretso na ako sa high school building at iniwan si Dwayne sa may labas ng clinic. 

Dwayne's POV

Ng marinig ko yun kay Maggie ay napahinto ako. Hala! Black belter pa amputs! Baka mahirapan ako nito sa deal namin ni Kurt. Matawagan nga yung ugok na yon.

Ng matapos ng ilang ring ay in-answer niya lang naman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh?  (si Kurt)

Mahihirapan ata ako nito bruh...

Bakit bruh? At bakit ka man mahihirapan sa deal? Bye bye Black Porsche na ba?

Ayy hindi bro! Syempre gustong-gusto ko ng makita at makasama ang love of my life ko na si Baby Black Porsche noh!

Bakit ka nga ba nahihirapan?

Black belter siya dude!

Wag ka maniwala dun! Di yun black belter kaya go ka lang!

Paano mo naman nasabing di siya black belter?

Ehh basta huwag ka maniwala dun! Sige bye na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

At in-end call niya na nga. Hay! Maniniwala ba ako dito kay Kurt? Sige na nga go lang para kay Baby Black Porsche ko!! I will get you in the meantime so just wait for me. Lab u!!

Nagawa ko na ang first move ko kay Maggie kaya lulubos-lubusin ko na 'to para lang makuha ko na ang baby ko!


A/N:

Sorry maikli lang ang update ko. Okay lang ba ang first move ni Dwayne kay Maggie? O masyadong masama? Hahahaha...... See you in my next chapter guys!!





I'd Rather DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon