Kurt's POV
"Nasaan si Dwayne?" Tanong ko sa tropa habang nakaupo sa sofa dito sa secret room sa school.
"May inaasikaso lang daw." Sabi ni Drake.
"Ano daw inaasikaso niya?" Tanong ko.
"Girls..." Sabi ni Xander. Siya pa talaga yung may ganang sumagot ah? Baka nahawa na si Dwayne sa pagiging chick boy ni Xander. TSK!!
"At ikaw pa may gana sumagot ha! Hahahahha......" Sabi ni Ken sa kanya habang tumatawa.
"Edi wow! At least pareho na kami." Sabi ni Xander sabay ngiti ng malapad.
"Ugok ka talaga!" Sigaw ni Drake sabay batok sa kanya. Pero ngumiti lang si Xander.
*tok tok tok*
May kumatok at pinapasok din naman namin. Si Dwayne pala! Thank God nandito na siya. Meron kasi akong papagawa sa kanya. Sigurado akong papayag tong ugok na to!
"Hello guys! Sorry may inasikaso lang ako." Sabi ni Dwayne. At binatukan nga namin lahat.
"Aray ha! Anong problema niyo sa akin?" Tanong niya sabay hawak sa batok niya.
"Hahahaha....... inaasikaso o nilalandi?" Tanong ni Xander ng nakangiti.
"Di noh! Di ako gaya mo. Ako kasi kahit nakaupo lang ako, di ko na kailangan mang-approach sa mga girls. Sila ang kusang lalapit. Sa gwapo ko ba namang ito?" Hayy naku magsisimula na naman ang self-confidence niya sa pagiging gwapo niya. Ehh mas gwapo nga ako sa kanya eh. Di lang talaga masyadong mataas ang self-confidence ko, di gaya ng ugok na to.
"Hoy tumigi-tigil ka nga dyan Dwyane!" Sigaw ni Drake.
"Eh sa totoo naman eh! Ako kaya ang pinakagwapo sa ating lahat noh." Sigaw niya sabay hawi ng buhok niya.
"OKay tumigil-tigil ka na Dwayne at may sasabihin ako sayo....... Privately?" Sabi ko sabay tingin sa tropa na nakikinig sa akin.
"I said, Privately..." Sabi ko at tumango naman sila at iniwan kami ni Dwayne dito sa secret room.
"Ano nga bang gusto mong sabihin aber?" Tanong niya sabay hawi ng buhok niya. Kailan kaya magbabago ang gungong na to?
"You really want Black Porsche 911 Carrera 4S so badly huh?" Tanong ko sa kanya. Tig straight forward ko agad. Eh sa gusto ko ng matapos yung pangbabasag ng trip ni Maggie sa trip ko kay Gabriella eh.
"Yah dude! Why? Are you going to buy me one?" Tanong niya sa akin sabay smirk.
"Yes! I will... In just one condition Dwayne." Sabi ko sa kanya. At nabigla naman siya sa narinig.
"Really?! Okay kahit anong condition yan basta't para lang sa baby Balck Porsche ko!!" Sigaw niya at nagtatatalon. Hay, matagal niya na yang binabanggit sa akin na gusto niya daw ng black porsche blah blah blah. And he's hoping that I will buy him one.
"Make Maggie Loraine Gonzales fall in love with you. And if she confessed to you that she loves you, after few days..... Break her heart!" Sabi ko sa kanya sabay demonstrate nang heart na tig break.
"Di ako jan bro magaling. Si Xander ang magaling jan!" Sabi niya.
"So bye bye Black Porsche na ba Dwayne? Kay Xander nalang kaya?" Sabi ko sabay glare sa kanya. Kailangan ko tlaga siya mapa-oo para tumigil na yung Maggie na yun.
"N-no! Ayokong mawala sa akin si Baby Black Porsche ko..." Sabi ni Dwayne. Parang bata amputs! Hahaha..... Mukhang mahal na mahal niya talaga ata yung Black Porsche na yon.
"Oh ano na?" Tanong ko.
"S-sige na nga! I'll try my best dude! Basta kapag ginalingan ko, si Baby Black Porsche ko ah!!" Sabi niya.
"Syempre! Kailan pa ako di tumupad sa usapan. At nakalimutan ko pala, tayo lang dapat dalawa ang makaalam nito ah? Kung hindi, wala ka ng Black Porsche na makukuha." Sabi ko.
"Sige alis na ako pre! Ayy wait lang.... Kailan ako mags-start ipa-fall si Maggie?" Tanong niya.
"Now?" Sabi ko.
"Ahh sige sige! Diskarte ko nalang to... Bye!" Sabay tapik niya sa shoulders ko at lumabas na siya ng secret room.
Sana talaga maging successful ang plano kong to. Para wala ng nambwibwiset sa pant-trip ko kay Shanelle.
Wait what?! Did I call her SHANELLE?? Why did I even call her that way? Gulo ko talaga!!
BINABASA MO ANG
I'd Rather Die
Teen FictionMeet Gabriella Shanelle Romalez, isang transferee siya sa isang school. Pero di niya inakala na magkikita sila dun nung lalaking ayaw na ayaw niya na ulit makita dahil sa isang pangyayari. I HATE YOU... I HATE YOU... I HATE YOU... Ha...