Maggie's POV
Nakakainis si Dwayne!! Palagi niya nalang akong kinukulit na sagutin ko na daw siya. Na kapag sinagot ko daw siya di daw ako magreregret. Maniwala!! Kasinungalingan! Di ko naman pati siya papatulan dahil halatang gago! Halatang nananakit lang ng damdamin ng mga babae. Man Hater ako kaya nabbwiset talaga ako sa kanya ng sobra.
"Sabihin mo lang sa akin ang matamis mong oo at di na kita kukulitin. Pero mamahalin naman kita ng sobra." Hayy nandyan na naman po ang mga corny niyang mga lines. Di naman ako natatamaan noh!
"Tumigil-tigil ka nga Dwayne! Alam mo bang nakakainis na yang pagmumukha mo ha?" Sigaw ko sa kanya.
"Ehh kasi nakakasawa na ang kagwapuhan ko ganon ba yon? Gwapo ko kasi eh. Di naman bga nakakasawa, nakakatuwa pa nga eh." Sabay pogi pose niya at sabay ngiti ng malapad. Nandyan na naman siya sa kakasabi niya na gwapo siya. Edi gwapo siya! Nakakasuka nga pagmumukha niya eh!!
"Lubayan mo na nga ako! Remeber I'm a black belter."Sigaw ko sa kanya sabay lakad paalis sa kanya. Pero ang kulit talaga ehh!!! Kailan ba ako nito titigilan?!
"Di naman nga totoo! Wuuyy...." Sabay belat niya sakin.
"Totoo nga! Gusto mo i-try ko sayo?" Sabay sipa ko sa hangin.
"Sige na! Pag ako nasaktan, alagaan mo ako ah?" Tanong niya sa akin. Sabay lapit ng mukha niya sa akin. At tinulak ko siya ng mahina para medyo lumayo ang mukha niya sa akin.
Ano siya sineswerte? Ako na nga may kasalanan tapos ako pa aalaga sa kanya? Huwag na uuuyy!!
"Aiiisshh bwiset!! Umalis ka na dito..." Sigaw ko at tutulakin ko na sana siya pero biglang gumalaw yung kamay niya pababa at sinalo ako. Tutulakin ko nga sana diba?
At natulala naman ako sa mata. Ang gansda pala ng mata niya. Ayyano ba pinagsasabi ko?! Parang akong ewan dito. Nilapit niya nga ang mukha niya sa akin at nabigla ako non at bigla akong tumayo at umiwas ng tingin.
"B-bwiset ka!! Gagamitin mo na naman ang mga ganyan mong moves! Please lang lubayan mo na ako!!" At tumakbo na ako ng mabilis papuntang restroom ng girls para di na siya makasunod. Ang kulit-kulit kasi eh!!
Sana wala siyang gawing kalokohan na pwedeng magpa-oo sa akin. Kainis siya grabe.
Dwayne's POV
Takbuhan ba naman ako nung babaeng yun. Arggghh!! Ang hard to get niya! Ang hirap naman ng pinapagawa ni Kurt sa akin. Palagi nalang akong gumagawa ng mga bagay-bagay para lang pakiligin siya. Pero ang hard niya, di man lamang natablahan ng kagwapuhan kong 'to. TSK.... Ano kayamg pwedeng gawin para mapa-oo ang babaeng yun? Okay lang kahit di niya pa ako love basta may status na kami. Bakit massi Maggie pa yung napiling babae para lang makuha ko si my labs ko!! Baby ko sana naghihintay ka pa din sa akin. (Black Porshe)
Naglakad-lakad nalang ako dahil sina Kurt ay nasa basketball court naglalaro. Di daw ako pwedeng maglaro dahil kailangan ko daw kulitin ng kulitin si Maggie para mapa-oo siya at mahulog siya sa patibong ko. Waaaaah bakit ang hirap nito??!!
Dumiretso ako sa library para naman may malaman ako kung paano mapa-oo yung babaeng yun. Naghanap ako ng naghanap at nakita ko na nga. Ang title niya ay 'Love Me Please'. Oh diba parang pareho lang sa sitwasyon ko ngayon. I need Maggie to love me.
Naghanap ako ng naghanap at nakita ko na ang hinahanap ko. Humanda ka Maggie bukas.... Wahahahhaa!!! *evil smile*
***
Next DayWow ha! Ang galing talaga naman ng timing. Tsk... Bakit umuulan pa??!! Huhuhu....
Sige okay na din tuloy ito para masyadong nakaka thrill. Wahahaha humanda yung babaeng yun mamaya.
BINABASA MO ANG
I'd Rather Die
Teen FictionMeet Gabriella Shanelle Romalez, isang transferee siya sa isang school. Pero di niya inakala na magkikita sila dun nung lalaking ayaw na ayaw niya na ulit makita dahil sa isang pangyayari. I HATE YOU... I HATE YOU... I HATE YOU... Ha...