Chapter 19: BBF

21 3 0
                                    

Gabby's POV

Nandito ako ngayon sa classroom naka-nap sa table. Lunch break palang naman pero tapos na agad akong maglunch kaya ang ginawa ko nalang ngayon ay matulog. Yes!! Matulog talaga! Napuyat ba naman ako dahil sa kakapanood ng kinahihiligan kong mga Koreanobelas. Ang gaganda ng mga Kdrama kaya nagpuyat ako para dun.

Nag-iisa lang ako sa classroom dito. Nagpa mall kasi sina Maggie at Cyril eh ayaw ko naman pumuntang mall dahil antok nga ako! Sina Sophie naman at Kath may i-papass daw sa faculty eh. Malayo ang faculty dito sa high school building kaya katamad na sumama kaya napag desisyunan ko nalang na magstay dito sa classroom at matulog para makabaawi naman ako ng tulog.

Nabigla ako ng may magsalita na lalaki.

"Tsk bakit natutulog dito si Gabriella? Lagyan ko kaya ng siya ng panyo sa ulo niya baka kasi nangangalay na ang kamay niya." At gagalawin niya na sana ang ulo ko ng binangon ko na ito at binigyan siya ng karate pose. Yung parang pang karate sa kamay. Ganun na yun!

"Yaaaahh!!" Sigaw ko na parang sa karate ang tunog.

"Ahhh! Grabe nakakabigla ka naman Gabriella." Sabi niya at si....... it started with letter K. Guess who!!





















Kung si Kurt mali!!

















Si Ken po......

"Ay sorry Ken! Akala ko kasi kung sino na. Baka kasi kung ano ng gagawin sa akin eh." Sabi ko sabay bow sa kanya. Di ko lang alam kung bakit ako nag-bow. Baka na-influence na ako nung sa mga pinapanood kong mga Koreanobela.

"Wala naman akong gagawin sayo noh! Hindi ako rapist." Sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Ha. ha. ha. grabe ka magjoke (note the sarcasm). Akala ko nga kung sino! Baliw neto!" Sabi ko sabay tapik sa braso niya. Parang kasing ang comfortable niyang kasama kaya nagagawa ko na yan sa kanya. Eh kay Kurt, wag nalang.

"Baliw sayo?" Sabay pogi pose niya sa akin at binatukan ko nga.

"Shunga mo! Tumigil ka nga." Sabi ko sabay ngiti.

"Shunga-shunga ba talaga ako? Eh naging shunga lang naman ako dahil sayo eh." Sabay tawa niya ng malakas.

"Natamaan ka ba Gabriella? In love ka na ba agad sa akin?" Tanong niya sa akin ng pabiro. Di pa ba 'to nakakainom ng gamot niya? Hayy dapat magpa rehab na  to. TSK.... pero juks lang hahaha

"Tigil-tigilan mo nga ako Ken! Nakakainis ka... Libre mo nalang akong ice-cream! Please...."

"Hmmmm..... Sige na nga. Masyado ka kasing makulit eh. Tara punta tayo sa canteen." Sabi niya sa akin at bigla ba naman akong hatakin palabas ng canteen. Hawakan ba naman ang kamay ko? Eh bahala na yan! Gutom na din ako at nagc-crave talaga ako sa ice-cream eh. Nawala na din ang antok ko dahil sa makulit na lalaking ito. Ang saya niyang kasama!! Baka maging boy best friend ko 'to. Mas okay siya ng SOBRA kesa kay Kurt! Waiittt..... bakit palagi kong sinasali si Kurt?

At nakarating na nga kami ni Ken sa canteen at binilihan niya ako ng ube ice-cream. Hala!! Bawal akong ube ice-cream! Allergic ako sa ube! Bawal ako niyan...

"Ah Ken..... Bawal ako niyan." Sabi ko sa kanya at napatigil naman siya.

"Huh? Akala ko ba gusto mo ng ice-cream?" Tanong niya sa akin.

"E-eh allergic ako sa ube eh. Kaya wag nalang yang flavor na yan please....." Sabi ko sa kanya at nabigla naman siya.

"Ayy sorry sorry di ko naman alam eh. Kaya sorry Gabriella. Sorry Gabriella...." At hinawakan niya ang kamay ko dahil nag s-sorry siya. Ang OA naman nito ni Ken. Di ko pa nga nakakain eh.

I'd Rather DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon