Chapter Twelve: Smile in his Eyes

192 7 0
                                    

Mag a alas otso ng magising si Tyrone na may kumakatok sa kanyang kwarto... dahan dahan itong bumangon at binuksan ang pinto.

"oh? Doc... (sabay kusot sakanyang mga mata)"

"good morning! ano? today is another day! so? let's explore the world! mag ready ka na hintayin kita sa resto... we will take a meal muna then we will explore the wonders of this resort ok?"

"hmmmn... (sabay ngumiti) ok... ten minutes and I'll be there!"

Lumakad papuntang resto si Arvin ay si Tyrone naman ay isinira ang pinto upang mag hilamos at mag ayos. matapos ang ilang minuto ay lunabas na din ng kwarto si Tyrone.

"so? doc? what's our plan today? (sabay ngiti at umupo)"

"marami... island hoping... snorkeling... banana boat riding at marami pang iba (sabay higop ng kape)"

"wow... paguran pala tong araw na ito... pero sige lang... sulitin natin ang araw na ito..."

"look what I've got?"

"ano?"

"daaaraaaah! water proof camera! so we can capture the moments"

"ay? iba... pinag handaan ah..."

"hindi naman... diba nga mahilig din ako mag travel? so i have this diba? para pag asa beach... no worries"

"tama... may point (sabay kagat sa tinapay)"

"aren't you excited?"

"wait... teka lang... parang may iba sayo today? epekto ba yan ng pag inom natin kagabi? ang alam ko naka isang bote ka lang ah?"

"anong iba? (sabay kunot ng noo at napaisip)"

"ang hyper mo today (sabay ngiti nito)"

"bakit? anong masaya... im just energized... happy lang... excited ganon"

"excited e parang hindi naman bago sayo tong mga ganitong ginagawa"

"alam mo tara na... ubusin mo na yan... at mag island hoping pa tayo"

"ito naman... eto na nga"

Naglakad ang dalawa papuntang pampang at sumakay ng bangka kasama ang iba pang mga pasahero.

"so? let's document this... tara picture tayo (aya ni Arvin)"

"ok sige one two three smile!"

Nag punta sila sa ibat ibang karatig na island ng resort... napaka gaganda ng mga tanawin... mapuputing buhangin... halos lahat ng sakay ng bangkang iyon ay hindi maialis ang nga ngiti sa kanilang mga labi... matapos ang island hoping ay nag snorkeling naman ang dalawa... napaka linaw ng karagatan... halos kitang kita mo yung mga nasa ilalim. may ibat ibang kulay ng mga maliliit na isda at buhay na buhay ang nga coral sa ilalim.
walang tigil sa kakakuha ng larawan si Arvin nung araw na iyon. maghahapon na ng matapos ang lahat ng activities nung araw na iyon. nakarating na sila sa pampang ng resort at nag lakad.

"hooh! ang saya! (ani ni Tyrone)"

"I'm happy... nag enjoy ka (sabay upo nito sa ilalim ng puno)"

"oo naman... salamat nga pala doc ah... kahit hindi ako mahilig sa mga ganito e kahit papaano na enjoy ko..."

"masaya ako na masaya ka... yung mga ngiti mo kanina? hindi fake... sobrang surreal... sa mga mata mo nag sisimula yung ngiti... at masaya akong makita yon"

"wow... ang lalim ah... sa mata nag sisumula ang ngiti?"

"hindi ba nga? makikita mo sa isang tao kung masaya siya sa mata... sa mata nagsisimula yun... minsan kasi kahit anong ngiti mo? makikita mo sa mata kung malungkot ka o hindi... minsan nakikita ko sayo yun... na peke lang ang pagiging masaya mo... pero ngayon? iba... ibang iba na..."

"at dahil yun sa iyo... salamat doc ah... for everything... sa lahat lahat... sa dito... sa pagtulong... kung hindi ata dahil sayo malamang lugmok parin ako..."

"sus... wala yun... deserve mo naman ang lahat ng ito..."

"paano kaya ako makakabawi sayo no? sa lahat lahat ng efforts mo, sa mga ginagawa mong ito para sa akin... sana dumating yung araw na ako naman ang makakabawi sayo"

"sus... wala to... ano ka ba... hindi ako nag aantay ng kapalit... makita lang kitang ok? na naka move on ka na... na masayang masaya ka? ok na ko doon"

"yun nga e... hindi naman tayo halos magkakilala noon? kinikilala palang natin ang isat isa ngayon pero yung care? para sa akin? iba... at hindi ko alam kung anong meron... bat ganito ka sakin... pero... salamat ng marami doc... salamat talaga"

"kasi nga... maha... ah.. kasi nga diba? magkaibigan tayo... ano bang ginagawa ng magkaka ibigan? pinapasaya ang kaibigan diba?"

"oo nga naman... alam mo halos ata 40% ng buhay ko nakwento ko na sayo... pero ikaw? wala manlang akong alam tungkol sayo... hindi ka manlang nag kwe kwento"

"hindi naman na kasi kailangan... may mga bagay na hindi na dapat binabalikan pa kasi malulungkot ka lang eh.. dapat every day... lagi kang pasulong... kasi minsan pag balik ka ng balik sa nakaraan hihilahin ka lang non pababa"

"hihilahin pababa? what do you mean?"

"hihilahin pababa... kung malungkot yung nakaraan mo at lagi mong binabalikan... ma di depressed ka lang... ma i stress diba? ang ending magmumukmok ka nanaman... mawawasak ka naman... imbis na binubuo mo na ang lahat... babalik ka naman sa pag ka wasak"

"napaka mysterious mo naman... parang napaka lungkot din ng pinanggalingan mong relasyon doc?"

"kaya nga ayoko ng pag usapan at balikan pa... kasi ang importante yung ngayon... yung eto... yung masaya lang... at masaya ako ngayon na napapasaya ko ang isang katulad mo"

"ang cheesy naman.. alam mo... pag dumating yung taong mamahalin mo doc? napaka swerte niya... kasi iba ka sa lahat... at magiging masaya ako para sayo pag dumating yung araw na yun para sayo doc"

"nararamdaman ko malapit na... malapit na malapit na..."

"wow... talaga? may dine date ka? hindi mo nabanggit sakin yun... wow... mukhang gusto mo siya ah..."

"oo gustong gusto ko siya... sana lang dumating yung araw na handa na siya... na... handang magmahal muli at hayaan akong mahilin siya"

"nako... ewan ko nalang kung hindi pa siya maging handa... ang swerte swerte niya sayo doc no... basta ha? pakilala mo ko... tapos sana pag kayo na huwag mo kang mag babago a? sana hindi mo ko makalimutan... na lalabas parin tayo at mag uusap tulad ng ginagawa natin ngayon..."

"ikaw pa ba? ikaw yung tipo ng tao na hindi kinakalimutan..."

"talaga? salamat ah? ang ganda ng sunset no?"

"oo nga eh... madalas ko yang makita oag andito ako..."

"ay? teka... patingin naman ng mga pictures natin... mamaya ah... sinadya mong kunan ako ng nakakatawa"

"ano ka ba... hindi no... ang gaganda kaya ng kuha mo lalo na nung mga nakangiti ka... halika dito eto oh..."

" (habang tinitignan ang mag pictures sa camera) teka... paano mo nga pala mapapasa sakin itong mga pictures natin... wala naman akong dalang laptop o usb manlang"

"edi sa Facebook..."

"ay oo nga pala... tanga lang..."

"kaso hindi pa tayo friends doon, add nalang kita tapos send ko sayo mga pics? or tag nalang kita..."

"sige sige masaya yan... yung full name ko naman ang pangalan ko doon ma se search mo naman agad doc"

"sige... basta i accept mo ko ah?"

"oo naman... tara na... mag banlaw na tayo doc"

"oo nga tara na ng maya maya makapag dinner na tayo"

At bumalik na ang dalawa sa kani kanilang mga kwarto.

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon