Chapter One: Where it Started

1.3K 23 2
                                    

Some of Us are searching for their Forever, sabi nga ng mga bitter? walang Forever nasa satin naman yun kung paano natin mahahanap. Minsan hindi natin alam nandyan na pala... tulad ko... dumating na sa buhay ko ang Forever ko sana kaso wala naman akong ginawa kundi saktan siya, minsan nakakalimutan kong iparamdama sakanya kung gaano ko siya kamahal. nabali wala ko siya kaya minsan tayo rin ang nagiging dahilan para mawala sila. anim na taon rin kaming nagsama, naging mag partner pero sa anim na taon na yun, oo nagawa ko naman siyang pasayahin pero pakiramdam ko mas lamang ung mga pagdurusa niya sakin. ewan ko... hindi ko rin alam, siguro napagod ako sa mga pinanggalingan kong mga relasyon na nasaktan lang ako ng sobra kaya siguro pagdating sakanya hindi ko na mabigay ng buo yung sarili ko but he doesn't deserved that, isa siya sa mga taong nagparamdam sakin kung gaano ako kaimportante,na ka mahal mahal ako sakabila ng lahat. halos ibinigay niya ang pusot kaluluwa niya sakin, halos wala siyang tinira para sa sarili niya, isa siya sa mga pinaka mabait na tao at nung nawala siya? isa yun sa pinaka pinagsisihan ko sa buong buhay ko. diba nga? sabi nila doon mo lang malalalman ang halaga ng isang tao pag wala na siya? at totoo yon. inaamin ko na nasaktan ako nung nawala siya pero ganon talaga ang buhay...

kailangan mong magpakatatag, kailangan mong ituloy at mag simula kung ano yung naiwan sayo. at sa naiwan sayo kailangang pagyabungin mo yun, ipakita na kahit papaano kaya mo. kaya matapos ang anim na taon eto nagsisimula akong bumangon ulet, at napag isip isip ko ang mga rason kung bakit siya nagpasyang iwan ako... sa mga panahong yon, nagsisimula na ko ulet ng bagong buhay alam ko na masaya na siya sa piling ng iba,

Kung nasan man siya ngayon? sana talaga masaya siya at sana hindi katulad ko yung taong pumalit sakin sa buhay niya na iparamdam sakanya kung gaano siya kabuting tao at mahalin siya ng tapat.

Matapos naming maghiwalay? hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko, nawalan ako ng direksyon eh. siya kasi yung nagbibigay sakin ng lakas, siya yung nagiging sandalan ko sa nga panahong pakiramdam ko mag isa ako. Pero nung nawala siya doon ako nakabalik sa mga kaibigan ko at nakilala kung sino yung mga taong handang dumamay sakin. wala akong ginawa kundi lumabas ng lumabas kasama sila para maaliw, makalimot, para hindi ko marandaman yung sakit ng pagkawala niya.

"hooooooh!!! Party party!"

"Bat ang tahimik mo naman besh?"

"wala naman,"

"Hoy! Tyrone... kaya ka namin sinama ni Jona dito para mag enjoy... hindi para mag mukmok no! tara tagay!"

"sabi nga neto ni Noemi, kung hindi ka pa nakipag break eh... hindi ka ulet magkaka time samin, ni hindi mo na kami napapansin..."

"Anim na taon rin kasi akong nakulong sakanya eh, alam niyo naman yun, napaka controlling, kung anong plano niya yun yung nasusunod"

"oh... tamo ano ka ngayon? edi iniwan ka? ano ba kasing nangyari?"

"april...!"

"nako Jona, dapat makwento niya yan, para malabas niya diba Noemi?"

"Oo, tama..."

"haist... to make it short nagising nalang siya isang araw na hindi na niya ko mahal, ganon lang kasimple, na may pumalit na sakin, na may bago ng nagpapasaya sakanya... isang text lang... sinabi niya sakin na ayaw na niya... grabe... anim na taon, siguro naman deserved ko na bigyan niya ko ng maayos na closure, ng maayos na pamama alam, kung ano bang dahilan at umayaw na siya... naisip ko rin naman kasi na kasalan ko rin naman kasi talaga ang lahat"

"alam mo? ang pangit ng break up niyo tol, bakit kasi hindi ka manlang niya binigyan ng closure na maayos, sana nag hiwalay kayo ng maayos"

"ewan ko ba noemi"

"eh... ano namang pinagkaka abalahan mo na ngayon bukod sa trabaho mo? mahirap kaso yang ganyan na parang naiwan ka sa ere"

"eto installed ng mga gay apps, hanap hanap ng mga makaka date"

"sus alam mo dapat magpahinga ka muna, huwang mong madaliin yung proseso ang lalabas niyan parang naging rebound nalang yung susunod, bigyan mo muna ng panahon yang sarili mo tol"

"nakakatulong din kasi sila yung may kausap ako, bagong nakaka get to know ganon, kahit papaano kasi hindi ko siya naiisip"

"nako nako bahala ka nga basta, pinagsabihan na kita ok?"

"eh anong magagawa mo!? maganda ako eh, hindi nababakante"

"edi... ikaw na... ahaha!"

matapos ng ilang beses na paglavas labas namin ng nga barkada ko, Hindi ko rin naman inaasang may makikilala akong bagong tao na papasok sa buhay ko. hindi ko alam kung bakit siya dumating, kung para saan? at anong dahilan. ang mahalaga ngayon natututo na kong mag simula.

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon