Chapter Thirteen: Discovered

221 7 7
                                    

Pagkapasok ni Arvin sa kanyang kwarto ay umupo ito sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone, binuksan ang wifi at kanyang facebook para i add si Tyrone... matapos niyang i type ang pangalan nito ay lumabas na nga ang account nito. hindi muna niya nai add ito dahil tinignan muna niya ang mga larawan ng binata... nagulantang siya... nanlaki ang mga mata at pinagpawisan ng makita niya si Tyrone na may kasamang lalaki sa bawat larawan nito...

"hindi ako pwedeng magkamali... siya yun... yung lalaking may kasama... yung lalaking nasa coffee shop... lintik.. harap harapan ko pang nakita ang x bf ni Tyrone at yung pinalit sakanya... naaalala ko na... Jervy at Patrick ang name non... at si Jervy ang x ni Tyrone... hindi ko alam... hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanya na nakita ko yung dalawa o hindi... masyado pang fragile si Tyrone... hindi pwede... masasaktan siya nagsisimula na siyang bumangon... at hindi pwedeng kung kelan na siya bumabawi e ako pa ang dahilan ng pagbagsak niya ulit... (sabi nito sa kanyang sarili)"

maya maya ay na i add na niya si Tyrone... at unti unting na i send ang kanilang mga larawan. tumayo ito at nag shower. habang umaagos ang tubig mula sa shower ay napakalalim ng iniisip ni Arvin. nakita na niya kung gaano na kasaya si Jervy sa bago nitong partner at alam niyang pag nalaman iyon ni Tyrone ay guguho nanaman ang mundo nito. matapos mag shower ay disidido na ang binatang itago muna sa kaibigan ang lahat. habang nagbibihis ay narinig niyang may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto at dahan dahan niya itong sinilip... si Tyrone... hindi niya alam kung bubuksan niya ang pinto... kung kaya ba niyang tumingin sa mga mata nito ng may tinatagong lihim... hindi pwede kailangan niyang maging normal para sa kaibigan. pumikit at huminga ito ng malalim at dahan dahang binuksan ang pinto.

"ano doc? kamusta? nakapag shower ka na din pala..."

"oo... lika pasok... oh?  napunta ka dito (halos hindi makatingin sa binata)"

"wala kasi akong makausap, naiinip ako sa kwarto ko... at saka... gusto ko ding makita lahat ng mga pictures natin ulet"

"ah ganon ba... halika... eto oh... (kinuha ang camera) at dahan dahang umupo sa tabi ng binata)"

"alin kaya dito ang pwede kong maging profile pic doc? haha (tawa nito) tingin mo? pakiramdam ko ang pangit pangit ko na talaga"

"ano ka ba hindi ka pangit (habang sabay nilang tinitignan ang mga pictures) napaka good looking mo nga eh... partida... stress at may pinagdadaanan ka pa niyan... paaano pala kung wala (sabay tingin at ngumiti sa binata)"

"loko loko... dami mong alam doc... (napatingin ito at nailapit ang kanyang mukha kay Arvin)"

Nagkatitigan ang dalawa... yung titig na nangungusap, na pumapasok hanggang sa kaluluwa... dahan dahang kinuha ni Arvin ang kamay ng binata at hinawakan ito... nanlaki ang mga mata ni Tyrone... nagulat... hindi alam ang gagawin... hanggang sa dahan dahan nilapit ni Arvin ang kanyang muka ng mas malapit sa mukha ni Tyrone... unti unting naglapat ang mga labi ng dalawa... ng biglang...

"teka... doc... hindi ata tama ito... (dahan dahang tumayo)"

"ang alin?"

"itong gagawin natin...yung paghalik mo sakin? ano to? bakit? "

"hindi ba tinatanong mo kung bakit? kung bakit kahit hindi kita kilala... e ganito nalang kita tulungan... ganito nalang yung conncern ko sayo? kasi nung una kitang makita... nakita ko yung lungkot sa mga mata mo... nakita ko na you don't deserve it... na nung una kitang nakita i knew that i want to be with you..."

"you want to be with me?"

"oo... kasi yung araw araw na kausap kita... na nakakasama kita alam ko na mahal kita..."

"mahal mo ko?"

" (kinuha ang kamay ng binata) Tyrone mahal kita... I'm here in the moment that you were broken... not just because i want to help you to pick up the pieces and make you whole again... it just happened that I'm falling in love with you... and that's it... no other reason"

"alam ko... that you're a good guy... a man that anyone can fall in love with... but you don't deserve to love me... you don't deserve to be a rebound... mahirap magmahal ulet... kasi hindi pa ko tapos magmahal ng iba"

"kelan ka matatapos?"

"hindi ko alam... hindi ko alam... (dahan dahang tumulo ang mga luha sa mata nito) "

"im sorry (dahan dahang nilagay ni Arvin ang kanyang mga kamay sa mukha ni Tyrone at pinahiran ito) don't cry... you don't deserve it... im sorry kung nabigla kita... im sorry kung tingin mo masyado akong mabilis... pero hindi ko mapipigilan ang sarili kong mahalin ka... yun lang yun... handa akong maghintay kung kelan ka magiging handa"

"salamat (dahan dahan nitong niyakap ang binata)"

"ikaw ah... tama na ang drama... (ngiti nito) magpahinga ka na alam kong pagod ka"

"ikaw kasi eh... pero salamat... salamat at naiinitindigan mo ako... salamat kasi andyan ka... para tulungan ako... para mapasaya ako... i wish i could love you the way you want me to love you... pero hindi ko pa kaya... hindi pa kaya nito (sabay hawak sa kanyang dibdib)"

"halaka (hinawakan ang dalawang kamay ng binaga) naniniwala ako... na darating yung tamang panahon... yung panahon na kaya mo na... yung panahon na magmamahal ka ulet... makakabangon ka ulet... alam ko yun..."

"kakayanin ko... dahil alam kong andyan ka... salamat Arvin (at hinalikan nito ito sa pisngi)"

"is that a sign?"

"yeah (at ngumiti ito at lumakad papalabas ng kwarto) yung mga pics ha! (biro nito)"

"oo na po... eto na nga nag sesend na... tag pa kita! pero i confirm mo muna kaya ako?"

"oo... wag ka mag madali ni a accept kita (kindat nito)"

matapos lumabas ni Tyrone sa kwarto ay napaupo c Arvin at patingin sa kisame ng kanyang kwarto at napangiti... dahil sa halik ni sa kanyang pisngi ay umaasa siyang darating ang panahon na maibibigay din ni Tyrone ang kanyang sarili ng buo at handang magmahal ulet... samantala sa kabilang banda... nakasilip sa bintana si Tyrone habang humihithit ng kanyang sigarilo...

"hindi ko alam... nagulat rin ako sa sinabi ni doc... napaka bait niya at deserve niyang mahalin... pero hindi ko alam kung ako ba yung tamang tao para sa kanya... magulo... hindi ko alam... hindi ko alam... (habang kinakausap ang kanyabg sarili) matapos non ay nag sipilyo na ito ay humaga na sakanyang kama ng makapag pahinga na.

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon