Chapter Fifteen: Changing Our Lives

90 4 0
                                    

Aaminin ko na hindi ko naman talaga ganon kagusto si Jervy nung una pero alam ko na we can work it out. Hanggang sa dumating na yung araw na we became official.

"so Tyrone,were official na..."

"oo nga eh... Yung akalain mong si Simon pa yung magiging dahilan para makilala natin ang isat isa diba?"

"well lets forget about him na... We have our own life na, ang first struggle natin ngayon eh... Kung paano tayo madalas magkikita... Alam mo naman iba yung schedule ko... Call center ako at ikaw naman normal yung buhay mo... Pag papasok ka... Pauwi palang ako"

"kaya nga eh... We can work it out naman magagawan natin ng paraan yan"

Naging matyaga si Jervy noon, halos araw araw niyang ginagawa na bago siya pumasok eh dinadaanan muna niya ko bago ako umuwi. Nagawan namin ng paraan na maging madalas yung pagkikita namin. Bago siya pumasok nag di dinner muna kami kasi 10pm naman pasok niya at 6pm naman ang uwi. Naging habit nanamin yun. Until Jervy made his big move. Were having a dinner by that time.

"Ty... I think need ko ng mag resign"

"oh? Bakit? Eh diba... Napaka bait ng mga officemates mo? Halos close kayong lahat, ok naman yung sahod mo... Grabe nga eh... Mas malaki pa sahod mo sakin"

"hindi yun eh... Kasi wala tayong ganong quality time. Lagi nalang tayo nagmamadali mag dinner kasi baka malate ako tapos ikaw kailangan mong makauwi agad kasi maaga pa pasok mo kinabukasan"

"nahihirapan ka na ba sa sitwasyon natin?"

"hindi... Hinding hindi ako mahihirapan kung para sa iyo lahat kaya kong gawin... Kasi mahal na mahal kita Tyrone, yung akin lang i want to have a quality time with you... Hindi ko kailangan ng malaking sahod kung hindi naman ako magiging masaya... Siguro maghahanap nalang ako ng work na parehas sayo ang schedule... Para diba? Sabay tayo uuwi. Hindi tayo magmamadali"

"siguro ka na ba diyan? Napag isipan mo na ba ng maraming beses?"

"oo naman... Para satin"

"kung yan ang decision mo at yan ang makakapag pasaya sayo nandito lang naman ako lagi to support you... Alam mo naman yun"

"salamat ah..."

"wala yun"

Isa yun sa mga risk na ginawa ni Jervy para sakin. Di naman nagtagal after niya mag resign nakahanap naman siya agad ng trabaho. Hindi nga lang kasing laki ng sinasahod niya noon pero ok naman para sa pang araw araw. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang yun. Siguro naging way yun ni God para maiba siya ng landas. Siguro naging tulay ako para mas maging normal ang buhay niya. Mas naging maganda ang takbo ng career niya noon. Hanggang sa naging Officer na siya at ako naman ang nag risk. Ng makaipo. Nag resign naman ako para makapag board exam. Malaki ang nagiging commission ni Jervy kasi Sales Officer na nga siya. Kumuha kami ng apartment na malapit sa review school na pinapasukan ko para hindi ako mahirapan sa pagpasok at makauwi agad at makapag aral. Hindi din naman ganon kalayo yung apartment na kinuha namin sa pinapasukan niyang trabaho kaya hindi naging ganon kahirap ang lahat. Ma pride akong tao kaya hindi ako humingi ng tulong sa mga magulang ko. Oo may kaya kami at naka aangat sa buhay but i want to made a name for myself. Alam ng magulang ko kung ano ako at wala akong tinatago sakanila. Alam din nila yung tungkol sa amin ni Jervy at wala naman silang problema doon. hanggang sa isang araw nalaman nila mama at papa kung saan ako umuuwi kaya pinuntahan nila ako.

"ma... Napadalaw kayo"

"oh may dala kaming pasalubong"

"pasok ma..."

"ano ka ba naman anak? Hindi ka manlang nagsasabi sa amin, na gusto mo ng mag take ng board at magreview. Edi sana natulungan ka namin ng papa mo..."

"oo nga naman anak alam mo namang lahat ng gagawin niyong magkapatid eh lagi kaming nakasuporta sa inyo(ani ng kanyang ama)"

"tignan mo... Ang liit liit ng kwarto mo, ang init init... Walang bintana... Wala manlang pumapasok na hangin...
Anak naman... Sana nagsabi ka... Edi sana kinuhaan ka namin ng paa mo ng mas maayos dito... Mas maganda"

"ok naman dito ma..."

"naabutan ka pa naming magluto... Di sana kinuhaan ka namin ng maid, paano ka makakapag focus niyan sa pag aaral mo kung pati pag luluto ng kakainin mo e poproblemahin mo pa"

"ok lang ma... Sanay naman na ko... Malapit na to maluto dito na kayo kumain, maya maya darating naman na din si Jervy"

"si Jervy? Siguro siya nanaman ang nasunod kaya umoo ka nalang dito sa kwarto na ito? Ang liit liit ang sikip sikip, napaka init"

"hindi naman ma"

"totoo naman, simula ng naging kayo eh wala ka ng ginawa kundi umoo ng umoo sakanya... Eh ang tali talino mo ah? Para ka ng nawalan ng utak... Na lahat ng sabihin niya yun ang nasusunod. Halos lahat ng decision nasakanya... Eh... Paaano ka?"

"ma... Tama na... Kaya naman yan ni Tyrone..."

"oh... Ma, andyan na ata si Jervy.. Mag hahain na ko ng makakain na tayo... Saglit lang ah..."

"pa... Naaawa ako sa anak natin... Ano ba ito (bulong nito)"

"malaki na yan.. Alam na niya ginagawa niya..."

Matapos namin kumain ay umalis narin sila mama at papa para umuwi sa bahay namin. Sa totoo lang tama naman talaga si Mama, Jervy is very controlling... Halos lahat siya ang nasusunod... Kung saan kami kakain, kung saan kami pupunta, kung anong gagawin namin. Hindi ko yun naiisip dahil ang alam ko... Kailangan kong mag focus para sa kinabukasan namin. Mabait naman si Jervy at never niya kong pinapabayaan, halos bigay hilig nga ako sakanya. Mas grabe pa siyang mag spoiled kesa sa parents ko.

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon