Chapter Ten: The Vacation

185 6 0
                                    

Mga mag tatanghalian na ng dumating ang dalawa sa Resort na pag aari nila Arvin... mataas at tirik na tirik ang araw... napaka ganda ng panahon para mag beach.

"so? welcome!!! to our little resort!"

"humble ah... maliit pa to sa lagay na to ah..."

"tara... pasok..."

"sige"

sinalubong ang dalawa ng mga empleyado sa resort...

"nako sir Arvin... napa dalaw kayo... kamusta po?"

"eto ok naman... kamusta naman kayo dito ha?"

"ayos naman po kami dito sir"

"paki handa naman kami ng tag isabg kwarto... anyway here's my friend Tyrone... we will stay herw for five days"

"ah sige sir... sasabihan ko lang po ang mga tao na ihanda na yung dalawang kwarto para sa inyo"

"sige... salamat ah"

Naglakad lakad muna ang dalawa upang maikot ang resort habang inaayos oa ang kwarto na tutuluyan ng dalawa.

"oh... ayan ha? dalawang kwarto kinuha ko... hiwalay tayo baka iba kasi isipin mo... ahaha! (sabay tawa nito)"

"hoy! wala akong sinabi ha?"

"ahaha! ito naman hindi mabiro"

"ang yaman mo pala... ang laki laki ng resort niyo..."

"ako? mayaman? hindi din... hindi naman akin to sa magulang ko to..."

"kahit na... given naman na yun na magiging sayo rin to pagdating ng panahon"

"hindi ko naman pa iniisip yun... kasi ang iniisip ko makapag pundar ng akin"

"tara... upo muna tayo dito... hay... hmmmmn... ang sarap ng hangin... napaka sariwa... nakaka relax"

"yun naman ang plano kaya ka nandito diba? para makapag relax ka... at maiayos kung ano ang dapat maayos"

"oo nga eh... salamat Arvin ah..."

"sus wala yun..."

"alam mo nakakatulong karin kasi kahit papa ano may nakakausap ako may napapaglabasan ng sama ng loob at syempre nagbibigay ng payo sakin"

"yun naman talaga ang papel ko dito... ang makinig at matulungan kang maiayos ang sarili mo"

"oo... nga yun nga pinagtataka ko kasi... hindi naman kita kilala nung simula... pero eto ka you're eager enough to help me through this... bakit nga ba?"

"ah... eh... wala naman... (hindi makatingin kay Tyrone)"

"oh... bakit? bakit hindi ka makatingin sakin ha?"

"wala! (sabay saboy kay Tyrone ng buhangin)"

"aba... ganon ah... nanghahamon ah... (sabay ganti nito ng saboy ng buhangin sa binata)"

Tumakbo si Arvin at hinabol siya ni Tyrone hanggang sa nagtampisaw na ang dalawa sa malinis at mala crystal na kulay ng dagat... nung araw na iyon ay parang batang nagtampisaw at naglaro sa tubig ang dalawa. walang iniisip... kundi tumawa lang at maging masaya. hanggang sa nag aya na si Tyrone na bumalik sa lounge ng resort dahil hinihingal na ito...

"ayan kasi... yosi ng yosi... ang bilis mo na tuloy mapagod"

"oo nga e ang bilis ko ng hingalin"

"alam mo nakakatulong ang swimming for proper breathing..."

"oo nga eh..."

"ano? mamaya?"

"excited to? mahaba pa ang ilalagi natin dito.... kalma doc may bukas pa (pang aasar nito)"

"oo na... tara na ilagay na natin muna tong mga gamit natin sa mga kwarto natin then... para makakain na din tayo"

"sige ba... tara..."

Naglakad ang dalawa patungo sa mga kwarto nila... magkatabi lang ito para kung sakaling may kailanganin ay madali nilang matatawag ang isat isa. matapos ayusin ang mga gamit nila ay lumabas na si Arvin ng kwarto at kinatok si Tyrone.

"Ty... gusto mo na bang kumain?"

binuksan ni Tyrone ang pinto...

"mamaya maya nalang siguro busog busog pa naman ako..."

"gusto mo bang mapag isa muna?"

"siguro... oo..."

"oh basta text or tawagan mo nalang muna ako pag gusto mo ng kumain o gusto mo ng makakausap ah? lakad lakad nalang muna ako sa labas, baka napagod ka sa byahe pahinga ka muna dyan"

"sige... salamat ah... (sabay sara ng pinto)"

Naglakad si Arvin upang mamasyal masyal sa labas para hindi siya mainip. habang si Tyrone ay naiwan sa kwarto niya. nakahiga ito ng patihaya at nakatingin lang sa ceiling ng kanyang kwarto. halatang malalim ang iniisip nito, naiisip niya ang x niya na napaka hilig mag travel na hindi non nagawa dahil pagurin si Tyrone at tamad mag byahe...

"ano na kayang ginagawa niya ngayon? masaya kaya siya? nagagawa na ba niya yung mga bagay na gusto niyang gawin noon? malamang oo... at sana kasing adventurous niya rin yung bago niya at sana... sana dumating yung panahon na makapag kita kami... makapag paalam ng maayos sa isat isa... yun nalang ang kailangan ko pero habang wala pa iyon... magpakatatag ka Tyrone... binigyan mo na ng kalayaan ang sarili mo kaya wala ka ng dahilan para mag mukmok pa ngayon... kaya ka nga dinala rito... hindi sila Noemi, Jona, April at Arvin ang makakatulong sayo... kundi ikaw.... ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo Ty"

(pagkakausap nito sakanyang sarili, at tumayo ito papuntang C.R at naghilamos... napatingin ito sa salamin at kinausap muli ang sarili)

"Magpakatatag Ka Ty... wala kang hindi kinaya diba? maliit na bagay lang ito... kaya mo to... kaya mo..." (sabay buntong hininga)

bumalik ito sa kama niya at humiga hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang sakabilang banda naman si Arvin ay busy kaka kuha ng pictures at pag popost nito sa social media niya nandon narin naman siya makakatulong ito upang mas lalo pang maraming pumunta sa resort nila. habang maya maya ay nag ring ang cellphone nito.

"oy? Tyrone? may problema ba pare?"

"wala naman... hindi ko na pala namalayang nakatulog na pala ako... sorry... asan ka na? dapat nag eenjoy tayo ngayon... sorry..."

"ano ka ba? wala yun... alam ko ang pinagdadaanan mo... alam ko rin naman na kailangan mong mapag isa... makapag isip isip... wag mo kong alalahanin... kaya ko namang pasayahin sarili ko habang wala ka (biro nito)"

"talaga lang ah... maganda ba view diyan? marami bang awra?"

"awra ka diyan... sira ka... nakapag pahinga ka ba ng maayos?"

"oo naman... tara inuman... kwentuhan?"

"bago uminom... kumain muna... mahirap iinom inom walang kalaman laman ang tyan"

"o sige sige doc... ok. kakain na muna tayo"
"so paaano? kita nalang tayo sa resto ok?"

"sige... sige... babangon na ko"

"ok sige... lakad na rin ako pabalik... see you"

"ok... sige see you"

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon