Chapter Twenty One: Everblue

40 1 0
                                    

Itinago nila Arvin at Derick ang kanilang relasyon sa lahat, normal ang kanilang kilos pag magkasama sa labas at sa school na tulad ng dati na matalik silang magkaibigan sa mata ng iba, ngunit sa puso nila higit pa doon ang meron sila. Bumuo ng maraming ala ala ang dalawa... Lumalabas, nag babakasyon ng magkasama ng sila lamang dalawa. Walang naging problema ang dalawa dahil sigurado sila na ang isa't isa lamang ang mahal nila. Kung my pag tatalo man ay napaka liit lamang at naaayos nila lahat.

Hanggang sa dumating na ang taon na nagtapos ang dalawa ng kanilang pag aaral, si Derick? Alam na niya ang kanyang patutunguhan matapos niyang matapos ang kaniyang kurso, panganay na lalaki siya kaya mag sasanay siya sa pag nenegosyo upang pagdating ng takdang panahon ay siya na ang mamamalakad sakanilang negosyo. Habang si Arvin naman ay may kakaharapin pang review, doctorate at board exam. Naging madali ang lahat sakanilang dalawa dahil alam naman na nila nag kanilang kahihinatnan sa buhay.  Matapos sa opisina at matyaga naman sinusundo ni Derick ang Nobyong si Arvin kung nasan man ito. Habang kumakain sa isang restaurant ay nag usap ang dalawa.

"Grabe, we been through ups and down of our lives and now? Here we are going strong we will celebrating our 4th year next month" (naka ngiting sambit ni Arvin).

"Kaya nga eh... Biruin mo kung hindi pa ko na ospital eh... Hindi ka pa aamin" (biro ni Derick).

"oo na.. Mag to throwback pa? Ang mahalaga eh masaya tayo ngayon hindi ba?

"oo na, pero babe... Kelan tayo aamin? Kelan natin sasabihin kila mama, sa parents mo yung tungkol sa atin? Kasi diba maganda rin siguro kung my basbas nila abg relasyon natin, saka para mawala narin tayong tinatago diba? At least hindi man tayo maging tanggap ng iba, eh sa parents natin maging ok naman tayo"

"babe (hawak sa kamay ni Derick) gusto ko rin yan... Pero hindi ba masyado pang maaga? Tingin mo... Kasi hindi pa ko nakaka pasa sa board, siguro after nalang..."

"bakit?babe Bakit kailangan pang after ng board exam mo? Eh... Hindi mo naman na kailangang may patunayan sa parents ko, they know you very well..."

"hindi yon babe, i'm just being realistic here, kasi tingin ko siguro dapat dahan dahanin natin sila kasi una... Hindi pa tayo out sakanila, hindi pa nila alam kung ano tayo, siguro mas okey na isa isa lang muna, para hindi sila mabigla. Umamin muna tayo sa kanila kung ano tayo, tapos timplahin natin pag tinanggap nila then after a month pwede na tayong umamin sa relasyon natin"

"tingin mo ba babe?"

"kasi baka magulat sila sa lahat, paano kung magalit sila, paano kung hindi nila tayo tanggap kung ano tayo, baka magkagulo, baka hindi ako maka pag focus sa board exam ko and worst bumagsak pa ko"

"sabagay, tama ka babe. Huwag muna nating madaliin ang lahat, gawin natin yun pag handa na ang lahat lalo na ngayon at nasa training parin ako para sa kumpanya, alam mo ang swerte swerte ko sayo..."

"babe, tigilan ang pambobola, next month pa anniversary natin"

"totoo naman babe, thank you... Thank you for loving me... Ikaw ang gusto ko maka sama habang buhay"

"ako rin babe, wala na kong hahanapin pa babe".

[Present]

"wow, ang sweet... Ang ganda ganda naman pala ng love story mo Doc, mahal na mahal niyo talaga ang isat isa no?"

"oo naman, napaka bait non ni Derick, wala akong masabi, napaka maalalahanin, maalaga, gwapo, matalino, yung lahat na nasa kanya"

"mahal na mahal niyo ang isa't isa, wala naman palang dahilan para maghiwalay kayo eh?"

"wala nga, hindi naman talaga kami mag hihiwalay kung kami lang ang masusunod eh"

"pero may balita ka pa sa kanya ngayon? Alam mo ba kung nasan na siya ngayon? Bat hindi mo siya kausapin? Balikan? Ayusin kung anong naiwan?"

Can We Still Be Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon