Wein's POV
"Weeeeiiinnn!! Bangon na! Magpapaenroll pa lang tayo baka malate tayo!" Sigaw ni Yannie sa pintuan ng kwarto ko. Sungit niya talaga. -_-
"Oo na! Eto na maliligo na!" Pagbangon ko dumeretso na ko sa banyo at pagkatapos ko ay bumaba na. "Nasan yung dalawa?" Tanong ko.
"Nandon sa labas." At inirapan ako ni malditang Yannie -_- "Kumain kana para makaalis na tayo." Habang nag-aayos siya ng sarili niya ay kumain na nga ako ng mabilisan at nagtoothbrush.
Pagkalabas namin ay nakita ko yung dalawa na nasa bike na nila, naka-civilian lang kami dahil next week pa namin makukuha yung uniform namin."Wein! Dalian mo excited na ko e!" Muntangang sigaw ni Janna. Bumaba ako deretso sa bike ko at sabay sabay kaming pumunta ng school.
Magkakasama kaming apat sa iisang bahay dahil malapit lapit lang ito sa school na papasukan namin. Grade 12 na kami at naisip namin na lumipat ng school para new experience.
Halos bente minutos ay nandito na kami. Pinasok namin yung bike namin sa loob ng campus.
"Hala may mga transfer! Dali tignan niyo!"
"Woah! Ang cool, nakabike lang sila?"
Bulungan ng mga Juniors at nginitian nalang namin sila kahit peke. Dumeretso na kami sa Principal's Office at nag-enroll.
"Grabe excited na ko grumaduate mga bessy!" Sigaw ni Janna pag labas ng Office.
"Shut up Janna! Kanina ka pa excited lintik ka di pa nga tayo nag uumpisa!" Pigil tawa ang ginawa ko dahil sa itsura niya parang tangang nakakita ng magic. Hahaha.
"Wein, Look may paparating! Ang wafuuu nila!" Parang manghang mangha naman silang Tatlo. Oo trabaho namin yan ang maghanap ng gwapo at pagtripan. Hahaha.
Nang lingunin ko yung mga tinitignan nila ay...
*BLAAAAG*
Nag-init bigla ang ulo ko dahil yung bike namin ay TUMAOB na parang DOMINO! Mabilis naman itinayo ang mga bike namin sabay tingin samin na nakangiti pa. KAPAL!
"Ang gwapo nila! Ow nalabatpersayt ata tayo eh!" Kinikilig masyado tong si Janna at Jaliya e mahahalata kami nyan eh.
"Nako baka paradahan nila yun ah!" Parang nag-aalalang sabi ni Yannie
"May nakita ka bang pangalan don? Ako kasi wala eh."
Tinignan ko ng masama yung lalaki kanina na nakataob ng bike namin at na lakad palayo. At nakasunod naman ang tatlo kong kaybigan.
"Wag muna tayo gagawa ng aksyon ngayon ha? Alamin muna natin kung uubra tayo, okay?" Sabi ko sa kanila. Kasi minsan na kaming napahamak doon sa school na pinapasukan namin dati dahil gumaganti pala sa babae yon kaya yon napilitan kaming lumaban at lumipat.
"Oy pero akin yung kaninang nasa likod ah!" Parang excited na natatae to namumula pang sabi ni Janna.
"Ooopss! At meron na si Wein! Achiachi!" Mukhang tangang tusok tusok si Jaliya sa tagiliran ko at tinignan ko lang ng masama kaya nanahimik.
"Oh ikaw Yannie? Sino target mo?" tanong ko.
"Yung kaninang nasa kaliwa."
"Ako yung nasa kanan kanina!" Sigaw ni Jaliya na parang kinikilig pa.
Naglalakad kami papuntang office dahil nakalimutan namin itanong kung anong section kami.
"Goodmorning po Ma'am. Pwede po ba namin malaman kung anong section kami? Kakaenroll lang po kasi namin eh." Magalang na bungad ko sa principal.
